FLAMES SERIES 2
LADY IN DUSGUISE
"LOUISE"
BY...EMMZ
CHAPTER 11...
Nagmamadaling isinakay ni Luigi ang inaapoy sa lagnat na si Louise saka agad niyang pinaandar ang kanyang sasakyan at habang nagmamaneho ay palingon lingon siya sa dalaga na nababakas sa mukha nito ang sobrang pag aalala dahil sa kalagayan ni Louise...
Nang makarating sa pinakamalapit na ospital ay saka nito agad na binuhat muli at nagmamadaling ipinasok sa loob at agad namang inasikaso si Louise ng makitang inaapoy ito ng lagnat...
Matapos mabigyan ng tamang gamot at medyo humupa na ang lagnat ni Louise ay nakiusap muna si Luigi sa doktor na maglagi muna ng ilang oras si Louise sa ospital hanggang sa mawala na ang lagnat nito at pumayag naman ang doktor kaya't kumuha ng isang kwarto si Luigi para makapagpahinga ng maayos si Louise...
Habang tulog ang dalaga ay matamang pinagmasdan ni Luigi ang maamong mukha nito at maya maya ay naalala niya noong minsang nag away sila na hinalikan niya ito sa mismong bahay nila dahil sa kakulitan ng dalaga dahil ayaw niyang paawat at napikon siya talaga sa kanya kaya wala siyang choice kundi halikan ang dalaga para lang bitawan niya ang kwelyo ng kanyang t Shirt....
"Napaka tapang mo talaga Louise!,...bilib ako sayo dahil hindi ka basta patatalo at ni hindi ka sumusuko kahit na alam mong mali mo ay ipinagpipilitan mo paring tama ka but now i can see from you that you hiding some pain inside yours because i can see it from your eyes at iyan ang pilit kung aalamin kung ano iyon dahil nahihiwagaan ako sa iyong pagkatao"....ani Luigi sa isip nito saka hinaplos nito ang noo ng dalaga at nataranta ito ng malamang pinagpapawisan ito dahil sa epekto na ng gamot na ipinainom sa dalaga at ng damhin nito ang likod ni Louise ay basang basa na rin kaya nag alala na ito dahil baka mapulmonya at wala pa naman siyang dalang dimpo o panyo man lang na mailagay sa likod ng dalaga at hindi naman siya pwedeng lumabas para bumili dahil ayaw niyang iwan ito....
Maya maya pa ay bigla siyang napatingin sa kanyang sarili ng maalala niyang bukod sa sout niyang white long sleeve shirt ay may naka panloob pa sa kanyang puting t shirt na medyo fitted sa kanya kaya dali dali siyang pumasok sa banyo sa mismong loob ng kwarto saka hinubad ang t sirt at muling isinuot ang long sleeve at agad na lumabas ng banyo saka nilapitan si Louise...
"Louise!..Louise!....mahinang yugyog ni Luigi sa dalagang kaysarap ng tulog at ni hindi man lang alintana ang ginawang paggising sa kanya...
Muling ginising ni Luigi si Louise ngunit sadyang napasarap ang tulog ng dalaga dahil sa epekto ng gamot na binigay sa kanya kaya alalang alala si Luigi dahil pinagpapawisan na siya kahit na naka aircon at maging ang likod ng dalaga ay pawisan na rin...
Hindi naman pwedeng pabayaan nalang ni Luigi sa ganoong sitwasyon si Louise kaya nilakasan niya ang kanyang loob at dahan dahang inililis ang suot na t Shirt ni Louise...
Halos hindi makahinga at manginig ang mga kamay ni Luigi ng tumambad sa kanyang harapan ang kabuuan ng dibdib ng dalaga na minsan na niyang nakita sa may salamin lang noon ng kanyang kotse ngunit ngayon ay talagang kitang kita na niya ito ng harapan at hindi niya napigilan ang sarili na mapalunok ng mga sandaling iyon dahil sa mapuputi at makinis na dibdib ng dalaga...
Halos ayaw ng kumurap ang mga mata ni Luigi ngunit maya maya ay parang nahiya siya sa sarili dahil walang kamalay malay ang dalaga sa nangyayaring ito at ayaw niyang baka ito na naman ang pagsimulan nila ng bangayan kaya maingat niyang isinuot ang hinubad niyang damit kay Louise saka muling tahimik na pinagmasdan ang natutulog pang dalaga....
"Louise bakit kailangan mong maging ganyan kung may maipagmamalaki ka naman palang kagandahan"....mahinang bulong ni Luigi saka dinampot nito ang malamig na tubig sa mineral bottle na nakapatong sa mesang maliit...
BINABASA MO ANG
Flames Series 2..Lady in Disguise"LOUISE"By...(completed)...
Romance...by..emzalbino Ang kwentong ito ay hango lamang sa imahinasyon ni ms.Emmz o emzalbino... At kung sakaling may pagkakapareha sa mga pangalan ng ibang kwento ay hindi po sinasadya.. ..salamat po and enjoy reading....
