Chapter 2

9.2K 228 8
                                        

FLAMES SERIES 2

LADY IN DISGUISE

"LOUISE"

BY..EMMZ

CHAPTER 2...

Pinuntahan ni Louise ang kanyang nanay Dalia sa palengke at nadatnan niya itong abala sa pagtitinda dahil sa dami ng mamimili kaya naman agad niyang hinarap ang iba pang mga suki ng kanyang nanay Dalia ay ng ilang sandali ay humup na ang mga taong mamimili....

"Buti nalang at naparito ka kumain kana ba?....ani Aling Dalia kay Louise na noon ay naupo sa isang tabi at nililis nito ang kanyang pantalon...

"Hindi pa inay halos kagigising ko lang eh!...sagot ni Louise saka naupo at inunat niya at katawan doon..

"Ganon ba sandali lang at bibili ako ng ulam tingnan mo muna itong pwesto at yang mga gulay diligan mo muna para hindi matuyo"....ani aling Dalia kay Louise...

"Opo inay!...tanging saad ni Louise saka pasipol sipol na naupo sa may bangketo at patapik tapik pa sa lamesa habang nakakikinig ng tugtog sa kanyang cellphone...

Ilang sandali lang at bumalik na si aling Dalia at may dala ng ulam kaya agad na kinuha nito ang mga plato at ang kanin sa may tupperware at nilagyan nito ng kanin ang mga plato saka kinuha ang mangkok at doon nilagay ang ulam na binili ni aling Dalia saka nagsalo ang dalawa...

"Ay inay anong oras po ba kami luluwas ni tatay bukas papuntang Manila?...,,untag ni Louise kay aling Dalia habang sila ay kumakin...

"Alas otso yung alis ninyo ng tatay mo at sa eroplano na kayo sasakay para sandali lang ang biyahe ninyo dahil kailangan ka ng tiyang Ester mo at si Beth naman eh nagtatrabaho at si Bong naman ay nag aaral pa at si tiyo mo Carding ay pumapasok naman na bilang family driver ng amo ni Beth kaya walang kasamang nagtitinda ang tiya Ester mo sa palengke,...dbali daw sabi ng tiya mo at kung sakaling gumaling na siya ay ipapasok ka daw ng ibang trabaho para naman may disente kang trabaho.....pahayag ni aling Dalia...

"Ok lang po iyon inay!...kahit po sa mga restaurant nalang ako para naman kahit pambili ko lang ng gel ang mabili ko ng hindi nakakahiya sa inyo....sagot naman ni Louise sa kanyang inay Dalia na siyang itunuring niyang ina na nagpalaki at naging gabay niya sa paglaki nito mula noong sanggol palang siya,....

"Naku itong anak ko oo!...wag ka ng mahiya kay inay kasi naman love kita eh at sana anak magpapakabait ka roon at wag na wag mong gagawin ang mga nakagawian mo rito ah kasi nakakahiya sa mga taong nakakakilala sa tiya mo...saad ni aling Dalia....

"Opo inay tatandaan ko po ang mga pangaral ninyo at magpapakabait po ako doon.....sagot ni Louise saka yumakap kay aling Dalia...

......

MAYNILA...

Alas diyes palang ng umaga ay nakarating na ng Manila sina Louise at mang Berting at ng paglabas nila ng airport ay naroon at naghihintay na ang sasalubong sa kanila na si mang Carding at ang anak nitong si Bong na mas bata ng tatlong taon kay Louise...

"Bayaw kamusta kayo?...ok lang ba ang biyahe ninyo?...sunod sunod na tanong ni mang Carding kay mang Berting saka binalingan nito si Louise...

"Ito na ba si Louise bayaw?..eh bakit naging barako na yata ah!....natatawang turan ni mang Carding sa bayaw nito at natatawang inalis nito ang bull cap at panyong nakatali sa ulo ng dalaga...

"Naku bayaw sinabi mo pa kung ilang beses ko na nga na pinagsasabihan eh pero ayaw niyang makinig at alam mo ba bayaw na puro mga lalaki ang barkada nito!...,pahayag ni mang Berting saka iiling iling na tiningnan si Louise...

"Ha ha ha!...papaanong hindi magiging barako bayaw eh puros naman kasi lalaki ang kasama niya sa bahay maliban kay hipag!...ani mang Carding..

"Tatay naman!..hindi naman lahat eh lalaki ang mga barkada ko!...may mga babae naman akong kaibigan!..sina Farah..Amor..Mirah..Emmz at Santhana......sagot ni Louise na napasimangot sa sinabi ng kanyang tatay Berting...

Flames Series 2..Lady in Disguise"LOUISE"By...(completed)...Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon