DF-15: The Last Note

0 0 0
                                    

Alessa's POV

Dumating si Kuya Axelle sa bahay kahapon. Kapatid ko sya at isang taon lang ang tinanda niya saken. Masaya yung pagbalik niya kaya lang sinalubong kami agad ng problema.

Tumawag kasi ang parents ni Ash at Marc. Patay na raw ang dalawa kong kaibigan. Malalim na saksak sa leeg ang ikinamatay nila. Depress pa ako at papunta na sa ospital nang tumawag naman ang parents nila Faith at Maica. Namatay si Faith dahil din sa malalim na saksak sa leeg habang si Maica, 50/50 sa ICU.

Ano ba naman tong nangyayari sa tropa! Ano bang nangyayari sa aming magkakaibigan?

Kuya: Ano? Samahan ko na kayo?

Magkasama kami ni Yvan ngayon at ang unang burol na pupuntahan namin ay ang kay Marc. 5:00 am palang at magtatagal kami dun ng hanggang 10am. Sunod ay sa burol ni Faith. Hanggang 1pm kami dun. Tapos dadaan kami ng ospital. Hanggang 5pm kami dun. Tapos sa burol ni Ash. Hanggang 8pm kami dun. Tapos uuwi kami para magpahinga. Tapos ganun ulit. Hanggang sa mailibing ang tatlo kong kaibigan. Napakiusapan ko naman yung parents nila na wag pagsabay-sabayin yung burial eh. Syempre, para naman mapuntahan ko lahat. Mahal ko ang mga kaibigan ko.

Kuya: Ales?
Ako: K-kuya? Bakit?
Yvan: Ales, okay ka lang?
Ako: Anong nangyari?

Nawala ako sa sarili ko. Ang alam ko, nakatayo ako at nakaharap kay kuya Ax at kay Yvan pero ngayon, nakaupo na ako sa sofa at nakatingin sa malayo.

Kuya: Napaupo ka kasi bigla kanina at tulo lang ng tulo yang luha mo. Nakatulala ka at niyuyugyog na kita pero parang wala kang nararamdaman.
Yvan: Ales naman, wag mong isipin masyado yung mga nangyayari. Hindi nakakatulong. So ano?
Ako: Ano? Ah s-sige.
Kuya: Kaya mo ba?
Ako: Oo.
Kuya: Wag muna. Mamayang alas-siete na lang para maipahinga mo yang utak mo. Wala ka kasing tulog pa eh. Ganun na lang din gawin mo sa mga susunod na araw.
Yvan: Tama si kuya Ax, Ales. Magpahinga ka muna. Hindi naman ako aalis dito eh. Ita-try ko na ring kontakin si Renz.
Ako: Huh? Sige. Sige.

Umakyat ako sa kwarto ko at natulog muna ako.

---

6:43 am. Inayos ko na yung itsura ko at bumaba.

Yvan: Ales, ayos ka na ba?
Kuya: Ales, ano? Kaya mo na ba?
Ako: W-wag kayong mag-alala, kaya ko na.
Kuya: So, tara na?
Ako: Mmm, tara na.

Sumakay kami sa kotse ni Kuya. Nang makarating na kami kina Marc, sinabihan ko si kuya na itetext ko na lang sya.

MomNiMarc: Anong ginagawa niyo dito?
Ako: Nandito ako para dalawin ang anak niyo.
DadNiMarc: Ah Ales, nandito ka na pala!
Ako: Tito!
MomNiMarc: Andrew! Ano bang ginagawa mo. Alam mo ba kung anong mga sumbat ng babaeng yan saten?
DadNiMarc: Alam ko at naiintindihan ko Martha. Nakausap ko si Marc bago sya kunin saten.
MomNiMarc: Alam mo pala eh! Bakit mo pa sya tinanggap dito?
DadNiMarc: Dahil tama sya Martha. Ayoko mang aminin sa sarili ko pero tama sya.
Ako: Sige tito, puntahan ko lang yung-yung--- uh s-si Marc.
DadNiMarc: Sige.

Pinuntahan namin ni Yvan yung kabaong ni Marc. Kabaong ni Marc.

