Almost a Love Story
"This is the Polygon Data result as of this year" wika ni Aven sa lahat ng officers na nakaupo sa mahabang upuan at sa dulo nito siya nakatayo sa gilid ng malaking white board para sa projector. Sa pagsabi nito'y sinabayan ng isang slide kung saan makikita ang growth ng kompanya sa isang bar graph.
"As you can see mas domoble ang kita natin and maganda din ang feedback ng ating service in rural area, as the CEO of this company, I'm so happy in this success, we hope that hindi lang tayo titigil dito, we try to think beyond the limit to give faster and affordable service. " napalakpakan naman ang lahat ng marinig ang magandang balitang ito, hindi rin maiwasang mapangiti ang CEO dito dahil napatakbo niya ng ganito kaganda ang companya, pinamamahalaan niya.
"Hindi natin maa-achieve ito kundi dahil sa inyo, thank you everyone!"
Masaya siyang lumabas sa silid at bigla itong natigil sa harap ng isang silid doon, nagdadalawang isip pa ito ng sa plano niyang pumasok, subalit ilang sandali ay agad itong bumukas at bumungad ang mukha ni Alexandara at halatang nagulat ito sa pagbukas ay ito na agad ang bumulagta sa kanya, hindi makatingin ng diritso dito ang binata pero pilit niya itong nilalabanan.
"May kailangan ka sir?" hindi paman nakapagsalita ang lalaki inunahan na agad ng babae at agad na hinintay ang isasagot nito.
"Ummm... may ginagawa kapaba?"
"Wala naman sir bakit? may ipapagawa po ba kayo?"
"Labas tayo!" mabilis nitong alok na ikinabigla naman ng babae.
"S-sir?" panigurado nito dahil parang hindi pa makuha ang dapat nitong ibig sabihin.
"Uh I mean, labas tayo, lakad-lakad lang, total last day mo nalang din diba?"
Magrarason pa sana ang Alexandra ay agad ulit nagsalita kaya hindi na naituloy pa
"Hintayin mo ko sa baba, may kukunin lang ako!" agad na umalis, naiwan namang itong may mga salitang gusto pa sanang sabihin.
Wala na din ito magawa kundi sinunod ang sabi ng boss niya, last day nalang din niya dito ngayon at may lungkot din na nararamdam ito sa puso niya, paglabas ng elavator ay tahimim lang itong tinahak ang lobby palabas ng building, pero may lalaking agad na humarang sa kany kaya't napatigil ito.
"O Anthony" banggit niya pangalan nito
"Mukhang may pupuntahan ka, bakit may inutos nanaman ba ang CEO sayo?" puna ng lalaki dito, pero matamis na ngiti lang ang sinukli ng babae bago nagsalita
"Wala, niyaya nga ako lumabas eh, dahil last ko nalang pala dito ngayon!" May panghihinayang na nararamdaman si Anthony ng marinig iyon mula kay Alexandra, pero hindi lang ito nagpahalata sa nararamandaman "Pasensiya kana kahapon ah, hindi ko kasi alam na-----"
"-----naku wag mong isipin yun!" putol ng COO sa pagsasalita niya at binigyan ng malaking ngiti sa labi "Sige na, baka hinahanap kana niya!" dugtong ng lalaki na ilang saglit ay napansin nilang nakatayo na si Aven hindi kalayuan sa kanila at naktingin lang ito, agad nadin nagpaalam ang lalaki at umalis sa harapan niya. Sinundan niya ito ng tingin at ilang sandali ay lumapit na ito kay Aven.
"Ano sabi sayo?" bungad na tanong ni Aven sa kanya.
"Wala, nagsorry lang ako kahapon!" matipid na sagot niya, hindi na rin nagtanong pa si Aven.
"Tara na!" yaya niya at sabay na lumabas ng building.
Tahimik lang din na nakatingin sa isang sulok si Anthony hanggang sa hindi makita ng mga mata niya.