Chapter 19

6.5K 193 3
                                        

FLAMES SERIES 2

LADY IN DISGUISE

"LOUISE"

By...emzalbino..

Chapter 19

Parang nais balikan ni Luigi si Louise upang maipaliwanag niya ang kanyang damdamin ngunit sa tuwing kaharap nito ang dalaga ay parang nauumid ang kanyang dila...

"Hindi ko alam kung ano ang nangyayaring ito sa akin!,..bakit sa tuwing kasama ko siya ay natuturete ako na hindi ko masabi ang gusto kong sabihin sa kanya!?...At ang nangyaring ito sa amin ay alam ng Diyos Na hindi lang init ng katawan ang nangyaring iyon,..ang maiinit naming yakap at haplos sa bawat isa't isa ay para na akong mababaliw at nais kong lagi ko siyang kasama,...oh Diyos ko give me more strength and confidence to tell everything to her!...naguguluhang samo ni Luigi saka tuluyan na niyang pinaharurot ang kanyang kotse..

Pagkauwi ng bahay ay tulog na ang lahat dahil mag aalauna ng umaga,...Agad na dumiretso ng banyo si Luigi upang magbabad sa bath tub at maalinsangan ang kanyang pakiramdam,...ipinikit niya ang kanyang mga mata upang namnamin ang lamig ng tubig ngunit ng pagpikit niya ay ang mukha ni Louise na nakangiti ang lumitaw sa kanyang balintataw kaya naman mas lalo pang nadagdagan ang pagkabalisa niya hanggang sa umahon nalang siya sa tub at deritsong nagbanlaw saka pumasok sa kanyang kwarto...

Puro tilaok na ng manok ang naririnig sa paligid ngunit dilat parin ang mga mata ni Luigi kaya kinuha niya ang isang bote ng Whisky at sinalinan nito ang baso saka dahan dahang sinimsim at ng magtagal ay hindi niya namalayan na halos kalahati na ang kanyang naubos at ilang sandali lang ay iginupo na siya ng antok....

...,..

Tinanghali ng gising si Louise dahil pasado alas dos na ng makatulog siya kagabi kaya dahan dahan siyang nag inat at pakiramdam niya ay parang ta trangkasuhin siya sa sakit ng kanyang katawan lalo na ang kanyang balakang at ng pinilit niya ang tumayo ay parang may kung anong kirot na naramdaman siya sa kanyang pagkababae at maya maya lang ay nakagat niya ang kanyang labi ng maalala ang nangyari kagabi sa kanila ni Luigi...

Ang isang mainit na tagpo kung saan ay isinuko niya ang kanyang iniingatang dangal sa lalaking sa una ay itinuri g niyang kaaway ngunit ng maglaon ay nagkaroon ng pitak sa kanyang puso kaya ng namayani ang kapusukan sa kanilang dalawa ay ni hindi niya nalabanan pa dahil tinalo ng kanyang puso ang isip nito at wala na siyang maisip na tama dahil ang akala lang niya ay tama lahat ang mga nararamadaman niyang pagsuyo mula kay Luigi ng mga sandaling iyon ngunit parang nawalan siya ng pag asa ng pagkatapos ng nangyari sa kanila ay humingi ito ng sorry,...

"Luigi kung alam mo lang na hindi ko ginustong mahalin ka ngunit hindi ko kayang turuan ang aking puso kaya sa tuwing hinahagkan mo ako ay nawawalan ako ng kontrol sa aking sarili dahil sa pagmamahal ko sayo at naisuko ko sayo ang aking sarili kahit na hindi dapat dahil mahal na mahal kita ngunit hindi iyon rason para ibilanggo kita sa isang relasyono na ni minsan ay hindi mo hinangad!..,lumuluhang bulong ni Louise sa sarili at napatigil siya sa pagmumuni muni ng biglang may kumatok sa kanyang kwarto..

"Go...good morning ate Beth!...matamlay na bati ni Louise sa pinsan..

"Good morning din!..,hindi ka ba papasok eh tanghali na ah!...alalang sabi ni Beth sa pinsan..

"Hindi po ate dahil masama ang aking pakiramdam pakisabi nalang kay Luigi kung sakaling makita mo dahil ansakit ng aking katawan at pati balakang ko!...ani Louise sabay daing ng kanyang nararamdaman..

"Ah ok kung ganoon sige mauuna na ako at marami pa akong trabaho sa opisina!...paalam na wika ni Beth saka agad na tumalima at naiwang mag isa si Louise at saka i umpisahan nito ang pagliligpit sa bahay at ng matapos ay saka muling bumalik ng kanyang kwarto at doin muling nahiga hanggang sa muling makatulog ito...

Flames Series 2..Lady in Disguise"LOUISE"By...(completed)...Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon