FLAMES SERIES 2
LADY IN DISGUISE
"LOUISE"
BY...EMMZ
CHAPTER 8....
Gulat si don Carlos ng makitang parang may humahabol kay Louise kaya agad itong napatayo ngunit ng makitang nakasunod sa kanya ang kanyang apo na si Luigi na paika ika itong lumakad ay iiling iling na lang itong nakamasid sa dalawang paparating...
Agad na naupo si Louise ng makapasok na sa loob ng opisina ni don Carlos habang nakamata sa kanya ang matanda at ilang sandali lang ay nasa loob na rin si Luigi na nanggigigil sa galit...
"Alam mo sumusobra ka ng babae ka huh!...duro ni Luigi kay Louise...
"Eh ikaw kasi ang galing mong mang asar kahit saan ako magpunta lagi mo nalang pinapainit ang ulo ko!...mataray na sagot ni Louise..
"Ano ako pa ngayon ang may kasalanan ng lahat?,..tingnan mo nga ang ginawa mo sa paa ko huh!...galit na wika ni Luigi..
"Yan ang napapala ng taong mayabang"...bulong ni Louise sa sarili ngunit narinig ni Luigi ang bulong nito...
"Ano kamo!..ako pa ngayon ang mayabang samantalang ikaw ang nakasakit!...bulyaw ni Luigi kay Louise...
"Luigi apo tama na ano na naman bang gulo ito ah!...awat ni don Carlos sa kanyang apo..
"Iyan kasing babaeng iyan lolo sumusobra na siya!,..tingnan mo ang ginawa niya sa aking paa inapakan niya ito ng pagkadiin diin hayan tuloy paika ika akong lumakad!...saad ni Luigi saka inirapan nito si Louise at inalis nito ang kanyang sapatos at namula nga ang paa nito kaya natameme nalang si Louise nang makitang pulang pula ang paa ni Luigi na inapakan nito...
"Itigil na nga ninyo ang bangayan ninyong iyan dahil parang mas masahol pa kayo sa mga batang kalye ah!....ani don Carlos sa dalawa na kapwa natahimik sa sinabing iyong ng matanda ngunit ng magtama ang mga nila'y kay tatalim na irap ang ipinukol nila sa isa't isa...
Muli na namang itinuon ni don Carlos ang atensiyon nito sa paghahanap ng papeles na hinahanap nito ng bigla nalang siyang makaramdam ng hilo at pananakit ng ulo kaya agad siyang napasapo sa kanyang noo habang parang pakiramdam nito ay umiikot ang kanyang paligid...
"Lolo ano po ba ang nangyayari sayo!....tarantang tanong ni Luigi saka agad na inalalayan nito ang kanyang lolo..
"Don Carlos ano po ba ang nangyayari sa inyo?....saad ni Louise at agad namang dumalo ito upang damayan ang matanda at saka pinaupo nila ang matanda saka kumuha ng tubig na maiinom si Louise at ibinigay sa matanda saka hinilot hilot nito ang sintido ng matanda at ng matuon ang paningin nito sa eucalyptus ointment ay agad niyang pinahiran ng konti ang kamay nito sa muling hinagod hagod ang sintido ng matanda na nagustuhan naman nito...
"Salamat iha i feel better na!....wika ni don Carlos ngunit medyo nahihilo pa rin ng kunti....
"Walang anuman po don Carlos pero mas maganda pong madala kayo sa ospital para masuri kayong mabuti dahil baka kung ano na iyan!...alalang wika ni Louise sa matanda...
"Oo nga po lolo dadalhin ka namin sa ospital ngayon din!...sabi naman ni Luigi saka aakayin na sana ni Luigi ang kanyang lolo ng kutusan siya nito...
"Bakit po lolo?...nagtatakang tanong ni Luigi sabay sapo nito sa ulong kinutusan ng matanda...
"Nagtatanong ka pa eh kaya pala hindi ko mahanap ang papeles na ito dahil nasa iyo pala!....sagot ni lolo Carlos kay Luigi saka kinuha nito ang papeles na hawak hawak ng apo...
"Naiwan niyo kaya iyan sa bahay kahapon at nakita ko ito sa ibabaw ng drawer sa may kusina!...ani Luigi sa lolo nito...
"Ah ganoon ba apo?,..pasensiya kana kanina ko pa kasi hinahanap ang papeles na ito eh kasi kailangan ko ito sa pagpunta ko sa Bulacan!...saad ni don Carlos saka inilagay nito sa loob ng envelope na nasa kanyang harapan...
BINABASA MO ANG
Flames Series 2..Lady in Disguise"LOUISE"By...(completed)...
Romance...by..emzalbino Ang kwentong ito ay hango lamang sa imahinasyon ni ms.Emmz o emzalbino... At kung sakaling may pagkakapareha sa mga pangalan ng ibang kwento ay hindi po sinasadya.. ..salamat po and enjoy reading....
