Alessa's POV
Nasa bahay kami ni Ranier ngayon. Nakikilamay kami. Ito ang unang gabi ng burol niya pero halos lahat ng kamag-anak niya sa states nakauwi na agad dito sa Pilipinas.
Tita Riza: Kumain muna kayo sa loob. Magdamag na kayong umiiyak sa harap ng-ng k-k-ka-kabaong ng anak ko. Hindi niya ikasasaya na makita kayong ganyan.
Tumayo ako at niyakap yung mommy ni Ranier. Ramdam ko yung mga luha niya. Umiiyak na nga rin ako eh.
Ako: Tita, Im so so sorry. *Sniff* Im so so sorry.
Niyakap niya rin ako.
Tita: Ales, no worries. Wala kayong kasalanan.
Pinapasok niya kami at pinakain ng sopas at gatas. We really feel na hindi na kami iba sa pamilya nila Ranier. Sa tagal ba naman naming magkakaibigan eh.
Tita: Tutal nakauiwa na lahat ng kamag-anak namin from states, naisip naming ilibing na si Ranier sa susunod na araw.
Ako: B-bukas na po?
Tita: Ano ka ba! Sa susunod pa!
Pinawi namin yung lungkot na nararamdaman namin sa pamamagitan ng pagkukwentuhan about sa kung ano-anong nakakatawang bagay. Dun, naibsan namin kahit papaano yung lungkot na naramdaman namin nag muli kaming mabawasan. Sa kabila ng mga ngiting nakikita ko mula sa aking mga kaibigan, alam kong iisa lang ang iniisip naming lahat.
'Sinong isusunod samen?'
---
Kinabukasan***
Ash: Mamayang gabi na yung huling lamay. Bilang paggalang sa tradisyon ng family nila Rain, kailangan nating magdala ng isang mahalagang bagay na nagpapaalala saten kay Rain. Ano sayo Ales?
Ako: Yung bracelet na binigay ni Rain saken last year.
Yvan: Yung bolang ginamit namin nung una kaming naglaro ng basketball. May pirma pa nga nya yun eh.
Marc: Ako, dadalhin ko yung t-shirt ko na binili namin sa divisoria. Yung partner kami.
Maica: Ako, dadalhin ko yung teddy bear na binigay nya saken nung nakita nya akong umiiyak dahil nag-away parents ko nun.
Sierra: Saken, dadalhin ko yung barbiedoll na nirequest ko sa kanya noon.
Faith: Siguro yung shoe lace na lang na binigay niya saken nung cheerleading competetion ang dadalhin ko.
Ash: Dadalhin ko yung binigay nya saken na photo slnum naming dalawa.
Ako: IkawRenz
Renz: Huh? Ano, yung dart pin na nakuha ko sa katawan niya.
Tiningnan naming lahat si Renz.
Renz: B-bakit?
Ako: Ano, m-may dart pin kang nakuha sa katawan ni Ranier?
Renz: Oo.
Ash: A-ano. Saken, dadalhin ko yung picture naming dalawa.
Kinalimutan na lang namin yung sinabi ni Renz. Masyado pang maraming dapat isipin ng higit pa dun.
---
Ang bilis ng oras. Matapos naming maisama ang mga bagay na nagpapaalala samen kay Rain sa huli nyang hantungan, ito ako at pinipilit kong wag palabasin ang mga hikbi mula sa bibig ko. Tanggap ko na diba? Ayoko nang umiyak.
Sierra: Tara na ba?
Sabay-sabay kaming umalis sa harap ng puntod ni Ranier. Nang marating namin ang sinasakyan naming van, may nakita kaming manika sa ibabaw nun. Nakatakip ang mukha nun gamit ang isang maliit na maskara at may nakadikit sa kamay nitong kutsilyo. Nakakimono sya. Dahil dun, kay Sierra kaming lahat agad tumingin.
Paiyak na sya.
Sierra: W-wag k-kayong ganyan.
Kinuha ni Marc yung manika.
BINABASA MO ANG
Dear Friends
Mystère / Thriller"Handa ka na ba? Alam mo ba ang nakaraan niya? Alam mo rin ba ang mga nalalaman nila? Alam mo ba ang nakaraang sisira ng buhay mo? At handa ka na bang mabuksan ang isip mo sa mga pwedeng mangyari? Kung hindi pa, maghanda ka na. Dahil nandito na ang...
