Renzo's POV
Nandito na sya. Si Nurse Beth.
"Nurse!!! Nurse!!!"
"Oy Renzo? May problema ba?"Ang saya ko kapag nakikita sya. Kasama kasi nya palagi si Alessa eh. Minsan nakakausap ko pa si Ales at lagi syang may dalang kwento sa pagdalaw saken. Hanggang sa maisip ko syang ligawan. Sinagot niya ako. Ang saya saya ko nga eh!
Tuwing gabi, niyayakap nya ako. Lagi niyang sinasabing mahal na mahal niya ako at ganun din ako sa kanya.
Minsan nakatingin siya ng eye to eye saken at ang saya ko tuwing ngingitian niya na lang ako bigla.
Madalas kaming magkausap tungkol sa mga katatawanan ng mga kaibigan namin. Nakakatawa kasi naaalala niya pa rin yung mga panahong yun.
Minsan kapag oras ng kain ko, bigla bigla nya akong kinikiss at busog na ako nun. Buong buo na ang araw ko.
Naalala ko pa nung nilagnat ako dito sa ospital. Wala si nurse nun kaya hindi umalis si Ales sa tabi ko. Niyakap niya ako hanggang bumaba ang lagnat ko.
Nung araw namang dinalaw ko sa libingan ang ate ko, nandun sya sa tabi ko at nakatingin sa puntod nito. Ngumiti sya.
Narerealize ko bawat araw na minamahal ko pa sya ng minamahal. Lagi lagi. Minu-minuto at oras-oras. Dahil espesyal sya at ibang-iba sa lahat. Malayong-malayo.
Hindi sya yung mala-maria clara pero nandun na sya halos.
Alessa Domingo...
You will always be in my heart. Promise...
BINABASA MO ANG
Dear Friends
Mystery / Thriller"Handa ka na ba? Alam mo ba ang nakaraan niya? Alam mo rin ba ang mga nalalaman nila? Alam mo ba ang nakaraang sisira ng buhay mo? At handa ka na bang mabuksan ang isip mo sa mga pwedeng mangyari? Kung hindi pa, maghanda ka na. Dahil nandito na ang...