Renzo's POV
OY! May POV pa ako! Clap clap guys!
Ate: Tara na Renzo.
Last year. Hinding hindi ko makakalimutan yun. Isang taon na ang lumipas nang mangyari yun. Namatay si Joanna. Binaril pala sya ni ate Karla. Si Alessa rin, kinuha ni Lord nung araw na yun. Masakit kasi ako dapat yung nasa kalagayan ni Alessa.
Ate: Renzo?
Pupunta kami ngayon sa bahay nila ate Karla. Birthday kasi ni Karen kay magce-celebrate kami. Nanatiling sikreto ang dahilan ng pagkamatay ni Ales at Joanna. Natatakot lang kami kasi isang tao lang ang pwedeng magsumbong. Pero imposible yun. Si Maica kasi ay hindi pa rin nakakamove on sa trauma niya. Si Sierra at Yvan naman ay walang alam.
Ako: Tara na ate.
Yvan's POV
Isang taon na ang lumipas. Ginagalit talaga kami ng killer na yun. Mabuti na lang at nilapitan kami ni CA nung araw na namatay si Ales at ang ate niya. Humahanap lang ako ng magandang tyempo.
Maica: Yvan. Pumapayag na akong magwitness.
Sierra: Payag namang magwitness si Ayumi at CA eh.
Ako: Humanda sila. Ipaghihiganti natin ang pagkamatay ng mga kaibigan natin.
Sierra: Tama ka Yvan.
Ako: Tatawag na ako ng pulis.Dumating si Ayumi at CA at nagstatement sila ng tungkol sa nangyari. Ganun din ang ginawa ni Maica.
Ako: Salamat po chief. Kailangan po talagang mabigyan ng hustisya ang mga kaibigang ko.
Chief: Hijo, salamat. Maraming magulang ang nanghingi ng hustisya samen. Ang magulang ng mga kaibigan niyo.
Ako: Sir. Handa akong maglabas ng malaking pera para lang mabigyang hustisya ang mga kaibigan ko. Hindi makatao ang pagpatay nila sa mga kaibigan ko.
Chief: Wag kang mag-alala hijo. Malakas ang kapit nyo lalo na ngayon na maraming kayong testigo.
Ako: Salamat po ulit.
Chief: Sige.Umalis ang mga pulis na pinatawag namin. Humanda na talaga kayo.
Renzo's POV
Karla: WHOOH! PAKASAYA TAYO!!!
Nag-spin the bottle kami. Iba ibang laro pa ginawa namin.
Nagpakasaya sila ng todo todo pero ako. Hanggang ngiti lang. Hindi ko kayang magpakasaya habang iniisip ko yung mga nangyari noon. Namatay sya dahil saken. Sinagip niya ang buhay ko. Iniligtas nya ako sa tiyak na kamatayan.
Dapat nga masaya pa ako dahil buhay ako pero nawala ang taong pinakamamahal ko ng dahil saken. Ang saket saket pa rin.
Karen: Hey! Smile naman jan Renz.
I smiled.
Karen: Ganun lang?
Ako: I can't smile.
Karen: Kalimutan mo na sya Renz.
Ako: Mahirap.
Karen: Ill help you.
Ako: No thanks. Time will wipe all this pain away. Someday.Bumuntong hininga sya.
Karen: Cant you see. Ginagawa ko naman lahat para ako na lang ang mahalin mo. Para matulungan kang magmove-on but you just keep on throwing me away from you.
Ako: Cause i dont need any help.Tumayo na ako sa sofa at nakilaro na sa kanila.
Karla: Spin the bottle!
Inikot ni ate yung bote at tumapat ito saken.
Ako: Truth.
Ate: Mahal mo pa ba si Ales?
Ako: Oo.
Ate: Pero patay na sya.
Ako: Mahal ko sya.Ako naman ang nag-ikot ng bote at tumapat ito kay Karen.
Karen: Truth.
Ako: Bakit mo ko gusto?
Karen: Dahil mahal kita.
Ako: Hindi kita mahal.
Karen: Mahal kita.Inikot niya yung bote. Tumapat ito sa pinto. Napalingon kaming lahat at isang babaeng nakaputi ang nakatayo doon. Madilim na sa labas kaya naman kinilabutan kami. Nakatayo ito patalikod sa amin.
Ate: Sino ka?
Hindi sya sumagot.
Ate: Sino ka sabi!!!
Wala pa rin.
Ate: Ano b---
"Ako toh"Alessa? Boses nya yun! Di ako pwedeng magkamali!
Ate: PATAY KA NA!
Ales: Mag-iingat kayo.
Ate: PATAY KA NA ALESSA!
Ales: Mali kayo. Buhay na buhay ako.
Ate: HINDI! NAMATAY KA NA!
Ales: Buhay pa ang puso ko.At nawala ito sa pinto. Natakot silang lahat pero ako, tulala pa rin.
Karla: Matulog na tayo. Kalimutan na natin yun.
Vince: Tama.Itinulog na namin ang nangyari. Pero sa kalagitnaan ng tulog ko, nakaramdam ako ng malamig na simoy ng hangin. Tila niyayakap ako. Matagal itong nakayakap saken hanggang makarinig ako ng mga putok ng baril. Nakayakap pa rin saken ang malamig na hangin hanggang mawala ang putukan. Natulog ako ulit pero pagkagising ko, puno ng dugo. Duguan ang buong bahay. Hanggang nakita ko ang sabog sabog na katawan ng yaya nila Karen. Nakakatakot.
Napaupo na lang ako sa sobrang takot ko. Nakakabaliw. Nakakapraning! Ewan ko!
Umiyak ako ng umiyak sa isang tabi hanggang magblack-out lahat. Total black-out.

BINABASA MO ANG
Dear Friends
Mistero / Thriller"Handa ka na ba? Alam mo ba ang nakaraan niya? Alam mo rin ba ang mga nalalaman nila? Alam mo ba ang nakaraang sisira ng buhay mo? At handa ka na bang mabuksan ang isip mo sa mga pwedeng mangyari? Kung hindi pa, maghanda ka na. Dahil nandito na ang...