Almost a Love Story
Habang nasa office, pinatong sa table ang dalawang paa habang hinintay ang pagsagot ng kabilang linya.
"Hello Rain?"
"Yes Aven? shit na miss kita bro!!!" sagot ng binata sa kanya napangiti rin si Aven dahil ganun din ang naramdaman.
"I miss you too Rain, but can I ask a favor! I know you're the one who can help me!" aniya
"Sure, anyways nasa pinas ako ngayon ano kita nalang tayo?" alok ng kausap na mabilis naman na sinang-ayunan ni Aven.
Quarter to 8 na dumating si Aven sa Restaurant na kikitaan sa kaibigan, hindi rin kasi umiinom ang kaibigan at isa pa hindi sila makapag-usap ng maayo pag sa bar makipagkita.
Pero mas nauna pa siya dito kaya dumiritso na siya sa unang vacant table.
"Can I get your order sir?"
"May hinihintay pako, tatawagin nalang kita" sagot niya sa waiter na agad ding umalis.
Binuksan niya ang telepono.
"Shit" mura agad ni Rain pagdating sa loob ng restaurant.
"Oh Rain? ano nangyari?" wika ni Aven. Pagkita na parang pagod na pagod ang kaibigan.
"Muntik pako maligaw Aven!"
"Ikaw na nga pinapili ko ng restaurant" sabay ngisi ni Aven. Umupo na sa harap niya ang kaibigan
"Ano gusto mong kainin? treat kuna"
"Just give me a milk tea!" wika ni Rain, nag order na si Aven at inilabas naman nito ang laptop na nakasilid sa shoulder bag. Binuksan.
"Oh ano yung tulong na sinasabi mo?" wika ng kaibigan.
"May hinahanap ba kayo?" aniya ni Alexandra dahil parang may tinitignan ang dalawang kasama sa paligid.
"Sorry, na miss ko lang kasi dito!" ika ni Rain na ngumiti pa sa kanya.
Naglalakad sila sa kahabaan ng foot walk madami din kasing namamasyal, kumakain, naglalaro at nagpapaganda nag malaking fountain sa gitna.
Tumingin sa paligid ang babae pagbaba ng taxi bitbit ang isang maleta.
Kinuha niya ang telepono at nilagay sa tenga.
"Hello!" pagbikas ay agad na ngumiti "Yes Im here at park na, yes kakarating ko lang din, okey see you!"
Binaba niya ang telepono at naghanap ng mauupuan.
Lumipas ang ilang segundo, may lalaking lumapit. Sinalubong niya ng magandang ngiti at niyakap pa, ganun din ito.
"Oh my god, I thought hindi kana dadating!" arting wika niya "Forgive me please, alam mo naman na ikaw parin ang mahal ko diba?"
Ngumiti ng pilit ang kayakap at halatang hindi natitiis ang babae.
"Promise me na hinding-hindi kana ulit magpapakita iyon at pagnakita kopa ulit siya baka mabasag kuna ang pagmumukha niya!" gigil na wika ng lalaki at niyakap ng mas mahigpit ito.
"Promise!!" sabay halik pa nito sa labi ng lalaki.
Natigilan sa paglalakad si Alexandra at parang nakapako ang paa sa kinatatayuan, samot saring emotion ang naramdaman niya na nagpatulo ng luha.