Ako: Marcdrew.

Niyakap ko yung kabaong niya at nag-iiiyak.

Yvan: Ales...
Ako: Yvan. Bakit ang sakit?

Niyakap ako ni Yvan at pinatahan niya ako.

Ako: Yvan, ikaw. Iiwan mo rin ba ako?
Yvan: Ssshh. Hindi kita iiwan. Pangako.
Ako: Yvan... Huhuhu... Wag mo kong iiwan ha!

Niyakap ko lang ng mahigpit si Yvan. Ang saklap saklap! Ano bang kasalanan ko Lord para mangyari toh saken?

Yvan: Ales, tahan ka na.
Ako: Yvan, ang saket!
Yvan: Sssh!

Umupo kami sa sofa na kaharap ng kabaong ni Marc. Maya-maya, may babaeng dumating. Iniyakan nya rin ang katawan ni Marc pero sino kaya sya? Lahat ng pinsan ni Marc kilala ko at malamang hindi sya isa sa mga ito. Hindi rin naman sya kapatid ni Marc.

Yvan: S-sino sya?
Ako: Ewan ko rin.

Tumingin sya sa paligid. Nagulat ako nang tumingin sya sa direksyon ko. At ang mas kinagulat ko pa, palapit na sya ngayon sa direksyon ko.

: Ikaw si Alessa Domingo kung di ako nagkakamali.
Ako: Sino ka ba?

Ngumiti sya ng mapait.

: Ako si Ayumi. Ayumi Vargas.

Ayumi

Ayumi

Ayumi

Ayumi

Ayumi

Narinig ko na tong pangalang toh.

Ayumi

Ah tama! Sya yung tumulong kay Maica at Faith na makatakas.

Ayumi: Ayos ka lang ba Alessa?
Ako: Ikaw yung tumulong kay Maica at Faith na makatakas kay Aeo. Ikaw yun diba?
Ayumi: Ako nga yun.
Ako: Pero bakit mo kilala si Marc?
Ayumi: Dahil ex-girlfriend niya ako.
Ako: Ah. Ikaw yun.

Naalala ko bigla yung messy days ni Marc. Dahil pala yun sa kanya.

Teka... Dahil sa kanya? Napatayo ako bigla.

Ako: Ikaw si Ayumi. Ang girlfriend ni Marc na never naming nakilala. Ikaw ang girlfriend niyang nang-iwan sa kanya. Ang dahilan kung bakit matagal naging miserable si Marc.
Ayumi: A-Alessa.
Ako: Wag kang mag-alala, kalimutan mo na. Tapos na yun at napatawad ka na ni Marc. Napatawad ka na rin ng tropa. Sa ginawa mong pagligtas kay Maica at Faith eh dapat ka na talaga naming patawarin at pasalamatan.
Ayumi: A-Ales. Thank you.

Bigla kong narealize.

Ako: Kung pinatakas mo sila Faith, ibigsabihin may alam ka.

Ngumiti sya ng mapait at naglabas ng isang maliit na sobre na mukhang pinagawa talaga.

Ayumi: Oo may alam ako. At sabi niya, yan na ang huling sulat babala na matatanggap mo.

Kinuha ko yung sobre.

Ako: Bakit mo sya sinusunod? Bakit di ka na lang rin tumakas?
Ayumi: Di ko pwedeng gawin yun. May mga pinoproteksyunan ako. Dati si Marc. Pero dahil wala na sya, isa na lang ang pinoprotektahan ko. Ikaw yun Ales.
Ako: Bakit?
Ayumi: Dahil, wala kang laban sa kanya kapag inilabas na niya ang alas niya.
Ako: A-anong i-ibig mong sabihin?
Ayumi: Malaki ang kasalanan mo sa kanya Alessa. Pero wag kang mag-alala. Dahil wala na si Marc, ikaw na lang ang poprotektahan ko. Dahil alam mo, isa ka sa mga tinuturing na kapatid ni Marc. Mahalaga ka sa kanya.
Ako: Ayumi. Salamat.
Ayumi: Buhay sa buhay.

At ngumiti sya ng mapait.

Dear FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon