DF-18: Showtime

0 0 0
                                    

Joanna's POV

Nagpadala ng email si Karla saken. Sabi niya, ihanda ko na daw ang sarili ko sa paghaharap naming dalawa. Kawawa naman sya. Matagal na talaga akong handa. Apat na taon yata akong naghintay at nanahimik.

CA: Joan, bilisan mo na. Malapit na ang oras.
Ako: Nanjan na ba si Michael, Patrick, Seyie at Graciela?
CA: Si Graciela at Patrick pa lang.
Ako: Ang bihag? Maayos ba ang lagay?
CA: Uh oo. Joan, sorry sa wrong info ha. Hindi ko naman alam na si Ales pala yung kapatid mo at hindi si Faith eh. Sorry talaga.
Ako: Wala yun. Mabuti pa, tawagan mo na si Michael at Se---

"WERE HERE!!!"
Ako: Atlast. Tara na guys.

Silang apat ay mga mafia. Serial killer. Wait! Let me rephrase that. BLACK LISTED serial killers ang apat na yun. Nakilala ko sila sa japan. Pilipino sila. Pure filipino.

Ako: Dalhin ang bihag. Lets go.

Pumunta kami sa isang abandonadong teatro. Pagpasok namin, nandun na sila. Si Karen, Karla, Vince at Arianna. Yung kapatid ni Renzo.

Karla: Dumating ka! Akala ko natakot ka na at umatras. Wala ka bang kasama?

Pumunta ako sa theater stage kung nasaan sila. Nagsilabasan mula sa backstage yung mga kasama ko.

Vince: S-sila ang kasama mo?
Ako: Oo.
Karla: Sh** ka talaga Joanna!
Ako: Natatakot ka na ba? Karla?
Karen: Ate!
Ako: Oh, wag muna kayong matakot. Hindi pa nga tayo nagsisimula eh. Teka, Hi Arianna! Kamusta kayo ng kapatid kong si Ax?
Arianna: Shut up!
Ako: Oh! Chill! Ikaw naman Karen? Balita ko may boyfriend ka na ah? Matandang mayaman? Why so cheap? Hahaha!
Karla: Hayop ka! How dare you talk to my sister like that?

Sinugod ako ni Karla at tinutukan ako ng pocket knife. Agad namang pinuntahan ng apat kong kasama si Karen, Arianna at Vince. Hinawakan nila ito para di makapalag.

Karla: Let them go!
Ako: Let me go first.
Karla: No way!
Ako: Edi no way din!

Naramdaman ko ang pagdiin ng pocket knife sa leeg ko kaya naman agad kong inaagaw ang pocket knife sa kanya at itinutok ko toh sa kanya.

Karen: ATE!!! Bitawan niyo nga kami!
Seyie: Uh uh uh! Not so fast!

Biglang tinuhod ni Sey ang likod ni Karen kaya natumba ito. Hinawakan niya ito at tinutukan ng kutsilyo.

Karla: HAYOP KA JOAN! PAKAWALAN MO ANG KAPATID KO!
Ako: Bakit? Ako bang may hawak?
Karla: Hayop ka!

Nanlaban sya saken pero sorry sya, mas malakas ako sa kanya.

Ako: Vince, sayang noh? Ikaw pa naman ang paborito ko sa lahat ng naging kaibigan ko tapos traydor ka pala! Edi wow! Hahaha!
Vince: Ikaw ang traydor Joan!
Ako: Bakit parang ako pa ang masama! Kayo nga tong tinuring kong kapatid na halos tapos malaman-laman kong sinabi niyo sa Patricia Alcantara na yun lahat ng sikreto ko? In sake of popularity? Grabe! Palakpak tayo jan!
Vince: Ewan ko sayo!
Ako: Hey Arianna? Kamusta ang kapatid mo?

Biglang napalingon si Arianna saken.

Arianna: T-teka? N-nasan si Renzo?
Karla: Papunta na si Renzo dito. Magdadala sya ng pulis! Kasama niya si Ayumi!
Ako: HAHAHAHA! Sinong tinakot niyo?
Karla: Humanda ka talaga!

Itinayo ko ng maayos si Karla.

Ako: CA! Ayumi! Ilabas na!

Inilabas ni CA at Ayumi mula sa backstage ang isang lalaking nakatakip ang mukha at puro pasa ang katawan. Katindig niya si Renzo.

Ako: Ilagay niyo dito!

Inilagay naman nila.

Ako: Itali toh!

Itinali nila si Karla. Nilapitan ko yung lalaki at iniharap sa tatlo.

Ako: Oh Arianna! Hindi ka ba masayang makita ang kapatid mo?

Naglabas ako ng baril at itinutok ito sa ulo ng lalaki.

Arianna: Joan! Joan please naman!

Binaril ko pa rin ang lalaki.

Arianna: RENZO!!!
Ako: Cut that! Hindi si Renzo toh. Alessa!!!

Inilabas ni Alessa si Renzo mula sa backstage. Bugbog sarado ito. Yah, pinabugbog ko pa bago ko makuha. Hinang hina ito habang inaalalayan ni Alessa.

Ales: Renz. Renz.
Renzo: O-Okay l-lang ako.
Arianna: HAYOP KA! Anong ginawa mo sa kapatid ko?!
Ako: Wala naman. Dinala ko lang sya dito para ipakita sayo ang naramdaman ng mga kapamilya ng mga pinatay niyo.
Arianna: Ikaw? Pumatay ka rin!
Ako: Namatay ang buong pamilyang nagpalaki saken! DAHIL SA PARENTS NIYO! Nakulong ako ng dalawang taon! Hindi pa ba sapat yun? Kaya ngayon, dusa muna!

Akma kong babarilin si Renzo nang humarang si Ales.

Ales: Ate wag!
Ako: Umalis ka jang Ales!
Ales: Ate! Oo gusto kong gumanti pero hindi ko kailanman magagawang kumitil ng buhay!
Ako: Ayumi!

Nilapitan ni Ayumi si Alessa at hinawakan ng mahigpit ito.

Muli kong tinutok ang baril kay Renzo.

Arianna: JOANNA! WAG!
Ales: ATE! ATE WAG!
Ako: Too late.

Ipinutok ko ng dalawang beses ang hawak kong baril. Nagulat ako ng saluhin ng katawan ni Ales ang balang dapat tatama kay Renzo. Tumama ito sa dibdib nya.

Ako: AYUMI! DIBA SABI KO HAWAKAN MO SYA!

Nilapitan ko agad ang katawan ni Ales na naghihingalo. Itinulak ko si Renz na nakayakap sa kanya.

Ako: Tumawag kayo ng ambulansya! Ano ba!

Binitawan nila sila Karen.

Patrick: Joanna. Sige na. Buhatin mo na sya sa kotse ko nang maisugod na natin sya sa ospital.
Michael: Joanna. Tama sya.

Binuhat ni Michael si Ales at inilabas ito agad. Kasama niya si Seyie at Graciela.

Graciela: Dont worry, everythings gonna be alright.

Hinarap ko sila Karen.

Arianna: Kasalanan mo kung mamamatay man ang kapatid mo. Pinatay mo sya.
Ako: Wala kang karapatang husgahan ang pagiging kapatid ko. Dahil hindi ko kelanman hiniling sa kanya na pumatay bilang ganti.
Karla: Joanna. Tumigil ka na! Wala kang puso!
Ako: Wala akong puso? Bakit? In the first place naman, kayo na ang may kasalanan saken! Kung hindi nyo ko trinaydor! I swear. Pag namatay siya, magiging ako ang demonyong nakikita niyo!

Tatlong putok ng baril ang narinig ko. The next thing I know, isinugod na rin ako sa ospital.

Dear FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon