FLAMES SERIES 2
LADY IN DISGUISE
"LOUISE &LUIGI"
BY..EMMZ
CHAPTER 14.....
Gulat na gulat si Louise sa biglang pagyakap sa kanya ni Luigi kaya naman wala siyang naging reaksiyon dito ngunit ng makalipas ang ilang minuto ay itinulak niya ang binata..
"Hoy nananantsing kana huh!...nakapampewang na wika ni Louise sabay irap kay Luigi kaya natawa ang binata...
"Lol!..nakakatuwa ka kasi para bang bata ha ha ha!...sagot ni Luigi at akto sanang kakargahin niya si Louise ng iniumang niya ang kamao nito sa binata..
"Sige subukan mong kargahin ako at tatadtarin kita ng bukol!...natatawang banta ni Louise kaya naman napahagalpak sa tawa si Luigi at maya maya ay sinaklit nito ang bewang ng dalaga at iginiya niya itong palakad kaya ang labas nila ay parang magnobyo...
"Hon tingnan mo iyong dalawang magnobyo ang sweet sweet nila oh!"...,bulong ng mag asawang nakatingin kay Louise at Luigi kaya naman mas lumawak pa ang ngiti ni Luigi sa kanyang labi at samantalang si Louise ay namumula ang mukha...
"Alisin mo nga iyang kamay mo sa bewang ko!...bulong na reklamo ni Louise kay Luigi..
"Eh bakit ba huh?...bulong na sagot ni Luigi..
"Kasi pinagkakamalan nila tayo na magnobyo eh!..,naiiritang sagot ni Louise ngunit ang totoong rason ay hindi siya aware sa pag akbay na iyon ni Luigi sa kanya dahil parang may kung anong kakaibang hatid ito sa kanya na hindi niya dapat maramdaman...
"Hay naku bayaan mo sila at inggit lang nag mga iyan dahil mas seksi ka ng di hamak sa kanila kaya ka nila tinitingnan!...muling saad ni Luigi saka piningot nito ang ilong ni Louise...
"Aray ko naman!..parang gusto mo na yata akong patayin ah!...nakasimangot na wika ni Louise sabay hawak sa namumula niyang ilong...
"Ay sorry ha ha ha!..ok kiss ko nalang!..,,natatawang sabi ni Luigi at ginawa nga nito ang kanyang sinabi...
Halos hindi makagalaw sa kinatatayuan niya si Louise dahil tinotoo nga ni Luigi ang sinabi nitong halikan siya at hinalikan nga siya nito sa tuktok ng kanyang ilong na halos dumikit na ang labi nito sa kanyang labi na nagbigay sa kanya ng kakaibang kiliti..
Muli na naman niyang naalala ang halik ni Luigi noon sa kanya na kahit mapagparusa ang halik na ginawa noon sa kanya noong sila ay nag away ay ramdam pa rin niya ang malambot na labi ng binata..
"Oh shit ano ba itong pumapasok sa isip ko!...hiyaw ng isip ni Louise at ng mahimasmasan ay kunwari g tinampal niya ang mukha ni Luigi ngunit imbis na magalit ay kinindatan pa siya kaya naman bigla nalang kumabog ang dibdib ni Louise sa ginawa ni Luigi na iyon...
Hindi alam ni Luigi kung bakit nagawa niyang totohanin ang banta niyang iyon kay Louise ngunit para sa kanya ay may kung anong nagdikta sa kanya na gawin niya iyon at napangiti siya ng makita nito ang pamumula ng mukha ng dalaga at ngayon ay mas lalo pang gumanda ito..
Dahil sa ginawa ni Luigi na paghalik sa tuktok ng ilong ni Louise na muntikan ng dumampi sa labi ng dalaga ay naging tahimik si Louise kaya inaya nalang ni Luigi na umuwi ang dalaga at habang nasa sasakyan ay tahimik ito kaya naman itinuon nalang niya ang atensiyon sa kanyang pagmamaneho ngunit ng muli na naman niyang sulyapan ang katabing dalaga ay kaysarap na ng tulog nito...
Malayang pinagmasdan ni Luigi ang natutulog nang si Louise na parang wala ng pakialam pa kahit na kayhaba haba ng trapik dahil sa sarap ng kanyang pagtulog...
Hinayaan nalang ni Luigi na makatulog si Louise para makapagpahinga ito ngunit paminsan minsan ay sinusulyapan niya ang katabing dalaga dahil parang hindi siya makapaniwala na mas lalong lumitaw ang ganda nito sa pag susuot niya ng damit na angkop sa kanya..
Nakarating na sila sa tapat ng bahay nila Louise at medyo madilim dilim na sa labas ng bahay dahil papa gabi na ay nakatulog parin si Louise kaya dahan dahang inilapit ni Luigi ang mukha nito sa mukha ng dalaga saka pinagsawa ang kanyang mga mata na masdan ang magandang mukha ni Louise ngunit maya maya lang ay biglang nagising at biglang angat ng mukha ni Louise dahil nagulat sa bigla nitong pagkagising dahil pakiwari niya ay nasa kanyang kwarto na siya....
Kaya naman sa pag angat ng mukha na iyon ni Louise ay hindi sinasadyang nagkadikit ang kanilang mga labi...
Kapwa hindi nakakilos ang dalawa at ang kanilang mga mata nila ay nagkatitigan...
Parang tinatambol ang dibdib ni Louise sa lakas ng kanyang kaba ng mga sandaling iyon ngunit hindi niya magawang ikurap ang kanyang mga mata at lalo na ng kumilos dahil pakiramdam niya ay na estatwa siya sa pagkakadikit nilang mga labi nila ni Luigi at ang hindi niya inaasahan ay ang pagkilos nalang bigla ng mga labi ni Luigi kaya mas lalo siyang nagulat at napanganga kaya naman nagkaroon ng kalayaan na sakupin ni Luigi ang kanyang labi..
Hindi na napigilan pa ni Luigi ang bugso ng kanyang damdamin ng aksidenteng magkadikit ang labi ni Louise at ng umawang ang labi ng dalaga ay mas nagkaroon pa siya ng pagkakataon na maangking lalo ito kaya naman mas lalo pang mapusok ang binata hanggang sa namalayan nalang niyang tumutugon ang dalaga sa kanyang mga halik...
Ilang sandaling naghinang ang kanilang mga labi at halos ayaw bumitiw ni Luigi kung hindi lang siya kinapos ng hininga ngunit si Louise ay hindi makaimik ng magkahiwalay ang kanilang mga labi at hindi makatingin ng deritso sa binata kaya nagmamadali nalang siyang bumaba ng kotse na dala dala ang mga pinamili ni Luigi para sa kanya at nakalimutan pa niyang magpasalamat dahil doon...
....
Hating gabi na ay hindi parin makatulog si Louise dahil sa nangyaring iyon sa kanila ni Luigi at hindi niya maipaliwanag sa kanyang sarili kung bakit niya nagawang tugunin ang halik na iyon ni Luigi at hindi rin niya maipagkakaila sa sarili na nagustuhan niya ang halik ng binata kaya nga siya nadala na tugunin iyon at parang ramdam parin niya sa kanyang labi ang malalambot na labi ni Luigi at tuloy napahawak siya sa kanyang labi...
...
Kinaumagahan ay tinext ni Luigi si Louise na may pupuntahan silang birthday party ng mga alas dos ng hapon dahil kaarawan ng kaibigan ni Luigi na si Arnel na dati niyang kaklase sa kolihiyo at sinabi nito sa dalaga na susunduin nalang niya ito ng mga alas dose ng tanghali sa kanialng bahay..
Pagsapit ng alas dose ng tanghali ay naroroon na nga si Luigi sa tapat ng bahay nila Louise at ng itext nito ang dalaga na naroroon na siya ay sumagot ito na palabas na daw siya at ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng bahay kaya naman agad na lumabas ng kotse si Luigi sabay kuha nito ang bulaklak na binili niya para kay Louise at ng pag angat niya ng mukha at sabay tingin sa may pintong bumukas ay napanganga siya sa kanyang nakita...
"Lo..Louise is that you!....hindi makapaniwalang sabi ni Luigi kay Louise na noon ay nakangiting papalapit sa kanya na nakasuot ng black dress na hanggang lagpas tuhod ang ikli nito na sleeveless at kita ang halos ang kalahati ng dibdib nito...
ITUTULOY!!!..
BINABASA MO ANG
Flames Series 2..Lady in Disguise"LOUISE"By...(completed)...
Romance...by..emzalbino Ang kwentong ito ay hango lamang sa imahinasyon ni ms.Emmz o emzalbino... At kung sakaling may pagkakapareha sa mga pangalan ng ibang kwento ay hindi po sinasadya.. ..salamat po and enjoy reading....
