THE FLAMES SERIES 2
LADY IN DISGUISE
"LOUISE"
BY...EMMZ
CHAPTER 15
Dahan dahang ikinurap ni Luigi ang kanyang mga mata dahil pakiwari niya ay namamalikmata lang siya ngunit ng makalapit na siya sa harapan ni Louise ay saka lang niyang napagtanto na totoo na pala ang kanyang nakikita at hindi siya namamalikmata o kaya ay nananaginip...
"I..ikaw nga nga Louise!!...hindi makapaniwalang turan ni Luigi sa kaharap na si Louise dahil sa oagbabago ng anyo nito ng nakadamit pambabae..
"A..ako nga Luigi!...ani Louise sabay iwas ng tingin nito sa binata dahil parang hindi niya kayang salubungin ang mga titig nito...
"Ay siyanga pala flowers for you!,..binili ko kanina sa nadaanan kong flower shop at chocolate but don't eat to much sweet baka mataas ang blood sugar mo eh bawal iyan!..wika ni Luigi kay Louise ng maalala nito ang dalang bulaklak na hawak hawak nito ngunit bigla siyang nag alala sa dala niyang chocolate para sa dalaga kaya pinaalalahanan niya ito na wag masyado sa mga matatamis ngunit ang totoo ay baka masanay ang dalaga sa pagkain ng mga matatamis at bigla nalang itong lumubo...
"Ah ok salamat!...ani Louise saka inabot nito ang bulaklak at parang kinilig bigla si Louise dahil mula noong nagsimula siyang magdalaga ay ngayon palang siya nakatanggap ng bulaklak kaya naman nagpaalam sandali para mailagay niya ito sa plorera at nilagyan niya ito ng tubig para hindi malanta at ang chocolate ay nilagay muna niya sa refrigerator para hindi matunaw...
Pagkabalik ni Louise ay titig na titig si Luigi sa kanya kaya naman parang naasiwa siya na baka hindi nagustuhan ni Luigi ang kanyang suot na damit...
"Hindi ba okay ang damit ko at ganyan ka kung makatingin?...alalang tanong ni Louise kay Luigi..
"No!..it's very nice to see you in this beautiful dress at kaya kita tinitingnan dahil hindi lang ako makapaniwala na ikaw ang aking kaharap!,..but in fairness you're so beautiful and i can't help my self to staring you like that!...nakangiting sagot ni Luigi saka inalalayang papasok ng ka yang kotse..
"Kasi naman si tiyang Ester eh pinilit nila ako ni Beth na iyo daw ang suutin ko dahil kung hindi daw ay puputulin lahat ni tiyang ang mga pantalon ko kaya nagdamit ako ng ganito!...nakalabing saad ni Louise..
"Well that's more better!...natutuwang turan ni Luigi saka nagmamadaling sumakay sa may driver seat at bago niya pinaandar ang kanyang kotse ay muli pa niyang nilingon ang dalagang katabi at sakto namang nagtama ang kanilang mga mata at nagulat si Luigi sa naging reaksiyon ng kanyang katawan dahil muli na naman niyang nararamdaman ang init na gumagapang sa kanyang katawan..
"Shit what something wrong with me!...bulong ni Luigi sa sarili na hindi nakaligtas sa pandinig ni Louise...
"May sinasabi ka ba sa akin?...baling na tanong ni Louise kay Luigi...
"No!,,nothing!...i just thinking if i off my computer or not!....alibay na sagot ni Luigi at ng muli siyang tumingin kay Louise ay napalunok pa siya dahil saktong nahulog ni Louise ang kanyang cellphone sa gilid ng upuan niya sa may malapit ng pagitan nila ni Luigi at sumiksik sa ilalim kaya kailangan niyang yumukod upang abutin ito at nawala sa isip niya na takpan ang kanyang dibdib na ngayon ay nakalitaw sa harap ni Luigi...
"Ano ba itong cell phone na ito kung kailan mo inaabot saka sumisiksik sa ilalim!..,buntong hiningang turan ni Louise...
"Ako na nga ang kukuha niyan!...maya maya ay sabi ni Luigi saka dumukwang sa gilid ni Louise kung saan nahulog nito ang kanyang cell phone..
"Okay salamat!,..nasa bandang ilalim nakasiksik at hindi ko makuha eh!...ani Louise at ng makitang medyo nahihirapan si luigi sa pagkuha ay muli itong dumukwang sabay silip sa gilid at sakto namang pag angat ng ulo ni Luigi kaya nagkabanggaan sila ng ulo ngunit ang natamaan kay Louise ay ang kanyang golid ngbaba nito na sadyang namula pa kaya naman dali daling hinaplos ni Luigi ang baba ni Louise para siguraduhing okay ang dalaga ngunit ng pagdampi ng kamay nito sa may malapit sa pisngi ng dalaga ay mas lalong parang sinisilaban na si Luigi..
Hindi napigilan ni Luigi ang kanyang sarili at dumampi ang kanyang daliri sa gilid ng labi ni Louise habang nakatitig sa magandang mukha ng dalaga..
Biglang naasiwa si Louise sa titig sa kanya ni Luigi at ng bigla nalang niyang maramdaman ang daliri nito sa gilid ng kanyang labi ay biglang nagregudon ang kanyang dibdib at parang nanlalamig ang kanyang mga kamay dahil muli na naman niyang naalala ang mainit na halik na pinagsaluhan nila kagabi lang at ngayon ay parang tinutukso na naman siya ni Luigi at maya maya lang ay nararamdaman niyang gumagalaw ang daliri ni Luigi sa may labi nito na para bang minememorya ang kabuuan nito at ng muli niyang tingnan sa mga mata ang binata ay parang namumungay ang mga mata nito na medyo lumalapit ang mukha nito sa kanya..
Halos hindi na marinig ni Luigi ang pintig ng kanyang pulso sa lakas ng pagkabog ng kanyang dibdib at ngayong halos ilang pulgada nalang ang lapit ng kanilang mukha at amoy na amoy niya ang mabangong hininga ni Louise ay mas nangiging tumitindi ang kanyang pagnanais na muling gawin ang naganap sa kanila ni Louise kagabi kaya hindi niya namamalayan na halos magkadikit na pala ang mga labi ni Louise...
"Lu..Luigi!...kinakabahang wika ni Louise at ng muli niyang tingnan sa mga mata si Luigi ay doon na bumigay ang kanyang pagtitimpi dahil parang nadadala siya sa titig ni Luigi at lalo pa ng maramdaman nito ang paggalaw ng mainit na labi ni Luigi...
"Louise i can't help ignore your presence so please let me do it please!...tanging saad ni Luigi saka tuluyan ng sinakop ang labi ni Louise at buong ingat...
Gustong tumutol ni Louise ngunit hindi niya kayang tanggihan ang maiinit na halik ni Luigi kaya't tinugon niya ito ng buong kapusukan...
Kung ilang ulit nilang pinagsaluhan ang maiinit na halik at parang ayaw nilang bumitaw sa isa't isa na para bang ninanamnam ang tamis ng kanilang mga labi...
Nang tuluyang nagakahiwalay ang kanilang mga labi ay naging tahimik ang dalawa hanggang sa makarating sila sa pagtitipon sara sa kaarawan ni Arnel...
Palingon lingon si Louise dahil sandaling nagpaalam si Luigi dahil magto toilet daw lang siya ng biglang may magsalita sa kanyang likuran...
"Hi Miss beautiful may i join you here?...!? Preskong tanong ng lalaki sabay lahad ng kamay nito kay Louise..
"Huh ah eh!...tulirong sagot ni Louise at akto sanang tatanggapin niya ang kamay ng hindi kilalang lalaking kaharap ng biglang may pumigil sa kamay ni Louise para kamayan sana ang lalaki,...
ITUTULOY!!!...
BINABASA MO ANG
Flames Series 2..Lady in Disguise"LOUISE"By...(completed)...
Romantik...by..emzalbino Ang kwentong ito ay hango lamang sa imahinasyon ni ms.Emmz o emzalbino... At kung sakaling may pagkakapareha sa mga pangalan ng ibang kwento ay hindi po sinasadya.. ..salamat po and enjoy reading....
