Prologue:
Dear Friends,
Naaalala niyo pa ba ako? Hahaha! Ako lang toh! Wag kayo matakot!
Masaya tayo noon diba? Sobrang saya natin noon. Magkakapatid ang turingan naten noon. Magkakapatid tayo sabi niyo pa.Sabi niyo walang kayang magpahiwalay sa ating lahat.
Sabi niyo walang iwanan. Dahil ang tunay na magkakaibigan hindi nag-iiwanan at laging may pagmamahalan.PERO NOON YON!
Kinalimutan niyo lahat ng pinagsamahan naten sa loob ng napakahabang panahon!
Wala namang may kasalanan eh! Pero sinisi niyo lahat sa akin.
Gulo niyo toh at inumpisahan niyo toh. Bahala na sa mga madadamay pero hindi ko na toh aatrasan.MAHAL ko pa rin kayo kaya dapat magsama sama na tayo.
Sama kayo sa akin ha. Sa IMPYERNO! Hahahaha!-AEO
Characters:
Maica Fernandez- The hottest girl in campus. Maarte pero may ipagmamalaki. Matalino, sexy at maganda. Negative ang ugali niya pero mahal na mahal sya ng mga kaibigan niya. Ganun din naman sya sa kanila.
Alessa Domingo- The good girl. President sya ng Student Council ng school nila. Matalino rin siya. Di niya lang alam kung paano sya napasok sa grupo.
Faith San Jose- The campus girlfriend. She has everything. Everything na halos wala na syang mahihiling pa.
Cazandra Erisante- The nerd. Subsob sa mga libro pag nasa school. Nerd nerd tignan sa loob ng school. Pero kapag gimikan na, tumba na lahat sa kagandahan niya.
Aiesha Mayores- The cheerleader. Napapatingin lahat kapag dadaan na sya. She has the most gorgeous body in their campus.
Sierra Ires- The japanese barbiedoll. Fil-Jap sya pero dito sya Pilipinas lumaki kaya mas fluent sya dito. Sya ang cuttest sa tropa.
Marcdrew Ereno- The campus heartthrob. Sa sobrang gwapo niya, wala na akong masasabi pa.
Ranier Ferrer- The player. Hindi lang sa basketball kundi pati sa mga babae. Hindi mabibilang sa daliri ang mga naloko niyang babae. Pano, sa dami ba naman nun, di na rin niya alam kung ilan.
Yvan Pueblo- The mysterious one. Lagi lang syang nakaheadset at tahimik. Tatawa sa joke, seryoso sa seryoso pero never pa syang nag-open ng topic tungkol sa kanya.
Renzo Alcantara- The hot snobber. Mas tahimik pa sya kay Yvan. Grabe kung magsungit. Daig pa babaeng may dalaw kung makapagsungit. Buti nga at kinakaya pa sya ng tropa niya eh.
Nile Rosario- The clown. Sya yung pinakamasayahin sa grupo. Sya yung laging nag-oopen ng topic. Kahit ano lang, basta nakakatuwa. Sya ang laging bumabasag sa katahimikan ng grupo.
Isa kaya sa kanila ang hindi dapat pagkatiwalaan? Isa kaya sa kanila ang walang kaluluwa? O hindi nila alam na may isa pa silang kasama?
Ano nga ba ang pinakatago-tagong sikreto ng grupo nila? Ang sikretong sasagot sa katanungan ng lahat...
![](https://img.wattpad.com/cover/27984090-288-k713954.jpg)
BINABASA MO ANG
Dear Friends
Mystery / Thriller"Handa ka na ba? Alam mo ba ang nakaraan niya? Alam mo rin ba ang mga nalalaman nila? Alam mo ba ang nakaraang sisira ng buhay mo? At handa ka na bang mabuksan ang isip mo sa mga pwedeng mangyari? Kung hindi pa, maghanda ka na. Dahil nandito na ang...