FLAMES SERIES 2
LADY IN DISGUISE
"LOUISE"
BY...EMMZ
CHAPTER 13..,
"Ano ba ang pinagsasabi mo huh Luigi?!...gulat na tanong ni Louise kay Luigi..
"Im not kidding Louise!,..kaya whether you like it or not you don't have any choice!...matatag na wika ni Luigi saka binalingan nito ang baklang tindera..
"Wait lang Luigi!...hindi mo naman kailangang bilhan ako ng damit eh!...pigil na sabi ni Louise kay Luigi...
"Yes sweetie kailangan!,...diba kasasabi ko lang na magiging personal assistant na kita?....ani Luigi kay Louise..
"Pero hindi naman ako sanay na magsuot ng mga bestida eh!...nakakunot ang noong wika ni Louise na para bang hindi mapakali..
"Soon ay matututunan mo rin ang magsuot ng mga bestida and don't worry dahil bibilhan parin naman kita ng pants eh!....saad ni Luigi na ikinasiya ni Louise..
"Talaga!...biglang sabi ni Louise saka nagliwanag ang mukha nito...
"Yap promise!,...but skinny jeans nga lang at mga hugging t shirts and some sleeve shirts para may maisusuot ka pag nasa ganitong lakad naman tayo!....nakangiting turan ni Luigi dahil naisahan niya si Louise at ngayon ay nakasimangot ang dalaga...
"Eh hindi nga ako sanay sa mga hapit na damit ang kulit mo naman eh!...muling giit ni Louise..
"Basta masasanay karin sa pagsusuot ng mga iyan!...saad naman ni Luigi..
"Eh sayang naman yung mga damit ko kung hindi ko susuutin ang mga iyon!...muling wika ni Louise saka napatanga ng makita ang mga pinagdadampot ni Luigi dahil oati short na halos kita na ang kaluluwa ay kumuha ito...
"Wag mo sabihing sa akin ang mga shorts na iyan!!...halos pasigaw na sabi ni Louise na ang mga mata nito ay nanlalaki na kanyang nakita..
"Eh alangan namang ako ang magsusuot nito?...at saka yung mga t shirt mo ay sa akin nalang pero yung mga pantalon mo ay itago mo nalang o kaya ay ipamigay mo dahil hindi iyon kakasya sa akin!...nakangiting turan ni Luigi dahil sa itsura ni Louise..
"Wag mo akong biruin ng ganyan Luigi dahil hindi ako natutuwa!...naiinis na sabi ni Louise saka kinurot nito ang tagiliran ng pinong pino...
"Araaayyy ko!...pigil na daing ni Luigi saka natatawang binigay sa baklang tindera ang lahat ng mga pinili nitong mga damit para kay Louise at ng makitang nakasimangot si Louise ay kinindatan nalang niya ito sabay ngiti ng pagkatamis tamis...
Walang nagawa si Louise sa naging desisyon ni Luigi at maya maya pa ay nilapitan siya ng baklang tindera..
"Mam pwede po bang isukat ninyo ang mga binili ni sir para makita natin kung kakasya sa inyo ang mga ito!...pakiusap ng baklang tindera kay Louise..
"Si..sige!...tanging sagot ni Louise dahil nahihiya naman siyang tanggihan ito dahil may mga iba pang customer ang tinderang bakla kaya nahihiya itong maabala...
Nang maisukat na ang mga ibang damit at ang huling naisukat ni Louise ay ang skinny jeans na faded blue at spaghetti strap na shirt na bulaklakin ng maliliit na pula at kulay blue na may mga ruffles na dekorasyon sa harapan ay hinila siya ng bakla palabas ng dressing room saka agad na tinawag nito si Luigi kaya naman lumapit agad ang binata sa dalawa...
"Sir tingnan mo si mam,..diba bagay na bagay sa kanya ang ganda ganda niya at ang seksi pa niya!...humahangan turan ng baklang tindera saka muli itong umikot palibot kay Louise...
"Yes!,,bagay na bagay sa kanya!...kaylawak ng ngiting sagot ni Luigi at halos hindi na ito kumukurap sa pagkakatingin kay Louise..
Parang naasiwa si Louise sa pagkakatitig ni Luigi sa kanya kaya tatalikod na sana siya para palitan ang kanyang damit ng...
"Sandali saan ka pupunta?...pigil ni Luigi kay Louise..
"Eh di magpapalit na ng damit!...mataray na sagot ni Louise saka inirapan nito si Luigi at muli na naman sana siya hahakbang ng humarang sa kanyang dadaanan si Luigi...
"No!..no!..no!...hindi mo na pwede pang palitan iyang nakasuot na damit saiyo dahil iyan na ang susuotin mo pauwi at palabas ng shopping mall...saad ni Luigi..
"Ang daya mo naman eh!...reklamo ni Louise...
"Bakit mo sinabing madaya ako?...sagot naman ni Luigi..
"Sabi mo kanina kung may lakad lang tayo!...pero bakit ngayon ay ayaw mong papalitan ang suot kong ito!...nakakunot noong sabi ni Louise na nagkakanda haba haba na ang nguso nito..
"Eh bakit ngayon hindi mo ba ako kasama?...diba magkasama naman tayo hmm!...waring nang aasar na sagot ni Luigi sabay kindat..
"Grrrr!...gigil na wika ni Louise at nagdadabog na tinungo nito ang upuan sa may tabi habang hinihintay nito si Luigi na noon ay kinuha nito ang damit ni Louise na isinenyas niya kanina sa baklang tindera kaya walang nagawa ang dalaga sa kagustuhan ni Luigi...
....
Asiwang asiwa si Louise sa kanyang suot kaya naman maya't maya ay hindi mapakali at panay ang banat nito sa kanyang shirt na suot dahil kung yuyuko na siya ay halos kita na ang kanyang kaluluwa...
"Ano ba bakit hindi ka mapakali!...ani Luigi ng makita nito ang itsura ni Louise na nakasimangot...
"Tingnan mo naman kasi ang suot ko!..parang gusto mo na akong ipa rape nito dahil halos kita na ang kaluluwa ko!...reklamo ni Louise..
"Walang owedeng gumalaw saiyo dahil kasama mo ako kaya kalmado ka lang at saka kayang kaya mo ang sino mang magtatangkang mambastos sayo diba?...natatawang sagot ni Luigi...
"Haaahh kaasar ka talaga Luigiii!...timping turan ni Louise saka tinitigan nito ng napakatalim na irap si Luigi...
"Hello miss!,..hinding hindi mo ako madadala sa mga killer looks mo na iyan dahol ngayon ay kabisado na kita kaya sumunod ka na lang sa gusto ko dahil wala namang masama sa pinaggagawa ko saiyo instead i making a favor para saiyo,..see your transformation?...you looks good and you are so beautiful!,..nakangiting turan ni Luigi..
"Hmp tara na nga at dahil sa ginawa mo g ito sa akin ay ililibre mo ako ng ice cream!...ani Louise sabay hila nito sa braso ni luigi kaya hibdi na ito nakatanggi pa...
Bumili si Luigi ng tig isa sila ni Louise at vanilla flavor na nasa maliit na tub ang pinili ni Louise at ang kay Luigi naman ay mocha flavor...
Isusubo na sana ni Louise sa bunganga nito ang nasa kutsara niya ng hatakin ni Luigi ang kamay nito at isinubo sa kanyang bunganga ang kutsara na may vanilla flavor..
"Ay ang daya mo kinain mo ang ice cream ko!...parang batang reklamo ni Louise..
"No problem papalitan ko!.o ayan buka ko bibig mo at susubuan pa kita at bilisan mo dahil baka matunaw na at malaglag pa sa damit mo itong ice cream!...saad ni Luigi kaya ibinuka nga ni Louise ang bibig nito kaya naisubo ni Luigi ang kutsarang may ice cream kay Louise..
"Hmm parang mas masarap iyang ice cream mo!..pahingi pa ako!...sabi ni Louise saka idadakot sana niya ang hawak nitong kutsara sa may ice cream ni Luigi ng pigilan siya ni Luigi...
"Subuan nalang kita baka may virus iyang kutsara mo ha ha ha!...natatawang biro ni Luigi saka idinakot ang sariling kutsara at isinubo kay Louise..
"Ah ganon ah may virus ang kutsara ko huh!..ani Louise kaya pinanay panay nito ang pagpapasubo ng ice cream kay Luigi hanggang sa maubos nito ang ice cream ni Luigi saka tumakbo ito sa isang tabi saka dali daling inubos ang sarili niyang ice cream at ng lumapit sa kanya si Luigi ay naubos na nito at agad niyang itinapon sa basurahan ang basyo ng ice cream tub..
"Inubusan mo ako!,..ang takaw takaw mo eh ang payat payat mo naman!...wika ni Luigi saka pinisil nito ang ilong ni Louise..
"At least cute naman!...may pagmamalaking biro ni Louise saka punamewangan nito si Luigi...
"Absolutely gorgeous!..nakangiting sang ayon ni Luigi saka wala sa sarili na niyakap nito si Louise kaya sa gulat ay napapitlag si Louise...
ITUTULOY!!...
BINABASA MO ANG
Flames Series 2..Lady in Disguise"LOUISE"By...(completed)...
Romantik...by..emzalbino Ang kwentong ito ay hango lamang sa imahinasyon ni ms.Emmz o emzalbino... At kung sakaling may pagkakapareha sa mga pangalan ng ibang kwento ay hindi po sinasadya.. ..salamat po and enjoy reading....
