Alessa's POV
Nandito naman ako ngayon sa burol ni Faith. Breakfast at lunch na ang lumipas pero ni isa dun, di ko pa tinake.
Tita: Ales, kumain ka muna. Sabi ni Yvan, di ka pa daw kumakain simula kanina ah?
Ako: Di ko kaya tita.
Tita: Ales, sige na naman oh.
Ako: Tita. Wag na po. Uh, si Yvan?
Tita: Nasa labas. Di niya raw matingnan si Faith eh.
Ako: Sige po. Sandali lang.
Lumabas ako at nakita ko si Yvan. 12:15 pm. Mataas na ang tirik ng araw kaya eto, nasa ilalim kami ng puno. Puno sa labas ng bahay nila Faith.
Ako: Okay ka lang?
Yvan: Si Faith. Sayang lahat ng hirap niya sa taekwondo. Bakit kaya?
Ako: Anong naiisip mo?
Yvan: Kilala niya na ang pumapatay at sa tingin ko, hindi lang niya toh basta kilala. Kilalang kilala.
Ako: Yvan?
Yvan: Ales, hindi sya pumalag nang patayin sya. Walang pasa o sign na nanlaban sya.
Ako: Sino?
Yvan: Lahat tayong natitira ang suspect. Si Maica, si Renz, ako o ikaw ang pwedeng gumawa nito.
Ako: Kasama si Maica?
Yvan: Anong malay natin? Baka sinaksak pala ni Maica ang sarili niya para palabasing inosente sya.
Ako: Pero walang pruweba! Walang ebidensya.
Yvan: Iba na ang panahon ngayon Ales. Kung sino pang himdi mo inaasahan ay sya pang may nalalaman.
Iniwan ako ni Yvan na nakatulala. What was that? Bakit parang may laman yung sinabi niya? Bakit parang ang dami niyang alam?
Nagising ako sa pagkatulala ko nang may sumitsit saken.
Ako: Sino ka?
: So hindi pa pala tayo nagmemeet.
Ako: Mukha bang magkakilala na tayo?
: Hey. Easy lang. Kilala kita pero ako, hindi mo ko kilala.
Ako: Sino ka nga?
: Ako? Ako lang naman ang nagligtas sa mga kaibigan mo.
Ako: Hindi naman ikaw si Ayumi.
: That's not what I mean Ms. Alessa Domingo.
Ako: Who the hell are you!
: Hell? Hindi naman ako mukhang demonyo ah?
Ako: Bakit parang ang dami mong alam.
: Dahil marami talaga.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at niyaya ko syang mag-usap sa ibang lugar. Sinabihan ko si Yvan na magkita na lang kami sa ospital.
Pumunta kami ng babaeng toh sa park.
:Ales. Im CA.
Ako: CA what?
: Just CA. So ano bang gusto mong malaman?
Ako: Lahat ng alam mo syempre!
: Lahat?
Ako: OO!
Ngumiti sya ng nakakaloko at tumawa.
Ako: Anong problema mo?
: Ales Ales Ales. Lahat naman ng alam ko, alam mo na.
Ako: Ano? Magtatanong ba ako kung alam ko na?
: Alam mo ang nakaraan. Ang puno't dulo.
Ako: T-teka. S-sino ka ba talaga? At anong alam mo sa nakaraan?
: Ales naman. Hindi ako ang kalaban mo.
Ako: Sa mga sinasabi mo saken ngayon, ginagawa mong demonyo ang sarili mo sa mga mata ko.
Tumingin sya ng diretso sa mga mata ko. Emotionless ang mga mata niya. Emotionless pero full of knowledge.
: Pinadala ko ang picture ni Yvan para magkaroon kayo ng clue kung paano sya papatayin. Tinawagan rin kita bago yun. At nung araw na nalason si Sierra, nandun ako at nakausap sila para sabihing there's something that will leave her breathless.
Ako: Kasabwat ka noh?
: No. Kakampi ako. Magugulat ka na lang kapag lumabas na sya at kinalaban na ang dahilan ng paghihirap niyo.
Ako: Pero bakit mo toh alam?
: Cause I have my sources. Lahat ng impormasyong kailangan ko, nakukuha ko. Lahat ng kailangan kong malaman, nalalaman ko. At tandaan mo Ales, hindi lahat ng mabait sa paningin mo, walang ilalaban sayo. Kaya nga hindi ako nagpakafriendly sa harap mo para wag mo akong pagkatiwalaan.
Ako: Such an angel. Pero sino na ba?
: Well, ill text you na lang tungkol dun.
Ako: Sige. Salamat.
Nagkamay kami at nagsimula na syang lumayo saken. Hindi pa sya nakakalayo nang sobra nang muli syang humarap.
: Oo nga pala. Whatever happens, wag na wag kang lalapit sa kahit na anong cute na bagay. Kahit na ano!
Ako: S-sige...
BINABASA MO ANG
Dear Friends
Misterio / Suspenso"Handa ka na ba? Alam mo ba ang nakaraan niya? Alam mo rin ba ang mga nalalaman nila? Alam mo ba ang nakaraang sisira ng buhay mo? At handa ka na bang mabuksan ang isip mo sa mga pwedeng mangyari? Kung hindi pa, maghanda ka na. Dahil nandito na ang...
