DF-2: Don't Look Back

8 0 0
                                        

Alessandra's POV

Magkakasama na kaming lahat ngayon sa tambayan namin sa school. Magmula sa bar, sa bahay nila Faith, sa bahay namin at hanggang ngayon, hindi ko pa rin maiwasang kabahan dun sa pink na paper.

Renzo: Tumunog na yung bell.
Ako: A-ah, sige. Salamat.

Tumayo na ako at pumunta sa room ko. Grabe, napaparanoid talaga ako sa mga nangyari nung nakaraang araw.

Ako: Nasan na si maam?
Gely: Absent daw.

Bumuntong hininga ako at umupo na lang sa isa sa mga upuan na malapit sa bintana.

Darwin: Lalim ng iniisip ha! Nalulunod ako.
Ako: Anong kailangan mo?
Darwin: Gusto mo makarinig ng kwento?
Ako: Anong kwento naman yan?
Darwin: Something creepy. Yun ay kung kilala mo si Isha Uria.

Nabigla ako sa pangalang narinig ko.

Flashback***
3 years ago...

"Ales! Ales tulong!"
Ako: S-sino nandyan?
"Ales! Ako toh! Ang ate Joan mo! Ales tulong!"

Agad kong binuksan yung pinto pero napaatras ako nang makita ko ang lagay ni ate Joan. Punong puno ng dugo yung bistidang suot niya. Ang gulo ring ng buhok niya. May hawak syang kutsilyong puno ng dugo.

Ako: Ate. A-ano yan?

Bigla nyang binagsak yung kutsilyo at napaupo sya sa lapag. Nagsimula syang umiyak ng umiyak.

Siya: Nakapatay kami Ales. Nakapatay kami! Huhuhu.
Ako: K-kayo? S-sino k-kayo?
Siya: Si Vince, si K-karla at a-ako. Huhuhu. Ales! Nakapatay kami!

Napaurong ako bigla.

Ako: S-sinong napatay niyo?
Siya: Si Isha. S-si Isha Uria. Yung nakalaban ko sa beauty pageant.
Ako: Nasaan na si kuya Vince at ate Karla?
Siya: Wala na sila. P-patay na sila.

Naspeeachless ako. As in speechless.

Ako: P-p-pano?
Siya: Nang ihulog namin sa bangin yung katawan ni Isha, n-nadulas si Vince at naisama sya sa pagkahulog. Nauna pang mahulog si Vince kaysa sa katawan ni Isha. Hindi namin alam na buhay pa si Isha at hinawakan niya ang kamay ni Karen. Sa takot ni Karen, tumakbo sya at at. Huhuhu, n-na-nahit and run sya. Sa galit ko, sinaksak ko pa ulit si Isha kaya lang natakot akong mahuli. Kaya tumakbo ako dito. Sorry Ales. Sorry.

Hindi ako lumalapit kay ate Joan. Natatakot kasi ako sa kanya eh. Lalo pa't may katabi syang kutsilyo.

Siya: A-Ales? Wag ka matakot saken.
Ako: Ate. Sorry.

Tumayo sya at tumalikod saken. Yun na ang huli naming pagkikita. Nabalitaan ko na lang na nagpakamatay sya.

End of Flashback***

Darwin: Earth to Ales!
Ako: H-ha?
Darwin: Ano? Interesado ka ba sa kwento ko?
Ako: S-sige.

Ngumiti ng nakakaloko si Darwin.

Darwin: Sabi nila. Ang dating campus queen daw na si Isha Uria ay pinatay sa isang karumal dumal na paraan. Ang pinagtataka lang ni ng lahat, walang nahanap na katawan. Ang inisip ng iba, buhay pa si Isha, pero sabi ng iba, baka daw nahulog na sa bangin ang katawan niya at nilapa na ng mabangis na hayop. Ito sya oh!

May nilabas syang picture. Lumaki yung mata ko. Kahawig niya si Ate Joana. Para silang blood related.

Darwin: Okay ka lang?
Ako: Yeah. May naalala lang ako sa itsura niya.
Darwin: Ang ganda niya noh? Kaya lang sabi ng pamilya niya, patay na daw yan. Nahanap na daw ang duguang katawan ng magandang babae na yan. O sya, balik na ako sa upuan ko ha!

Tumingin ulit ako sa malayo. Posible kaya?

-

*RINGGG RINGGG*

Huh? Breaktime na? Bakit parang napaaga yata. Oh well!

*Lakad Lakad Lakad*

Ako: Marc.

Tiningnan lang ako ni Marc at nginitian. Nakikita ko yung takot na namumuo sa mga mata ni Marc. Lumapit siya sa tenga ko at bumulong sya.

Marc: Tumakbo ka na at kahit anong mangyari Ales, don't look back.

Nakaramdam ako ng sobrang takot at sa di malamang dahilan, tumakbo ako ng tumakbo palabas ng campus. Dire-diretso lang. Nakakainis dahil parang nagcutting classes ako. Ako pa man din ang presidente ng Student Council.

Biglang bumuhos ang malaks na ulan.

Shemay!

Takbo Ales takbo!

Don't look back Ales.

Don't look back!

Don't look back!

Don't look back!

Ako: Ahhh!

Bigla akong nadulas. At sa hila ng curiousity, tumingin ako sa likod ko.

M-may babae. Nakadress sya na puti at punong puno yun ng dugo. Nginitian niya ako habang palapit sya ng palapit saken.

"Ales! Ales!"
Ako: Aah!
Darwin: Oh? Okay ka lang?
Ako: H-ha? O-oo. Oo ayos lang ako.

Panaginip lang pala.

Dugdug. Dugdug. Dugdug.

Panaginip lang yun pero di ko alam kung bakit nakaramdam ako ng matinding kaba na may masamang mangyayari.

Darwin: Ales! Bilisan mo! May naaksidente!

Walang sabi-sabi, tumayo ako agad. Pumunta kami sa hagdanan malapit sa cafeteria.

Nagkumpulan yung mga estudyante dun.

Ako: ANONG NANGYAYARE DITO?

Nag-give way agad sila saken. May babaeng nakahandusay sa sahig, naliligo sya sa sariling dugo niya. Lumapit pa ako. May sobre sa loob ng bulsa niya. Kinuha ko yun. May pink na papel sa loob nun.

---

Ales...

Dear Friends,
Nag-uumpisa pa lang ako. Hahaha!

-AEO

---

Nakaramdam ako ng matinding kaba.

Dear FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon