FLAMES SERIES 2
LADY IN DISGUISE
"LOUISE"
BY...EMMZ
CHAPTER 5...
"Talaga bang babae ka o ginugudtaym mo lang ako?..,,nanlalaki ang mga matang tanong ng hindi makapaniwalang si don Carlos kay Louise...
"Naku naman po don!...kita naman sa boses ko diba?...sa porma lang naman na medyo astig ako pero sa mukha naman eh girl parin unless suot ko ang mahiwagang bull cap ko!....nakangiting wika ni Louise sabay kindat nito sa matandang don....
"Ha ha ha!....kalog ka huh!....well yan ang gusto eh magkakasundo tayo kung ganoon,...hala sige tara na ng hindi tayo mahuli sa lakad ko!...pero talaga bang marunong kang magdrive huh?....muling tanong ni don Carlos kay Louise..
"Naku po don Carlos kahit libutin natin ang buong Maynila kung yan po ang gusto ninyo!...may pagmamalaking sabi ni Louise sabay pagpag ng kanyang bull cap at patalikod niyang isinuot nito...
"Sige Beth alis na kami nitong pinsan mong alanganin!....paalam ni don Carlos kay Beth na ikinalingon ni Louise..
"Sige po don Carlos at ingat kayo sa biyahe!....turan ni Beth sa don saka tumalima narin ito papunta sa kanyang trabaho...
Habang naglalakad ang dalawa sa may pasilya ng building papunta sa may elevator ay muling naalala ni Louise ang salitang binanggit kanina ni don Carlos...
"Ay don Carlos ano po yung sabi niyo sa akin na alanganin?...walang paligoy ligoy na tanong ni Louise sa kasamang don..
"Ah yun ba?...alanganing babae o lalaki dahil sa iyong hitsura at ayos ha ha ha!...humahagikgik na saad ng matanda habang pababa na sila sa elevator at ilang sandali pa ay nasa harap na sila ng kotseng black mercedez benz ni don Carlos...
"Don Carlos talaga oo sa dami ng itatawag sa akin eh alanganin pa!...kakamot kamot sa ulong wika ni Louise saka lumugid ito sa may pwesto ng driver at naupo roon saka binuhay nito ang makina ng sasakyan at napangiti ang don ng umusad na ang sasakyan...
"Wow swabeng swabe ang pagmamaneho mo ah!...humahangang turan ng matanda kay Louise...
"Naku po don Carlos kung sa pagmamaneho lang naman ay talaga namang hindi ako palalamang sa kahit kanino!...at pati dyip ay kayang kaya kong imaneho ng walang ka hassle hassle!...ngingiti ngiting sabi ni Louise habang nakatuon ang mga mata sa daan...
"Ha ha ha!..nakakatuwa kang bata ka,...kadarating mo lang ba rito sa Maynila kasi ngayon lang kita nakita eh lagi akong pumupunta sa bahay nila Carding pero hindi kita nakikita!...anidon Carlos kay Louise habang nagmamaneho ito...
"Kadarating ko lang po noong nakaraang araw mula sa Palawan para matulong tulungan si tiyang Ester dahil kaoopera lang po niya!...,sagot ni Louise sa matanda..
"Ah ganoon ba!,...kaya pala ngayon lang kita nakita rito"...muling saad ng don kay Louise...
"Oo nga po eh!..,pero alam po ninyo mas gusto ko pong tumira sa probinsiya kesa rito sa Maynila dahil ang yayabang ng mga tao rito kagaya nalang yung isang lalaking nakaengkwentro ko noong kadarating ko lang rito!...,iiling iling na wika ni Louise sa nakikinig na matanda...
"Eh ano ba ang nangyari at napaaway ka ng wala sa oras?...maya maya ay tanong ng don kay Louise..
"Biruin mo po don Carlos kung magpatakbo ng sasakyan eh sa kanya ang kalsada!...ni hindi nito alintana ang mga tao sa paligid na kanyang mapepirwisyo !...muling wika ni Louise habang nakatingin sa harapan ng manibela...
"Hay naku Louise wag kag magtaka dahil kung minsan ay may mga tao talagang kaskasero kung magpatakbo ng sasakyan kaya marami sa mga motorista ang nadidisgrasya dahil sa kanilang kapabayaan at minsan ay kabulastugan.....pahayag ni don Carlos dahil sang ayon ito sa sinabi ni Louise na ugali ng ilang mga motorista...
BINABASA MO ANG
Flames Series 2..Lady in Disguise"LOUISE"By...(completed)...
Romantika...by..emzalbino Ang kwentong ito ay hango lamang sa imahinasyon ni ms.Emmz o emzalbino... At kung sakaling may pagkakapareha sa mga pangalan ng ibang kwento ay hindi po sinasadya.. ..salamat po and enjoy reading....
