Chapter 20

1 2 0
                                    

Almost a Love Story




"Ito lang?" seryosong wika ni Aliric matapos magbilang ng pera na nasa loob ng case.

"O-opo boss!" takot na wika ng tauhan nitong nasa harap niya.

Pero mas lalo itong nanginig ng tignan siya nito.

"sigurado ka?"

"O-opo boss yan po lahat na binigay niya, kasama ko pa nga si James, kahit tanungin ko pa!" turo nito sa kasama hindi kalayuan sa tinatayuan niya.

At ito naman ang tinitigan ni Aliric.

"Opo boss yan lang po lahat!"



"Eh bakit kulang!??" napasigaw na ito sa galit.

"Iwan po namin boss basta yan lang po lahat, maniwala po kayo!"

"Siguradohin niyong totoo ang sinasabi niyo kung hindi, isusunod ko kayo!" pagbabanta nito, at agad na napasandal sa inuupuang couch saka nilabas ang telepono at may tinawagan.

"Magsaya kana!" aniya matapos tumawag at ininom ang alak sa basong nakapatong sa mesa.













"Oh Aven? babalik kanaba sa trabaho?" tanong ng mama niyang nadaanan nitong nagsusuot ng necktie sa kwarto.

"Hindi po ma may aasikasohin lang pero hindi to tungkol sa companya" sagot ng anak.

"Ganun ba, dito kaba kakain ng tanghalian?"



"Hindi na, sa labas nalang ako kakain, si Hazel pala?"

"Ayon tulog pa rin, napagod ata!"

Napangiti nalang ng kunti si Aven sa tinuran ng ina, lalo pa't kita sa mukha nito ang tuwa.

"Salamat pala anak ah!"

"Naku wala yun ma, wag ka mag-alala sa susunod hindi lang overnight at hindi sa resort tayo magsasaya, mag-iipon ako at lalabas tayo ng bansa!" may pag-asang turan sa ina na natuwa din.

"Naku gastos lang yan anak, saka ang mahal kaya ng dialysis ng papa mo, halos nga kalahati dun lang pumupunta, at isa pa, mag-ipon ka rin para sa sarili mo!"

"Hayaan niyo na ma akong mangarap ma, minsan nga lang eh!" pagbibiro nito, na agad niyakap ang ina.

"Basta ma, hangga't nandito ako at kaya ko, gagawin ko ang lahat para sa inyo!"

Napapikit nalang ang ina sa tinuran ng anak na mas hinigpitan pa ang pagkakayakap.





Sakay ng sasakyan mabilis siyang nakarating sa mansyon, pinarada niya ang kotse sa gilid at umakyat na sa taas.

Tahimik ang loob at hindi niya alam kung saan hahanapin si Aliric kaya't nagtanong na siya sa mha katulong doon na agad naman tinuro na nasa taas.

Paakyat ng mataas na hagdan nakarating siya sa corridor ng mga kwarto doon, tahimik lang siya na naglalakad at hindi niya inaasahan na marinig niya ang boses ng babae sa loob ng kwarto na nadaanan niya.

Boses ito ni Scarlet at mabilis niyang naalam na nasa telepono ito dahil wala siyang maririnig na boses na sumasagot.

Hindi niya rin intension na pakinggan pero iba ang ginagawa ng tenga niya kaysa sa mga paa.

"Ayaw kung pag-awayan natin to sa telepono Jasper, napag-usapan na na natin to diba? kunting tiis nalang! "

"Alam ko, at nahihirapan din ako, pero it's not about time, mahirap din ipaintindi kay Aliric ang gusto ko, kaya please instead of arguing, tulungan mo nalang ako!"

A Cup of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon