Almost a Love Story
"Oh ayan na pala ang kuya mo, lapitan muna!" narinig niyang wika ng ina paglabas niya ng kwarto. Napatingin siya dito at inaalam ang sinabi ng ina kasama ang babaeng kapatid.
"Oh bakit ma? may problema ba?" aniya sa paglapit
"Ito kasing si Hazel, ininvite ng kaklasi niya sa birthday party, magsasama sana sa iyo sa mall bumili ng gift!"
"Sige ba!" mabilis na payag niya agad naman napangiti ang kapatid.
"Yeheyy!"
Napangiti na rin ang mag ina "Maligo kana at pupunta tayo ngayon sa mall okey!?" utos niya na agad naman itong tumakbo papunta sa cr.
Pagdating sa mall ay agad na silang nagtungo sa gifts apparel, kung saan may libreng balot na.
"Good morning, welcome to gifts apparel, anong pong hanap nila?" bati at tanong ng sales lady pagpasok nila.
"We're looking for the best gifts for kids?" turan ni Aven.
"Babae o Lalaki po?"
"Babae ba baby? o lalaki?" tanong niya rin ss kapatid
"Lalaki po!" sagot ni Hazel
"Boy daw!"
"Okey, diritsohin niyo lang po ito and pagdating sa dulo liko po kayo sa left side!"
"Okey thank you!" agad na umalis sila doon at sinunod ang sinabi ng babae.
Malayo palang tanaw na nila ang mga gifts para sa mga bata kaya't nauna ng tumakbo dito ang kapatid at naunang namili, sila lang din ang tao doon kaya comfortable silang mamili.Tiningnan lang ni Aven ang kapatid habang masayang namimili, tumingin-tingin na rin siya para ialiw ang sarili habang hinintay ang kapatid.
"Hazel sabihan mo lang ako pagmay napili kana ah, at wag kang lalayo!" bilin niya
"Opo!" agad namang sagot habang busy sa pagpili.
Tumagal sila doon ng ilang minuto pero wala parin napupusuan na bilhin ang kapatid.
"Oh bakit wala kapang napipili? wala kabang nagugusotohan?" aniya dito.Umiling ang bata na wala kaya't siya na ang nag-isip na pumili.
"Miss meron paba kayong iba? na hindi naka display dito?""Yes sir!" sagot ng babae kaya't agad naman nila itong sinundan hanggang sa pagdating sa counter ay may kinuha itong iPad at binigay sa kanila.
"Pili lang po kayo diyan sir!"
"Makukuha ba namin ito agad?"
"Yes sir?" kampanting wika ng babae.
Pagkatapos pumili pinabalot narin nila agad ito at bitbit ang Paper bag palabas doon.
"Sigurado kabang magugustohan ito ni Ethan?" wika niya sa kapatid.
"Opo, mga ganyan kasi ang gusto niya eh!" napangiti naman siya agad sa turan ng kapatid.
"Ikaw po kuya?""Huh? ako?" natigilan siya sa dugtong nito
"Opo, kasi invited karin eh! kay dapat may gift karin sa kanya!"
"Ako? invited din?" paulit niya na parang hindi makapaniwala.
"Opo nga!"
"Talaga? sige-sige, maghahanap ako!"
"Sigurado kabang magugustohan ni Ethan ang gawa natin?"