Almost a Love Story
Self motivation ang ginawa ni Aven para ipagtuloy ang ginagawa.
Mahirap kalimutan ang taong nakilala muna, but in his self sinisimulan niya ng gawin ito.
Unti-unti niyang binabalik ang buhay na kung anong meron siya noon.
Trabaho, Bar, Condo.
Paglabas ng sekretarya sa opisina ay binabad niya ulit ang sarili sa trabaho, He's a CEO pero makapag-alala siya ay parang Staff lang, na may hinahabol na deadline para isubmit ang proyekto.
"Hoy, Abigail!?" banggit ni Elias sa babaeng tutok na tutok sa harap ng kompyuter. Agad ding humarap.
"Ano kaba bakla!" inis niya "Nagtatrabaho ako dito oh!" dagdag niya
"Teke lang naman, tingnan mo kasi si sir Aven, wala kabang nahahalata?" tsismis niya dito. Tinignan naman ito ng babae
"Hmmmm... pumupogi siya and....."
"Gaga, alam naman nating pogi yang si sir pero, tingnan mo oh, napaka-hardworking ngayon?"
"Hayaan muna, tinawag kasi yan ni Mr. Martin sa opisina!"
"So you mean, pinagalitan si sir?"
"Hindi, Ibig kung sabihin baka may inutos oh sinabi, pagagalitan eh nag number 1 nga tayo dito sa pinas, baliw!!" bulyaw niya dito saka bumalik ss ginagawa "umalis kana nga diyan tsismis lang alam nito!" dagdag pa niya.
Bumabalik sa isip ni Alexandra ang lahat na sinabi niya sa binata na ikinatulala niya habang naglilinis ng mesa sa coffeeshop hanggang wala pa ng kostumer ang nandun.
She think na tama lang ba ang ginawa niya or sobra, hindi naman naging masama sa kanya ni minsan ang binata. Pero tama lang naman siguro iyon para sa ikabubuti ng relasyon nila ni Anthony. Aniya sa isip na nakapag buntong hininga na mabilis napansin ni Liam.
"Hoyyy!!" malakas na wika dito mula sa likuran, hindi man lang nabigla ang dalaga kundi nilingon lang siya.
"Mukhang malalim ang iniisip natin ah!" dagdag ng kaibigan.
"Liam, tama ba ang ginawa ko?" pagtataka ni Alexandra
"Ang alin?"
"Kasi, may tao akong napagsalitaan ng medyo harsh at sinasabihan ko na hindi na magpapakita sakin kahit wala naman siyang ginagawang masama sayo!" paglilinaw niya
"Hmmm..... " isip ng kausap "Kilala ko ba yan? or mukhang kilala nga ko yan!"
"Basta, sagutin mo nalang kasi ako, tama ba yung ginawa ko?"
Napaupo sa gilid na upuan si Liam para mabigyan ng mabuting explanation ang dalaga.
"Alam mo Alexandra, minsan gumagawa kasi tayo ng decision na hindi talaga natin napag-isipan ng mabuti, so try to listen to him malay mo he have a deep reason kung bakit siya nangungulit sayo!"
"Wait? bakit puro naman at lalaki ang ginagamit mong example?"
"Bakit bawal ba? saka taman naman sinabi ko ah!"
"Diyan kana nga ang layo naman ng sinagot mo sa tanong ko eh!" mapadog na umalis ang dalaga at, sinundan lang siya ng titig ni Liam na batid kung sino ang sinasabi nito.