Chapter 22

7.2K 208 4
                                    

FLAMES SERIES 2

LADY IN DISGUISE

"LOUISE"

BY...emzalbino..

CHAPTER 22

Hindi makapaniwala si Louise sa kanyang nakita at lahat ng kanyang narinig kaya hindi rin niya napigilan ang pagragasa ng kanyang mga luha..

Parang biglang nagsikip ang paghinga ni Louise ng dahil sa kanyang mga narinig na nais na palang magpakasal ni Luigi sa dati nitong nobya...

Walang tigil ang mga luha ni Louise sa pag agos hanggang sa hindi na niya kaya pang tingnan ang dalawang magkayakap at magkahinang ang kanilang mga labi...

Dali daling nilisan ni Louise ang opisina ni Luigi habang tuliro ang kanyang isip at hindi niya malaman ang kanyang gagawin ng mga sandaling iyon at pakiwari niya ay binagsakan siya ng langit...

"Walang hiya ka Luigi!,..papaano mo nagawa sa akin ang lahat ng ito?..papaano mo nagawang linlangin ang aking pusong nagmamahal ng tapat sa iyo?,..luhaang wika ni Louise habang nagmamadaling tinungo ang elevator at swerte din niya dahil ng bumukas ang lift ay walang tao roon kaya malaya humagulgol sa loob ng lift hanggang sa makarating ito sa ground floor...

Agad nitong pinara ang taksing nagbaba ng pasahero at dali daling sumakay ito upang magpahatid sa kanialng bahay...

....

biglang itinulak ni Luigi si Irish ng makitang tumakbo si Louise na umiiyak,..Alam niyang narinig lahat ni Louise ang mga sinabi niya na hindi niya naituloy ng dahil kay Irish ngunit ang totoong tinutukoy niya na nais niyang mapangasawa ay walang iba kundi siya,..si Louise...

"Bakit mo ako itinulak sweetie?,..takang tanong ni Irish kay Luigi at akmang yayakapin na naman sana niya ang binata ng pigilan siya nito..

"Wait Irish!,..i told you that i want to settle down soon but im so sorry to tell you because you are not my bride!,..saad ni Luigi kay Irish na ikinanairita ng dalaga..

"What do you mean huh Luiogi na pagkatapos ng mga nangyari sa atin ay basta mo nalang ako itatapon na parang basura!....singhal ni Irish kay Luigi..

"Irish from the start naman eh hindi naman tayo mag nobyo at nobya diba?...we were doing such those things for pleasure diba?..at ni hindi kita pinilit dahil ikaw naman ang kusang lumalapit!...giit ni Luigi kay Irish...

"How dare you para ipamukha sa akin ang mga bagay na iyan!...at kahit na ako ang lumalapit sa iyo,..nag eenjoy ka rin naman diba?...at kayang kaya kitang paligayahin hanggang sa gusto mo at alam kong ako lang ang tanging babaeng makapagbibigay ng aliw na hinahanap hanap mo"...maya maya ay malambing na saad ni Irish saka yumapos sa bewang ni Luigi ngunit muli siyang pinigilan ni Luigi..

"Irish hindi panandaliang aliw ang hanap ko kundi tunay na pagmamahal at natagpuan ko iyon sa katauhan ni Louise at siya ang nais kong makasama sa habang buhay at ang babaeng aking tinutukoy'...muling wika ni Luigi at sa isang iglap ay hindi niya namalayan ang pagdapo ng palad ni Irish sa kanyang pisngi..

"Walang hiya ka Luigi pagkatapos ng lahat ng mga nagawa ko sayo ay ito pa ang igaganti mo!...Your so stupid at balang araw pagsisisihan mo ang ginawa mong ito sa akin at makikita mo na mas karapat dapat ako kaysa sa babaeng pinili mo!....luhaang sigaw ni Irish kay Luigi saka nagmamadaling nilisan ang opisina ni Luigi..

"Im sorry to hurt you Irish pero hindi ko kayang turuan ang aking puso dahil si Louise lang ang tanging nilalaman nito!...bulong ni Luigi sa kawalan saka napabuntong hininga ito ng maalala ang itsura kanina ni Louise at tiyak na galit ito sa kanya ngayon...

Flames Series 2..Lady in Disguise"LOUISE"By...(completed)...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon