Chapter 9

6.4K 210 2
                                    

FLAMES SERIES 2

LADY IN DISGUISE

"LOUISE"

BY...EMMZ

CHAPTER 9...

"Anak ng tokwa talaga ang babaeng ito!,..ako pang amo ang siyang pinagtulak niya ng sasakyan!....inis na bulong ni Luigi habang tulak tulak nito ang tumirik nitong kotse na halos tumulo na lahat ng pawis nito sa sobrang pagod nito...

Humigit kumulang na kalahating oras na nagtulak si Luigi bago umandar ang kotse kaya naman tagktak ang pawis nito at halos basang basa na siya sa pawis kaya inalis nito ang suot na jacket at tanging ang white fitted shirt lang ang suot nito na basang basa na ng pawis saka siya sumakay ng kotse na nakasimangot...

"Hmp!...sasakay lang eh parang biyernes santo pa ang mukha!...bulong ni Louise sa sarili ngunit hindi nakaligtas sa pandinig ni Luigi...

"Eh kung ikaw kaya ang nagtulak ng mahigit na kalahating oras!,...nakangiti ka pa ba hanggang ngayon!?...galit na sigaw ni Luigi dahil sa sobrang inis nito..

"Eh bakit ka sumisigaw huh!...sigaw na sagot ni Louise..

"Kasi nga po madam pagod na nga ang tao pabilong bulong kapa riyan!,..ni hindi mo man lang maapreciate ang pagtutulak ko!...wika ni Luigi na tinitimpi nito ang galit sa dalagang kasama niya..

"Eh pabulong pala yung narinig mong sinabi ko eh bakit ng sagutin mo ay pasigaw huh!....nakataas ang kilay na turan nito kay Luigi na nakatingin ito sa lalaki at kitang kita niya ang pag iisang linya ng kilay nito na patunay na galit ito at maya maya lang ay inirapan siya ni Luigi saka itinuon ang paningin sa harap nito at tumahimik nalang dahil alam niyang wala siyang panama sa babaeng maton na kasama niya...

Makaraan ang ilan pang sandali ay narating na nila ang taong kanilang pakay...

"Magandang araw po sa inyo kayo po ba si Mr.Orlando Limos?....magalang na tanong ni Luigi sa matandang lalaki na nasa saisenta na ang gulang nito....

"Ah ako nga iho tuloy kayo rito sa loob ng bahay!,...ikaw ba yung sinasabi ni don Carlos na apo niya?...tanong ni Orlando kay Luigi..

"Opo mr.Limos at hindi na po ako magpapaligoy ligoy pa at siguro po ay alam na po ninyo ang pakay namin kung bakit po kami naririto at heto po ang mga dokumento na kailngan ninyong permahan"....magalang na saad ni Luigi saka ibinigay ang mga papeles na dala dala niya at inabot naman ni Mr.Limos..

"Sa totoo lang iho ay may pupuntahan nga rin kami ng misis ko at buti nalang naabutan ninyo kami kasi pupunta pa kami ng Angeles kasi may kukunin kaming padala ng hipag ko para sa kanyang anak na nasa Canada kaya pasensiya na kung hindi ko kayo gaanong mabisita"...hinging paumanhin ni Mr.Limos saka nito binuklat ang lahat ng mga papeles at ng masuri niyang mabuti ay pinirmahan na niya ito saka muling inabot nito kay Luigi...

"Salamat po Mr.Limos at sa amin ninyo ibinenta ang inyong share at nawa'y maging successful ang pag stay ninyo sa Canada!,...turan ni Luigi sa matanda..

"Salamat din iho at walang anuman iyon dahil matagal ko ng kilala ang iyong lolo at sa tagal ng mga panahong pinagsamahan namin ay masasabi ko talaga na napakabait ng iyong lolo dahil noong una palang kaming naging magkaibigan at lagi akong nagigipit sa pera ay siya ang tanging nagpapahiram ng kapital para sa aking negosyo at hindi niya ito pinatutubuan hanggang sa lumago iyon ngunit ng magkasakit ang aking asawa ay ibinenta ko ang negosyo kong iyon at yung natirang pera ko ay siya kung ginamit para sa share ko sa inyong kompanya hanggang sa lumago ito at ngayon nga ay lahat na ng pamilya ko ay papunta na ng Canada kaya napagkasunduan namin ng aking asawa total ay matatanda na rin kami ay nais na rin naming sundan ang mga anak naming nasa ibang bansa para makapiling namin sila at maging ng aming mga apo kasi kayhirap malayo sa mahal mo sa buhay kaya habnag may panahon pa ay susulitin na namin"!....masayang salaysay ni Mr.Limos kay Luigi habang tahimik lang sa tabi si Louise...

Flames Series 2..Lady in Disguise"LOUISE"By...(completed)...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon