Almost a Love Story
Maagang nagising si Aven para sa paghahanda sa pagbalik niya sa companya sa ilang araw na pagkawala.
Inayos na ang sarili sa harap ng salamin at bumaba ng condo para umalis.
"Good morning sir!" bati sa kanya ng guard doon pagpasok niya ng lobby.
Dumiritso agad siya sa office at hindi paman din naka upo ay pumasok na si Elias.
"Good morning sir, good thing bumalik po kayo, marami kasing nangyari eh!" wika nito sa kanya na umupo sa upuan sa harap ng table
"What do you mean?"
"Good morning sir, here's the report and feedback according to our new plan" singit naman ng COO na kakapasok lang ng silid at inabot ang white folder sa kanya.
"How is it?" tanong niya at binuklat ito
"So far marami po ang may positive feedback 70% and 30% yung negative!"
"Bakit masyadong marami yung negative? I thought you were into this? gawan mo ng paraan and I'll check it later!"
"Okey sir!" pakumbaba ng lalaki at agad na lumabas ng silid "excuse me sir"
"Good morning sir, here's the schedule sa mga meeting niyo po this day!"
"Huh? bakit ikaw gumawa nito, diba dapat ikaw ang charge dito Elias?" huwistyon niya sa wika ni Abigail pagpasok at inabot ang isang folder dito.
"I know sir pero si Abigail ho ang binigyan ni Mr. Owner ng schedule!" paliwanag ng isa.
"Damn! " mura niya sa pagtingin dito "Ba't sunod-sunod yung schedule? Elias alam ba to ni Mr. Martin?"
"Ummm... actually ho sir siya po ang nagschedule niyan!"
Pagwaka nito ni Elias ay napasandal sa inuupuan si Aven. Hindi siya makapaniwala at hindi mabatid kung bakit ito ginagawa sa kanya, kulang nalang ay hindi na siya kakain o matutulog kundi magtrabaho.
Pati ang dalawang nasa harap ay ramdam din ang pagod ng lalaki, ilang sandali agad na tumunog ang telepono ni Elias na agad namang sinagot.
"Hello, secretary of CEO speaking!" wika nito na tumahimik agad para marinig ang boses sa kabilang linya.
"Oh Mr. Brown, yes he's available, yes sir, he will be there in 5 minutes... yes sir thank you!" saka na binaba nag telepono at tumingin sa CEO
"Sir?" mahinang wika niya
"I know!" agad na sagot niya at napatayo ss inupuan "Asan daw kami magkikita?"
"Babe?" aniya ni Scarlet ng makitang pumasok sa kwarto si Aliric sa silid at tahimik lang na dumiritso sa CR para maligo.
"Hmmm?" sagot sa kanya
"Umm... puwede ba tayo mag-usap pagkatapos mong maligo?"
"Sige, sandali lang ako!" wika ng lalaki at pumasok na ng cr.
Huminga ng malalim ang dalaga para humugot ng lakas ng loob.
May halong kaba at pangamba ang nararamdaman niya habang naka-upo sa kama hindi nawala ang tingin niya sa pinto habang dinig ang ingay ng shower doon.