Chapter 12

6.4K 202 4
                                    

FLAMES SERIES 2

LADY IN DISGUISE

"LOUISE"

BY EMMZ

CHAPTER 12

Dahil sa ipinakitang sobrang pagmamalasakit ni Luigi kay Louise ay siyang naging daan upang mapalapit ang kalooban ng dalaga sa lalaki..

Naging mas malapit na ang dalawa at hindi na kagaya ng dati ang turingan nila,...ngayon ay para ng tunay na magkaibigan at lahat ng lakad ni Luigi ay kasa kasama nito si Louise kahit mga importanteng meeting ay kasama niya ang dalaga dahil parang mas komportable siya at kung minsan naman kung alam ni Louise na busy si Luigi at dinadalhan niya ito ng pagkain saka sila mag sasalo sa opisina nito...

"Wow ang sarap ng pagkakaluto mo ng chicken curry!...puri ni Luigi habang panay ang subo nito..

"Gusto mo pa?...tanong ni Louise sabay sandok ng ulam sa pinggan ni Luigi...

"Tataba ako nito kung lagi mo akong ipagluluto ng masasarap na ulam!...nakangiting turan ni Luigi habang kumakain..

"Eh di sabayan mo ng pag ge gym!...sagot naman ni Louise..

"Mamayang gabi mag ge gym ako para hindi ako lulubo at keep me fit"...nakangiting saad ni Luigi sabay tingin kay Louise at nagtama ang kanilang mga mata...

"Yabang mo!...masyado kang bilib sa sarili mo porke pinipilahan ka ng mga girls!,..ano kaya at ibuking kita sa kanila na kay takaw mong kumain hi hi hi!....humahagikgik na wika ni Louise...

"Eh di subukan mo ng pagbabatuhin ko naman lahat ng mga manliligaw mo!...ganting biro ni Luigi kay Louise,..kahit parang lalaki kung manamit si Louise ay may mga kalalakihan paring humahanga sa dakaga ngunit sadyang hindi niya pinapansin ang mga ito o kung minsan ay sinasabihan niyang "hindi sila talo"...

"Eh kahit sabihan mo naman sila ng ganoon ay walang effect naman sa akin dahil wala sa isip ko ang mga bagay bagay na iyan!,..nakaingos na sagot ni Louise..

"Hmm Louise!,..tanong ko lang huh?,..ani Luigi..

"Ano iyon?..,.Agad na tanong ni Louise kay Luigi..

"Wala ka pa ba talagang naging nobyo?...naninigurong tanong ni Luigi..

"Wala!...mabilis na sagot ni Louise sabay taas ng isa nitong kilay...

"Huh!...wala!,..as in wala talaga?!...hindi makapaniwalang tanong ni Luigi..

"Oo nga eh,..ang kulit mo!..kunot noong wika ni Louise saka niligpit niya ang kinainan nila ni Luigi at dinala sa may banyo upang hugasan at ng makabalik ay muling naupo ito at muling nilapitan siya ni Luigi..

"Eh bakit hindi ka man lang nagka nobyo?...maganda ka naman sadyang parang lalaki ka lang kung kumilos at manamit but you still a girl!,..a beautiful girl that any man will gonna wish to be their girl friend!...muling saad ni Luigi saka tinitigang mabuti ang kabuuan ng mukha ni Louise...

"Alam mo Luigi nakakain ka lang chicken curry na luto ko ay kung anu ano na ang pinagsasabi mo!,..hoy lalaki walang gayuma iyon kaya wag mo akong titigan ng ganyan baka mabatukan na kita niyan eh!....mataray na sabi ni Louise saka pinitik nito ng mahina ang tuktok ng ilong ni Luigi kaya naman hinuli ni Luigi ang kamay nito at pabirong inilapit nito ang mukha sa mukha ni Louise na nakapormal ang mukha at ng makitang parang naalarma ang dalaga ay saka pinakawalan nito at sabay tawa ng malakas...

"Ha ha ha!,...pulang pula ang ale ha ha ha!....halos sumakit ang tiyan ni Luigi sa katatawa dahil sa reaksiyon ni Louise sa biro nito sa kanya..

"Walang hiya ka sutil ka talaga!...ani Louise saka kinurot nito ang tagiliran ni Luigi at nagtatakbong palabas ng opisina ni Luigi...

"Aray kooo!!!....daing ni Luigi sa sakit na naramdaman..

"Bleeeeehhh!!..buti nga sayooo!....pahabol na sabi ni Louise saka malalaki ang hakbang na nilisan ang opisina ni Luigi...

"Ah ganon huh!...sagot ni Luigi saka bigla nitong hinabol si Louise at ng makitang humahabol si Luigi ay mabilis naman siyang tumakbo ngunit sadyang mas mabilis si Luigi kaya naabutan niya ito...

"Huli kaaa!!...halos pasigaw na turan ni Luigi ng mahuli nito si Louise...

"Aayyy!!...tili ni Louise sa pagkagulat nito at nagulat na lamang ang dalaga ng bigla nalang siyang buhatin ni Luigi at parang batang isinampa siya sa balikat nito...

"Luigi ano ba ibaba mo nga ako!...protesta ni Louise...

"Ayaw ko nga!,..bakit mo kasi ako kinurot"....sagot ni Luigi at habang karga karga niya sa kanyang balikat si Louise...

"Ibaba mo ako dahil mabigat ako!...andaming taong nakakakita sa atin baka kung ano ang sabihin nila!...alalang sabi ni Louise para lang ibaba siya ni Luigi...

"Anong mabigat ka diyan!?...para ka ngang papel sa gaan eh!,..and i don't care what people may say hmmm"....tanging sagot ni Luigi saka ipinasok pabalik sa opisina niya si Louise ngunit imbis na sa may silya niya ibababa ang dalaga ay sa ibabaw ng mesa niya ibinaba ito saka nakatayo paharap na nakaharang kay Louise na ang mga hita noon ni Louise ay magkahiwalay dahil nasa pagitan ng mga iyon nakatayo si Luigi...

"Sa susunod na gawin mo iyon bubuhatin kita ng patiwarik at irarampa kita sa buong building,..maliwanag!....banta ni Luigi kay Louise na ang mga kamay nito ay nakahawak sa magkabilang pisngi ng dalaga at halos kalahating dangkal na lang ang pagitan ng mga mukha nila...

"O..oo nah!...halos pautal na sagot ni Louise dahil sa hitsura nila ni Luigi ng mga oras na iyon ay parang nagbigay sa kanya ng kakaibang reaksiyon sa kanyang katawan lalo pa at nakatitig sa kanya ang binata at halos nakadikit na ang dibdib ni Luigi sa kanya tapos sabayan pa nito ng amoy ng kanyang pabango na para bang nagpapatakam sa kanya kaya bigla nalang pumasok ang malisya sa isip nito at ng mapatingin siya sa mamula mulang labi ng binatang kaharap ay biglang namula ang mukha nito dahil naalala niya noong halikan siya ni Luigi ng minsang nag away sila noon....

Biglang binitawan ni Luigi si Louise saka inalalayang bumaba ito dahil sa kanyang ginawa ay bigla nalang nanikip ang kanyang dibdib na parang nahihirapan siyang huminga at dahil sa kanyang ginawa ay muntik na siyang mawalan ng kontrol sa sarili dahil bigla nalang uminit ang kanyang pakiramdam kaya naman agad niyang tinungo ang kanyang oersonal ref sa loob ng kanyang opisina saka kumuha ng malamig na tubig....

Linggo....

Matapos magsimba nila Louise at Luigi ay nagyaya si Luigi na mag mall shopping..

"Hmm bakit dito tayo nagpunta bibilhan mo ba ng damit si tita Marie?...tanong ni Louise kay Luigi habang tinitingnan nito ang mga naka display na mga damit eh puro pan dalaga naman ang mga naroroon..

"Nope!..not for mommy!...sagot ni Luigi saka hinila nito si Louise papasok sa shop...

"Eh para kanino?...muling tanong ni Louise..

"For you!,..because you need to wear a proper clothes that suit for a girl like yours because from now on you will be my personal assistant and not a driver anymore so where ever i may go you always be with me and that's why i have to buy you a clothes to wear and just keep those clothes that hides your personality!....tahasang sagot ni Luigi..

"Huh!...gulat at hindi makapaniwalang bulalas ni Louise...

ITUTULOY!!!..

Flames Series 2..Lady in Disguise"LOUISE"By...(completed)...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon