Almost a Love Story
Hindi lang namalayan ang oras dahil sa gusto nitong matapos na agad ang trabaho dahil sa na recieve niyang text message kagabi.
"Sir? pinapatawag niyo po daw ako?" turan nito pagpasok ng office.
"Ah yes, ilang meeting paba ang naka schedule ngayon?" aniya habang busy sa laptop at di man lang tumingin sa kausap.
Mabilis na binuklat ng secretary ang white folder at tiningnan doon.
"Basi sa record wala na po sir, natapos niyo na po lahat this day!"
"Ganun na? sige, ikaw na muna bahala dito aalis muna ako!" agad na wika ni Aven at umalis sa harapan niya.
Pagdating sa lugar kung saan napagdecisionan na doon magkikita ay nauna na siyang tumungo doon at nagtext sa numero.
"OTW" reply sa kanya. Nauna na siyang pumasok sa Restaurant at humanap ng mauupuan habang naghihintay.
"Good afternoon sir, what's your order?" waiter na lumapit sa kanya.
"Mamaya may hinihintay pa kasi ako!" sagot niya
"Sige sir, just give a sign if mago-order na po kayo"
"Sige" at mabilis ng umalis ito.
Nakalipas ang ilang minuto ay napansin niyang may pamilyar na taong pumasok sa restaurant, tiningnan niya lang ito at di inaasahan na lumapit ito sa kanya at umupo sa harapang upuan.
"Sorry late ako!" wika ni Liam dito.
"Wait, ikaw yung nagtext?" may gulat na tanong ni Aven
"Oo bakit? may iba ba inaasahan mo?"
Hindi na siya sumagot pa at agad na kinunsulta ang sinabi niyo sa text.
"Ano yung sasabihin mo?"
"Order muna tayo puwede hindi pa kasi ako naglunch"
Tumango lang si Aven at nakitang tinawag na ni Liam ang waiter na agad namang lumapit
"Yes sir?"
"Special Lunch nga po" aniya na di man lang nagbukas ng menu
"2 sir?"
"Just 1" singit ni Aven
"Huh? di ka kakain?" turan ni Liam
"Busog pa ako ikaw nalang just give a drink"
"What drink sir?"
"Water!"
"Coke naman sakin!"
"Okey sir, excuse me prepare ko lang yung order niyo!" paalam ng waiter at umalis na.
"Nagtitipid kaba?" pagtatakang tanong ni Liam dito "ba't tubig lang yung in-order mo?"
"Wala akong gana eh, ano naba kasi yung sasabihin mo?" medyo inis na wika ni Aven, halatang atat na atat na siyang malaman ito.
"Ou na di ko man lang inaasahan na ganun ka ka-interesado malaman!" aniya "actually tungkol to kina Alexandra ar Anthony"
"Bakit, sila na?" mabilis na sagot ni Aven na nakapagpatigil kay Liam