Chapter 10

1 2 0
                                    

Almost a Love Story









Matapos maligo agad itong nagbihis at sinuklay ang buhok, ilang saglit tumunog ang telepono niya kaya ng marinig tinigil muna ang ginagawa niya at kinuha ito sa charger at sinagot.

Hindi muna siya nagsalita at hinintay na ang tumawag ang magsalita dahil numero lang nag nakita niya.

"Besh? si Ela to, oh kamusta ang unang araw ng trabaho?" tanong nito sa kanya, huminga naman ng malalim si Alexandra bago nakasagot.

"Ayos lang!" malamig niyang wika

"Oh bakit ganyan ang boses mo, pasensiya kana ah!"

"Ayos lang, ikaw kamusta ang out of town niyo?"

"Ito, masayang-masaya si mama!"

"Buti naman!"

"Kamusta pala ang trato sayo ni sir? suplado ba?"

"Ayos lang" mga matipid kung sagot sa kanya ni Alexandra dahil sa wala ito gana pag ang lalaking iyon ang pinag-uusapan.

Hindi nagtagal ang pag-uusap namin nila at mabilis nading nagpaalam sa isa't-isa.















Pagbaba ng bus sa tapat ng gusali napatigil muna ito at napa bumuntong hininga sa bagong araw nanaman na haharapin niya kasama ang lalaking iyon, napatingin ito sa taas napatitig sa malaking pangalan ng companya.

Maaga pa oras wala kana masyadong makikitang tao sa loob, sinimulan niya na hakbangin ang mataas na hagdan at binuksan ng security guard ng  pinto at bumati pa dito, ngumiti lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.

Inihanda niya ang sarili ng palabas na siya ng elevator, at ng bumukas na ang pinto tahimik lang siya na lumabas doon at dumirtso sa Office niya.

"Hoy, babae bakit ngayon ka lang?" agad na bungad na wika sa kanya ni Abigail, napatigil naman ito sa paglalakad at hinarap ito

"Bakit? may problema ba?" inosenting wika niya

"Puntahan mo nalang si Sir sa conference room, kanina kapa niya hinahanap!"

"Okey, salamat!* mahina niyang wika at tumalikod na



Mula sa labas ng silid tanaw niya ang lalaki na nakaupo sa isa sa mga upuan at abala ito sa laptop sa harapan niya, wala din tao sa loob kaya dahan-dahan na binuksan nito ang pinto at lumapit.

"Good morning sir!" mahinang wika niya pero hindi lang ito tumingin sa kanya at patuloy lang sa ginagawa

"Bakit ngayon ka lang?"  seryosong tanong sa kanya

"Sorry sir, nag bus lang kasi ako tas inasikaso ko pa yung kapatid ko" rason niya "bakit po may ipapagawa ka po ba?"

Mga ilang segundo pa bago sumagot ito sa kanya ang lalaki "Check this papers and summarized, after 10 minutes ibalik mo sakin!"

"Si-sir? 10 minutes? pero masyado po itong marami para sa sampung minuto!" reklamo niya ng makita ang makapal na mga papel sa gilid ng CEO, agad itong tumingin sa kanya ng seryoso diritso sa mga mata niya.

"Bakit may reklamo ka?" aniya ng lalaki matapos ang pagtitigan at ito narin mismo ang unang bumitaw at bumalik sa ginagawa

Hindi nalang din nag salita pa at inis na kinuha ang mga papers sa gilid ng lalaki at mabilis na tumalikod

"Pakikuha mo nga ako ng tubig, nauuhaw kasi ako!" rinig niyang utos sa kanya.

"Excuse me??!??" sabay harap niyang wika dito.

A Cup of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon