FLAMES SERIES 2
LADY IN DISGUISE
"LOUISE"
By..emzalbino..
FINALE...
Dumating ang araw ng pinakahihintay ng lahat para saksihan ang pag iisang dibdib ni Louise at Luigi..
Maraming tao ang kumbidado at lahat ng kaibigan ni Louise ay naroroon at maging si Luigi....
"Antagal naman ni Louise!,..ani Emmz habang panay ang nguya nito ng chewing gum at nakataas pa ang kilay nito..
"Eh sa siya ang bride eh!...alangan namang siya nag mauuna at tayo ang hihintayin niya!...supalpal ni Santhana kay Emmz..
"Bakit may sinabi ba akong ganoon?..sabi ko lang na matagal siya dahil gusto ko ng makita ang itsura niya!...depensa naman ni Emmz sa sarili..
"Hoy ano ba kayong dalawa!,..wag nga kayong magtalo rito nakakahiya eh baka kung ano ang sabihin ng mga tao!...sita ni Mirah sa dalawa niyang kaibigan samantalang si Amor ay hindi pinapansin ang dalawang kaibigan at abala sa pakikipag laro sa anak ni Farah na si baby Morris na noon mahigit usang taon na...
"Hay naku mga friends hindi pa ba kayo sanay sa mga ugali natin sa isa't isa?...ganyan lang naman tayo dahil namimiss natin ang grupo diba?....biglang singit ni Farah na noon ay nasa malapit lang sila...
"Sinabi mo pa Farah!...eto kasing si Santhana masyadong kuntra sa akin eh at itong si Mirah naman parang madre kung mangaral pero hindi ka dahil daig pa naman niya ang leon kung magalit!...natatawang saad ni Emmz na umirap lang naman si Santhana at maya maya ay tumunog ang kanyang cell phone kaya dali dali niyang sinagot ito at biglang napawi ang mga kunot sa kanyang noo ng mabosesan niya ang nasa kabilang linya..
"Hmm im sure na ang fafa Steven na naman ni Santhana ang caller na iyan kasi tingnan mo abot gilagid ang ngiti nito!....ani Emmz sabay turo ng nguso nito si Santhana na halos pabulong na nakikipag usap sa may telepono..
"Kayo ah pinagtitripan ninyo si Santhana!...natatawang saad ni Amor...
"Natatawa lang kasi ako sa pagiging pasaway ng babaeng iyan eh!...wika ni Emmz..
"Sinong pasaway?!.,,halos sabay na bulalas ni Amor,..Mirah At Farah...
"Si Santhana!...tugon ni Emmz..
"Parang mali yata ah!...natatawang sagot ni Mirah...
"Guys silent na dahil andiyan na yung friend natin oh!...saad ni Amor ng makita nito ang bridal car na pumarada sa may harap ng simbahan...
Hindi mapigilan ng lahat ang mapahanga sa kagandahan ni Louise ng mga sandaling iyon...
Habang si Luigi ay halos ayaw na niyang kumurap sa pagkakatitig nito sa kanyang bride..
Naka tube na wedding gown si Louise na sa likod nito ay fitted backless na hanggang sa taas ng balakang at dahil hindi pa halata ang kanyang tiyan ay kitang kita ang magandang kurba ng kanyang katawan nito...
Halos hindi makapaniwala ang lahat dahil ang akala nilang siga noon sa mga kanto kanto na tanging mga kalalakihan ang nakakalaro sa basket ball sa kanilang probinsiya ay nagmistulang isang kaibig ibig na babae at siyang nakasungkit ng puso ni Luigi ang lalaking habulin ng mga sopistikadang kababaihan...
"Mommy ko ang ganda ganda mo!...humahangang sabi ni Luigi kay Louise na noon ay kitang kita ang kasiyahang kanyang nadarama sa kislap ng kanyang mga mata..
"Salamat daddy ko!,..ikaw rin ang gwapo gwapo mo!,..pero malas lang ng babaeng maghahanol pa sayo dahil akin ka lang!...natatawang biro ni Louise na pati ang ibang mga bisita na naroroon ay nakitawa na rin..
![](https://img.wattpad.com/cover/27493677-288-k804511.jpg)
BINABASA MO ANG
Flames Series 2..Lady in Disguise"LOUISE"By...(completed)...
Любовные романы...by..emzalbino Ang kwentong ito ay hango lamang sa imahinasyon ni ms.Emmz o emzalbino... At kung sakaling may pagkakapareha sa mga pangalan ng ibang kwento ay hindi po sinasadya.. ..salamat po and enjoy reading....