Chapter 10

6.8K 194 5
                                        

FLAMES SERIES 2

LADY IN DISGUISE

"LOUISE"

BY..EMMZ

CHAPTER 10

Walang imikan ang dalawa na sina Louise at Luigi habang lulan sila ng kotse pabalik ng Maynila...

Gusto sanang iidlip kahit sandali ni Louise para kahit papaano ay maalis ang kanyang ginaw ngunit basang basa naman ang kanyang buhok kaya nakahalukipkip nalang siyang nakaupo....

Samantalang kanina pa napapansin ni Luigi na parang giniginaw ang kanyang kasama dahil halos hindi ito gumagalaw sa kanyang kinauupuan at malas pa naman dahil kung ganitong umuulan ay kay haba haba pa ng trapik sa may Balintawak kaya medyo naiinis na rin si Luigi at maya maya lang ay may nakita siyang isang bake shop kaya agad niyang ihininto ang sasakyan sa tabi at agad na lumabas ito at ng bumalik ay may bitbit na tinapay at dalawang kape...

"Ito inumin mo ang kape na binili ko para mainitan yang sikmura mo at ng mawala narin ang ginaw mo"....wika ni Luigi sabay abot ng kape at tinapay na ensaymada kay Louise...

"Salamat!....tanging sabi ni Louise saka inabot nito ang binigay na kape at tinapay ni Luigi saka unang ininom ang kape at maging si Luigi ay ininom din muna niya ang kanyang kape habang nakaparke ang kotse sa gilid ng daan para maibsan ang lamig na kanilang nararamdaman...

Matapos mainom ang kape at makain ang tinapay ay muli na namang pinaandar ni Luigi ang kanyang kotse hanggang sa makarating na sila sa tapat ng bahay ng tiyo Carding ni Louise....

"Salamat sa paghatid sa akin dito!....sabi ni Louise kay Luigi saka binuksan nito ang kotse...

"Walang anuman!....sagot naman ni Luigi saka muli niyang sinulyapan si Louise...

"Ah lalabhan ko muna itong jacket mo bago ko isuli dahil kahit papaano ay may hiya naman ako kunti!....maya maya ay wika ni Louise ng mapansing nakatingin si Luigi sa kanya...

"Ah it's ok!...tanging wika ni Luigi saka ngumiti ito kay Louise...

Sa pagngiti na iyon ni Luigi ay parang biglang may anong kaba na naramdaman ni Louise sa sarili na hindi niya alam kung bakit kaya dahan dahan siyang bumaba at tahimik na naglakad hanggang sa makapasok ito sa kanilang bahay....

Mula ng lumabas ng kotse at hanggang sa makapasok ng kanilang bahay si Louise ay pinagmasdan siya ni Luigi at parang may kakaibang nadiskubre ang binata sa dalaga....

"Hmm Louise parang may itinatago kang lihim sa iyong pagkatao!,...kasi nakita ko na kung gaano ka katapang kung talagang galit na galit and now ko lang nakita na daig mo pa ang maamong tupa kung tahimik ka at parang kay lalim ng iyong iniisip na para bang iyon ang nagiging dahilan ng pagiging kakaiba mong babae sa mga kalahi ni Eba".....wika ni Luigi sa sarili saka nito pinausad ang kanyang kotse at ng malapit na siya sa kanilang bahay ay saka niya napansin ang damit na hinubad ni Louise na naiwan nito sa may paanan ng upuan nito kanina kaya kinuha ito ni Luigi saka binitbit papasok ng kanilang bahay....

Papalabhan sana ni Luigi ang damit ni Louise sa kanilang katulong ngunit nahihiya naman siya kaya siya nalang ang naglaba nito at habang kinukusot niya ang damit ng dalaga ay biglang pumasok sa isip niya ang hitsura ng dalaga na basang basa ito ng ulan at nakabakat ang basa nitong damit sa kanyang katawan na naging sanhi ng pagkatuklas nito sa itinatagong magandang curves ni Louise at ilang sandali ay muli na naman niyang naalala ang pagkakakita nito ng kahubdan ng dalaga ng ito ay naghihubad ng damit sa loob ng kotse....

Hindi naman niya sinadyang makita nag lahat ngunit ang akala kasi niya ay hindi iyon mangyayari ngunit nagkamali siya at ewan ba niya kung bakit bigla nalang nagkaroon ng reaksiyon ang kanyang katawan,....bigla nalang nag init ang kanyang pakiramdam na para bang sinisilihan ito sa init na kanyang nararamdaman ngunit pilit niyang kinalma ang kanyang sarili dahil akala niya ay normal lang sa kanya bilang lalaki na mag reak ang kanyang katawan sa tuwing makakita ng ganoon..,

Flames Series 2..Lady in Disguise"LOUISE"By...(completed)...Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon