Almost a Love Story
Malalim na ang gabi subalit gising parin ang diwa ni Alexandra. Pilit na bumabalik sa isipan niya ang mga walang kwentang pinag-uusapan nila ng CEO, hindi niya akalain na ganun kasarap kausapin ito, well parati naman niya ito nakakausap nong naging temporary secretary siye pero ang usap na walang halong trabaho? yung tungkol sa mga bagay na hindi ko alam na pag-uusapan namin, hindi niya akalain na mapapangiti siya sa mg oras na iniisip niya iyon, nag iba siya ng position at napabuntong hininga, agad na napalitan ng seryosong mukha ang labi niya ng pumasok sa isip niya si Anthony.
"Olivia!!!!" may timpi na wika ni Anthony sa babae sa kama, pareho silang walang saplot pero at pilit na hinahalikan siya nito, pero ganun naman ang pag-iwas niya. "Hindi kaba talaga titigil?" pagpupumiglas niya at umalis sa tabi.
"Baka akala mo nakalimutan kuna ang ginagawa mo sakin!" gigil niya at agad na pumasok ng CR para maligo.
Pinarada na nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada ang kotse at agad na bumaba, tanaw niya na habang papalapit si Alexandra na nagseserve ng mg orders, dumiritso na ito at pumasok.
"Alexandra!" wika niya sa pangalan nito.
Nang marinig ni Alexandra ang pagtawag sa pangalan niya agad siyang tumingin dito at nakita si Anthony.
"Enjoy the coffee!" aniya sa customer at agad na umalis doon ag lumapit sa lalaki.
"Oh ginagawa mo dito!" tanong niya
"Pwede ba tayo mag-usap?" aniya na agad naman inabot kay Liam ang tray na bitbit at sabay na lumabas ng Coffee shop
Sinundan lang din ng tingin ito ni Liam.
Huminga muna ng malalim si Anthony bago nagsalita "Pasensiya kana kahapon, hindi ako nakasipot, may emergency kasi ako eh!" may tagong lihim na wika niya
"Ayos lang, naintindihan ko naman!" mahinang sagot nito sa kanya.
"Babawi nalang ako ngayon, ayos lang ba?" alok niya dito.
"Pasensiya kana Anthony pero, hindi ko ako pwede ngayon eh, ang aga pa kasi para umalis ako!" pagtatanggi niya.
Nag-iba naman ang mukha nito ng marinig pero alam din niyang wala siyang magagawa "Ganun ba, sige, mukhang busy ka eh, alis na ako!" pilit na ngiti sa labi ang iniwan niya bago tumalikod.
Nanghihinayang na tiningnan Alexandra habang palabas siya ng shop, naawa din siya dito kasi unang beses niya na tumanggi.
Mabilis lumipas ang araw ni Aven, buong araw siyang nasa loob lang ng office at kahit lunch ay nagpapadeliever nalang.
Ilang saglit ay tumunog ang cellphone kaya't agad niya itong sinagot.