Chapter 21

6.7K 185 6
                                    

FLAMES SERIES 2

LADY IN DISGUISE

"LOUISE"

By.....emzalbino...

CHAPTER 21

Hindi makapaniwala si Louise sa naging resulta ng kanyang ginawang pagsusuri sa pregnancy test...Kaya naman hindi niya alam ang kanyang gagawin ng mga sandaling iyon at kinakabahan siya sa magiging reaksiyon ni Luigi kung sakaling malaman niya ito...

"Ano ang gagawin ko?...baka pag sinabi ko kay Luigi ay hindi niya tanggapin ito o kaya ay may masabi siyang hindi maganda dahil wala naman siyang binabanggit na ano man tungkol sa anumang magiging resulta ng aming pagniniig!....kinakabahang bulong ni Louise habang nakatingin sa pregnancy test na hawak hawak nito...

Ganoon pa man ay itinago ni Louise ang resulta ng kanyang pregnancy test at ipinasya niyang kumunsulta nalang sa doktor para mas masigurado niya kung talaga ngang buntis siya o hindi kaya ng araw ding iyon ay hindi na siya nagpatumpik tumpik pa at dumiretso siya sa isang clinika....

Ilang sandali rin ang ipinaghintay ni Louise bago dumating ang resulta ng pagsusuri sa kanya...

"Ah misis congratulation dahil five weeks na po kayong preggy!...masayang saad ng doktor kay Louise...

"Sa..salamat po doktor!...nauutal na sagot ni Louise..

"Naku misis tiyak na matutuwa si mister nito pag nalaman niya!...dahdag na wika pa ng doktor kay Louise..

"Gu..gusto ko ngang surpresahin eh kaya hindi ako nagpasama sa kanya"....ani Louise na sadyang napakagat labi dahil sa kanyang pagsisinungaling..

"Wow ang sweet naman ninyo misis!...muling saad ng doktor ngunit ngumiti lang si Louise bilang sagot sa sinabi ng doktor...

"Pang ilan na po ang ipinagbubuntis ninyo misis?...muling tanong ng doktor kay Louise..

"First time!....tanging sagot ni Louise sabay himas nito sa kanyang tiyan..

"Ah na nganganay pala kayo misis!...well kunting ingat lang po kasi baka masilan kayong magbungis at wag kayong gaanong magbubuhat ng mabibigat at heto po ang mga vitamins na kailangan ninyo para pampakapit!....saad ng doktor at agad namang inabot ni Louise at ng makalipas ang ilang sandali ay nagpaalam na si Louise na tuliro ang kanyang isip kung ano ang dapat niyang gawin...

.....

Samantala ay kanina pa hinihintay ni Luigi si Louise sa kanyang opisina hindi na niya ito sinundo pa dahil may maaga siyang meeting pero natapos na ang kanyang meeting ay wala pa si Louise at ng kanyang tawagan ito ay out of coverage ang kanyang cell phone kaya labis na siyang nag aalala at hindi pa naman niya maiwan iwan ang kanyang opisina dahil may hinihintay siyang isa pang kliyente ayon sa kanyang secretary na si Beth na pinsan mismo ni Louise...

"Nasaan na kaya ang babaeng iyon?...kunot noong tanong ni Luigi sa sarili...

Nang muli niyang kontakin ang cell phone ni Louise ay nakahinga na ng maluwag si Luigi dahil naring na ito at maya maya pa'y..

"He..hello Luigi!....ani Louise sa kabilang linya...

"Baby asan kana bakit angtagal mo!...wika ni Luigi na sadyang may pag aalala sa kanyang boses..

"May dinadaanan lang ako!,..kumain kana ba?..wika ni Louise na nais nitong iliko ang usapan..

"Hindi pa eh!,..anong niluto mo?...maya maya ay tanong ni Luigi sabay himas ng kanyang tiyan dahil nag aalburuto na ito dahil sa hindi ito kumain ng agahan sa kanyang pagmamadali..

"Hindi ako nakapagluto eh!,...bibili nalang ako,..ano ba ang gusto mo?...kakamot kamot ng ulo na wika ni Louise..

"Hmmm!...waring nag iisip na wika ni Luigi...."Baby wag ka nalang bumili mag oorder nalang ako ng pizza!,..ikaw ano ba ang gusto mong flavor?...maya maya ay tanong ni Luigi..

"Kahit na ano ikaw nalang bahala!,...saad ni Louise..

"Okay baby ko!,..come so soon because so much!...ani Luigi na nag goodbye kiss pa sa cell phone kay Louise at nakangiting pinatay niya ito ng magpaalam na si Louise...

Pagkatapos makipag usap ni Luigi kay Louise ay agad siyang tumawag sa pizza parlor na malapit sa kanyang opisina para magpadeliver ng kanilang makakain...

.......

Samantala sa malaking bahay ng mga SANDOVAL...

Naglilinis ng kanynag mga halaman si aling Marie ng may biglang pumindot ng door bell ng gate kaya agad siyang tumalima upang mapagsino ang taong naroroon at laking gulat niya ng makilala ito...

"Hello po tita!,..kumusta na po kayo!?...masayang bati ng bagong dating..

"Irish!....sambit ni Aling Marie saka binuksan nito ang pinto ng gate..

"Yap tita!,...it's me at wala ng iba!,...well kumusta na po si Luigi?...,ani Irish ng makapasok na ito ng gate at naglalakad papunta sa may bahay..

"Ah eh wala rito!...sagot naman ni Aling Marie..

"Huh!..eh nasaan po siya kasi kadarating ko lang mula sa Europe at ng tawagan ko ang kanyang cell phone ay hindi ko na makontak!...nagpalit po ba siya ng number?...saad ni Irish sa mommy ni Luigi..

"Ah oo at nasa opisina siya ngayon dahil siya na ang pumalit sa kanyang lolo Carlos"...pahayag ni Marie kay Irish..

"Ah ganoon po ba tita!...sige po tita hindi na po ako magtatagal at pupuntahan ko nalang siya sa kanyang opisina at miss na miss ko na siya"!...nakangiting turan nito at saka nagmamadaling sumakay ito sa kanyang kotse papunta ng opisina ni Luigi...

......

Matapos ang last meeting ni Luigi sa huling kliyente ay nagtext si Louise na papunta na daw siya sa opisina nito at naghihintay nalang siya ng taxi na mamasakyan kaya naman abot ngiti ni Luigi ng magpaalam si Louise at habang hinihintay nito ayinayos muna niya ang mga nakatambak na papeles sa kanyang harapan...

Almost half hour na ay wala pa si Louise at medyo nag aalburuto na ang tiyan ni Luigi at naroroon na rin ang inorder nitong pizza para sa kanila..

"Hmm trapik nga pala ngayong araw na ganito!....ani Luigi sa sarili habang patapik tapik sa kanyang mesa ng biglang bumukas ang pinto at napangiti siya sa pag aakalang si Louise na iyon ngunit ng tuluyang umawang ang pinto ay napanganga ito sa kanyang nakita..

"Irish!....hindi makapaniwalang bulalas ni Luigi..

"Yes sweetie ako ito!....masayang sagot ni Irish saka halos patakbong lumapit kay Luigi..

"A..anong ginagawa mo rito?...maya maya ay tanong ni Luigi..

"Of course im here because i miss you so much!...hindi mo ba ako namiss?...medyo nagtatampo kunwaring wika ni Irish at ng tuluyang makalapit ay oarang tukong yumakap ito kay Luigi..

"Wait Irish!,..wait!...awat nito sa dalaga sabay baklas ng kamay nito na nakapulupot sa kanyang leeg..

"Eh bakit ba sweetie?...miss na miss lang kita eh!,..imagine almost a year tayong hindi nagkita kaya miss na miss ko na ang mga yakap mo lalo na ang mga haplos mo!...at ang alam mo na!....nanunudyong turan ni Irish saka ngumiti ito ng pilya at walang sabi sabing hinagkan nito ang labi ni Luigi ngunit agad na inawat siya ni Luigi..

"Calm down Irish please!...i want to tell you something!....ani Luigi na tinitimpi nito ang kanyang sarili dahil ayaw niyang saktan ang kalooban ng dalaga..

"What is it?...tanong ni Irish..

"I want to tell you that i want to settle down soon!,..and one of this day ay sasabihin ko na....hindi na naituloy ni Luigi ang kanyang sasabihin dahil bigla siyang niyakap ni Irish at pinaghahalikan dahil sa tuwa nito sa sinabi ni Luigi...

"Sweetie all i can say is I DO!,..im going to marry you!...this is the moment that i waiting for so long!...maluha luha sa tuwang saad ni Irish saka inangkin nito ang labi ni Luigi na noon ay hindi makapagsalita dahil may isang taong nakarinig ng lahat na noon ay namamalisbis nag mga luha nitong nakatingin sa dalawa...

....itutuloy....

Flames Series 2..Lady in Disguise"LOUISE"By...(completed)...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon