DF-7: Boiling Hot

10 0 0
                                        

Maica's POV

Nagluluto kami ni Sierra ngayon. May maliit kasing celebration ang barkada. Friendsary kasi namin. Well. It's been 6 months since nawala si Faith. Hindi pa rin sya nahahanap ng pulis or even her family's hired investigatorS. Oo, with S talaga yun.

Sierra: Ok na ba yang sauce?
Ako: Ofcourse.

Nagluluto kami ni Sierra ng spaghetti at lumpia. Yun kasi yung favorite ng tropa. Kami na yung nagvolunteer magluto kasi madali lang naman yun.

Ako: How about the lumpia?
Sierra: Syempre ok na ok na.

Ngumiti lang ako. After kong maisalin sa lalagyan yung spaghetti, umupo muna ako. Hintayin ko munang matapos si Sierra sa lumpia. I can't help myself from being sad. Hindi naman ako ganito tuwing anniversary ng tropa kaya lang simula nang mangyari yung mga kababalaghan, lagi ko na lang iniisip kung paano at kelan ako mamamatay. Our parents are aware of that and they want us to be far from each other. Pero ayoko. Ayaw namin. Nandito na kami sa sitwasyon na toh. Ang tropa ay tropa. Gaya ng binitawang salita ni Ales, We are more than friends. We are FAMILY. Pamilya kami. At ang pamilya, hindi nag-iiwanan. Mataas ang kinalalagyan naming posisyon sa school. Tinitingala ng kapwa naming estudyante. Pero hindi nila alam na may ganitong pinagdadaanan ang mga hinahangaan nila.

Sierra: Maics. Are you okay?
Ako: T-tapos ka na magluto?
Sierra: Yeah. Napansin ko nga na malalim iniisip mo eh. So, okay ka lang talaga?
Ako: Y-yep. Tara na ba?
Sierra: Sige.

Ngumiti sya at dinala na yung lalagyan ng lumpia. Ako naman sa lalagyan ng spaghetti.

Faith's POV

Buhay ako.

Akalain niyo yun? Binuhay ako nung walang pusong killer na yun! She's a demon. Pero nasaan ako? Ewan ko rin eh. Basta ang alam ko, sa malayong lugar. NAPAKALAYONG LUGAR!

Malamang eh mamatay matay na yung pamilya ko sa kakahanap saken. Nakakainis.

Nasa isang kwarto ako. Sa isang kwarto na may isang kama, isang side table at isang c.r. Buti na lang at malambot yung kama at may aircon pa. Papasalamat na sana ako kaya lang nakaKADENA yung paa ko. Mahaba naman yung kadena. Sakto lang para makalabas pasok ako ng c.r.

*Tok tok tok*

Hindi ko binuksan. Nakakadena ako pero abot ko yung pinto. Nilock ko yun. As if naman may silbi eh may susi naman sila.

*Tok tok tok*

Ako: Pumasok ka na Ayumi. May susi ka naman eh.

Si Ayumi Vargas. Siya ang bantay ko dito. Alipin sya ni Isha. NUNG KILLER! -;-

Ayumi: Duh Faith! 6 months na ang lumipas but you're still like that? Pwede ba! Pinapahirapan ka na nga ni Aeo, pinapahirapan mo pa rin yung sarili mo?

Binaba niya sa side table yung tray ng pagkain.

Ako: Shut up Ayumi. Alipin ka lang ni Isha.

Nagsigh siya.

Ayumi: Di mo ko kalaban Faith. Kakampi mo ko.
Ako: Kakampi kita? Edi kalasan mo tong kadena ko at patakasin mo na ako.
Ayumi: Faith. Gusto ko pang mabuhay ang pamilya ko. Gusto ko pang mabuhay ang taong mahal ko. Ang boyfriend ko.
Ako: Who cares? Kakampi kita diba?
Ayumi: Wala kang pake kung mamamatay ang boyfriend ko?

Umiling ako.

Ayumi: Wala kang pake sa kaibigan mo?
Ako: What do you mean?
Ayumi: Im his lost girlfriend. His long lost happiness.

Dear FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon