Almosta Love Story
Wala pa masyadong tao na nagbukas ang Coffeeshop nila ni Alexandra, natapos na nitong i-prepare ang lahat ng nasa loob at binaliktad ang close nitong sign to open, pero agad itong bumalik sa loob at bumalik din sa pinto.
"Hawakan mo to!" utos nito kay Liam na agad naman na hinawakan ang isang malaking white board.
mabilis din niya itong napadikit sa linto sa ilalim ng open sign na nandoon na."Oh anak, ano nanaman yang nilagay mo diyan?" daing ng mama niya ng napansin nitong may ibang ginagawa sa labas.
"Lexan naman, kailangan mo pa ba talagang ilagay yan?""Naku ma, pag di ko to ilagay, malulugi tong Coffeeshop natin!" malakas na wika niya.
Hindi na umangal ang mama nito sa kanya at agad nalang na bumalik sa loob ng may pumasok na customer, sumunod na rin doon ang dalawa.
Maagang umalis ng condo si Aven at dumiritso na agad sa company.
"Good morning sir!" bati sa kanya ng Security Guard at pinagbuksan pa ito, ngumiti maman ito ng kunti at mabilis na pumasok sa loob suot ng asul at itim na suit.
Binabati din siya ng mga taong nandoon hanggang sa umabot ng elavator, naghintay ito sandali bago bumukas ito, may mga lumabas din doon at ganun din ang bati sa kanya.
"Morning Sir!"
"Morning" aniya at ito naman ang pumasok doon, hindi na nagabala pang sumabay sa kanya ang magkasunod na employee ng companya
Hinintay nito na umakayat ang at tumunog ito at siundan ng pagbukas ng pinto, inaayos nito ang suot bago lumabas.
"Good morning sir!" bati ng babaeng dumaan sa harapan niya bitbit ang maraming papers.
Patuloy lang ito sa paglakad hanggang sa narinig ang boses ng secretary niyang papalapit sa kanya.
"Morning sir!" bati nito at sinasabayan siya paglakad, ngumiti lang ito at di na sumagot pa
"I would like to inform you sir that Mr. Steel is on his way!"
"Wait.." daing niya at napatigil pa ito "Mr. Steel?" ulit niya at medyo nagtaka.
"Yes Sir, you have a meeting with him, about your presentation, remember?"
Sumunod hanggang sa loob ng office nito si Elias tumitigil ito sa harapan ng table ni Aven na dumiritso sa upuan at hinubad ang jacket nitong suot at nilagay sa sandalan ng upuan niya bago umupo.
"Ngayon ba yung meeting ko sa kanya? What time?"
"Yes sir, at 8 AM, naku sir, makakalimutin kana, don't worry sir, marami akong alam na gamot diyan---"
"--No, no, no, wag na, thank you nalang, I've been busy this days, kaya siguro di kuna napansin schedule ko!"
"Hindi sir, minsan kasi sir dala yan ng pagkatanda natin, don't worry sir its herbal, walang halong chemical, proven to sir! kita mo naman sakin, bonggang bongga diba?"
Tinitigan lang siya ng seryoso ni Aven sa mga kakadaldal niya, nagsisimula nanaman kasi ito.
"Update nalang po kita sir if nandito na siya, hehe see you sir!" wika niya at mabilis na lumabas ng pinto.
Napasandal ng upuan si Aven at napapikit ng mata, di ito maiwasan mapangiti sa asta ng secretary niya, di kasi bagay ang kilos nito at boses sa katawan niyang pang wrestler.
"Sir, nasa baba na po siya" mahinang wika niya habang nakasilip sa pinto na agad ding sinira
"Whaaat?" wika pa niya at tumingin sa relo.
"7:25, ba't ang aga niya?" daing niya pero agad na sinuot ang jacket na nilagay niya kanina sa upuan at dali-daling lumabas.