Marcdrews' POV
Naglalaro kami ngayon ng basketball ni Ranier at Yvan. Si Renz, napaka-kj eh. Ayaw makisama.
Ranier: Bro, wala na kaya talagang pag-asa yung si Renz?
Ako: Aba! Meron din yun!
Yvan: Guys guys! Alam niyo ba, nahuli ko si Renz na nakatitig kay Ales. Ganda ng titig nya grabe. Hahaha.Nagtawanan kaming tatlo. Pinagpatuloy namin yung game at nang mapagod, dumiretso na kami sa cafeteria para magpahinga.
Yvan: Bili lang ako ha. Hintayin niyo ko jan.
Ako: Geh lang bro.Nilabas namin yung binili naming pagkain ni Ranier.
Ranier: Pano kung gusto nga ni Renz si Ales? Aba trending yun!
Ako: Super trending! Hahahaha!Habang tumatawa kami ni Ranier, nakita naming patakbong lumapit samen si Yvan.
Yvan: G-g-guys! S-s-si Renz! Nakulong si Renz sa bodega!
Nagsitayuan kami at dumiretso na dun. Nandun na lahat ng girls.
Ales: Nandyan na pala kayo! Kumuha kayo ng mabigat na bagay! Ikaw na lang Yvan. Ikaw Ranier, kumuha ka ng spare key sa guard. Marc, tulungan mo kong pwersahang buksan toh!
Pinalayo ko silang lahat. Nang bubwelo na ako, biglang nagliyab yung pintuan ng bodega. Narinig namin ang mga malalakas na hampas mula sa loob. Buti't di nagtagal, dumating na si Yvan at may hawak na malaking kahoy. --- Nakaya nya yun? ---
Pinagtulong-tulungan namin na hinampas hampas yung kahoy sa pinto. Nagsuccess naman yung pagbukas namin. Lumabas agad dun si Renz at hinang-hina. Nilapitan namin sya matapos naming patayin yung apoy.
Ales: Ayos ka lang?
Renz: O-oo s-salamat guys.
Ako: Magpasalamat ka kay Yvan.
Yvan: Bakit saken?
Renz: S-salamat Yvan. Sa i-inyong lahat.Naggroup hug kami saglit kaya lang, napansin naming di pa rin bumabalik si Ranier. Nasan na kaya yung mokong?
Ales: Sundan mo muna si Ranier, Faith.
Umalis si Faith agad agad.
Pinag-usapan namin kung pano napunta dun si Renz nang makita naming tumatakbo na pabalik si Faith. May hawak syang sobre.
Faith: Guys! Wala dun si Ranier. Sabi ni kuya guard, ito daw, may nagpapabigay.
Alam na namin kung ano yun.
Ales: 'hi dear friends! let's play my game called play the Player. -Aeo' Si Ranier...
Agad kaming nagsitakbuhan papunta sa gym. Hindi kami nakalapit kay Ranier na nakatayo sa pinakagitna ng gym yun. Hanggang bleachers lang kami gawa ng mga harang na may 'Do not cross'. One wrong move, another life down.
Nakatayo lang talaga si Ranier dun at nakaharap sa isang basketball ring. Bale nakaside view sya samen. Nakatali sa likod niya ang dalawa niyang kamay pati paa niya. Nakapiring rin sya. Nakatakip yung bibig nya.
Ales: Nasan ka na!!!
Napansin namin ang paglinga linga ni Ranier. Hinahanap niya kami.
Biglang tumunog yung speaker dun sa gym.
"Laro na tayo"
Ales: Magsimula ka na!
"Dapat masagot nyo lahat ng itatanong ko. Dapat rin, mamaintain niyo na nakatayo si Ranier baby! Hahaha!"
Ales: Bilis!
"Unang tanong! Ilan na ang naging girlfriend ng kaibigan nyong yan?"Uncountable lahat ng ex nyang mokong na yan!
Ako: 12
"Sigurado ka?"
Ales: 21
"Anong final answer?"
Ako: Ah---
Ales: 21 ang tamang sagot!Biglang may tumamang dart pin sa right shoulder niya.
Ales: Teka! Ilan ba?
"Next question. Ilan na ang naipanalo ng kaibigan niyong yan na sugal?"
Ako: Hindi sya nagsusugal!
Ales: Oo! Hindi nagsusugal si Ranier!May tumamang dart pin sa left leg ni Ranier.
Marami pang sumunod na tanong. Halos bumagsak na si Ranier sa sahig sa dami ng dart pin na nasa katawan niya.
Ales: *Sob* R-Ranier. S-s-sorry!
"And for the last question"
Ales: Tama na!
"Ayaw niyo na?"
Ako: Ranier! Sumuko ka na!Nakita namin ang isang ngiti sa mga labi ni Ranier. Nabasa namin sa mga labi niya ang salitang 'salamat'. Nakakabakla man, naiyak pa rin ako. Kaibigan ko yun eh!
Ales: Ranier!
Dahan-dahang bumagsak sa sahig ang duguang katawan ni Ranier. Saka kami nagsilapit sa kanya. Tinanggal namin lahat ng tali na nakalagay sa kanya.
Ales: Sorry Ranier.
---
Dumating yung mga pulis at mga awtoridad. Inisa-isa nila kaming imbestigahan pero di kami pwedeng magsalita. Ayaw naming ipaalam yung tungkol sa secret killer namin. Si Aeo.
Faith: Paano na?
Ash: Anong paano na? Marami nang nadamay! Magsalita na tayo!
Maica: Tumigil ka nga Ash! Mas mapapabilis lang ang hinihintay nating kamatayan kapag nagsalita tayo!
Sierra: Maica's right Ash. Alam naming masakit pa rin sato ang pagkawala ni Caz but we should move on. Anytime from now, tayo na ang pwedeng isunod niya.
Ales: Guys! We should plan how to catch this killer. Dapat natin syang maunahan bago nya tayo mapatay!
Yvan: How?Pinalapit niya kaming lahat sa kanya.
Ales: Dapat hindi tayo magkakasama lahat palagi. By partner lang dapat. Para kapag may sunod nang biktima mula sa isa sa atin, may mga makakatakbo para humingi ng tulong.
Renz: Sana gumana toh.
Ales: Dont be negative.Pinauwi na kaming lahat ni Ales. We couldn't imagine na may magagawa pa kami pero wala kaming ginawa.
Nile, Cazandra, Ranier. Ipaghihiganti namin kayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/27984090-288-k713954.jpg)
BINABASA MO ANG
Dear Friends
מתח / מותחן"Handa ka na ba? Alam mo ba ang nakaraan niya? Alam mo rin ba ang mga nalalaman nila? Alam mo ba ang nakaraang sisira ng buhay mo? At handa ka na bang mabuksan ang isip mo sa mga pwedeng mangyari? Kung hindi pa, maghanda ka na. Dahil nandito na ang...