FLAMES SERIES 2
LADY IN DISGUISE
"LOUISE"
By..emzalbino..
CHAPTER 23
Hindi makapniwala si Louise sa lahat ng nangyayari ng mga sandaling iyon ngunit ng muli niyang silayan ang kumikinang na singsing sa kanyang daliri ay sobrang saya ang kanyang nadarama at napunan ang sakit at lungkot na kanina lang ay kanyang naramdaman dahil sa kanyang maling akala...
"Mommy ko,.. Masaya kaba na pakasal sa akin?...maya maya ay seryosong tanong ni Luigi kay Louise habang nakatitig sa magandang mukha ng katipan..
"Sobrang saya daddy ko!...maluha luhang sagot ni Louise saka yumakap ng mahigpit kay Luigi...
"Ako man ay masayang masaya mommy ko lalo pa at magkakababy na tayo!,..kaybilis palang tumubo ang binhi kong ipinunla sayo ah!...siguro mas maganda kung lagyan natin ng pataba para maging malusog ang baby"...nakangiting wika ni Luigi habang nanunudyo ang mga titig nito kay Louise...
"Diyan ka magaling eh!...nakaismid na turan ni Louise ngunit wala siyang nagawa ng biglang sakupin ni Luigi ang kanyang mga labi at paglakbayin ang kamay nito sa kabuuan ni Louise..
Hindi na napaglabanan ni Louise ang init na binuhay ni Luigi sa kanyang katawan kaya't buong pagmamahal niyang tinugon ang bawat halik at yakap na punong puno ng pagnanasa ni Luigi,..hanggang sa uminit pa ng uminit ang kanilang katawan hanggang sa langitngit nalang ng kama ang naririnig sa buong paligid ng kwarto at saka lang nagkahiwalay ang kanilang pagod at pawisang katawan ng marating nila ang kaligayahang kanilang hinahanap hanap..
Pagkatapos ng mainit nilang pagniniig ay pinagbihis ni Luigi si Louise at sinabi nitong may pupuntahan daw sila kaya naman agad na tumalima ito at nagbihis gaya ng sabi ni Luigi at ng makapagpalit na'y agad na inakay siya ni Luigi papunta sa labas ng bahay kung saan naroroon ang kanyang kotse...
Palaisipan kay Louise kung saan sila pupunta dahil hindi naman papunta sa bahay nila Luigi o sa bahay ng kanyang mga lola at lolo ang daang tinutumbok ni Luigi kaya ng hindi na siya nakatiis ay...
"Daddy ko saan ba tayo pupunta?...nagtatakang tanong ni Louise ngunit ngumiti lang ito ng ubod ng tamis sabay kindat kay Louise na siya namang nagpangiti nito...
"Just wait and see mommy ko!...sagot ni Luigi saka hinawakan ng isa nitong kamay ang isang kamay ni Louise sabay halik....
"Hmm gunagawa mo na akong manghuhula niyan eh!...reklamo ni Louise ng hindi parin mahulaan ang ibig ipakahulugan ni Luigi..
"Malapit na tayo!...maya maya ay sabi ni Luigi at ilang sandali lang ay ihininto niya ang kanyang kotse sa tapat ng isang bungalow house...
Ka..kaninong bahay ito?...nagtatakang tanong ni Louise kay Luigi...
"Pasukin natin mommy ko at ng makita natin ang loob nito!...ani Luigi na imbis sana ay sagutin nito ang tanong ni Louise...
Nagpatiuna nalang si Louise ng akayin siya ni Luigi at nagtaka pa ito ng mayroon siyang susi sa may gate at sa mismong main door nito kaya napatingin siya kay Luigi na ngumiti lang ito...
Namangha sa loob ng bahay si Louise dahil sa ang dinding nito ay gawa sa salamin at detach pa ito at ang mga kagamitan sa loob ay pawang mga antique...
"Daddy ko ang namang bahay ito!...kaninong bahay ito?...hindi napigilang tanong ni Louise habang ang mga mata nito ay gumagala sa paligid ng bahay...
"Kanino pa eh sa atin!...dito natin bubuuin ang ating pamilya at ang mga pangarap natin sa buhay"....nakangiting saad ni Luigi sabay yakap nito sa likod ni Louise...
BINABASA MO ANG
Flames Series 2..Lady in Disguise"LOUISE"By...(completed)...
Romance...by..emzalbino Ang kwentong ito ay hango lamang sa imahinasyon ni ms.Emmz o emzalbino... At kung sakaling may pagkakapareha sa mga pangalan ng ibang kwento ay hindi po sinasadya.. ..salamat po and enjoy reading....
