FLAMES SERIES 2
LADY IN DISGUISE
"LOUISE"
BY...EMMZ
CHAPTER 17...
Parang gustong habulin ni Luigi si Louise ng makaalis na sila ni Arnel...Kalahating minuto palang silang nakakaalis ay panay text na nito sa dalaga ngunit hindi naman sinasagot ni Louise ang kanyang mga messages kaya mas lalong uminit ng lalo ang kanyang ulo...
"Dammnn!!...bakit hindi man niya sagutin ang mga text ko sa kanya!...gigil na wika ni Luigi sa sarili saka pabalibag niyang ipinatong ang mga hawak na papeles sa ibabaw ng mesa saka muli na naman niyang tiningnan ang kanyang cell phone ngunit talagang wala pang sagot si Louise sa mga text nito..
"What are they doing!....saan na dinala ni Arnel si Louise at hindi nito nirereplayan ang mga messages ko!!...buntong hininga ni Luigi saka tinungo nito ang personal fridge sa kanyang opisina saka kumuha ng beer in can at inilang lagok nito ang isang can beer...
Nang maubos nito ang unang beer in can ay muli itong kumuha sa ref at saka muli na naman niyang tinungga ng halos parang tubig lang at ng maubos nito ay saka ibinato nito ang basyong lata ng beer sa basurahan at ng mahagilap ng kanyang mata ang bulaklak na binigay ni Arnel kay Louise na iniwan lang ni Louise sa kabilang mesa ay agad niya itong dinampot saka walang alinlangang ibinalibag sa basurahan...
"I don't want to see those things here!,it's makes my office si messy!...ani Luigi saka kaylalalum ng buntong hiningang naupo sa kanyang swivel hair at ng hindi nagtagal ay muli na naman niyang tiningnan ang kanyang cell phone at talagang walang text back si Louise...
"Aaahhh Louise you're so rude!!!....napatingalang saad ni Luigi habang hawak hawak nito ang kanyang Sintido..
...,
Samantala kanina pa nagvi vibrate ang cell phone ni Louise ngunit hindi nito pinapansin dahil nahihiya siya sa maaaring sabihin sa kanya ni Arnel..
Pasimple niyang tiningnan ang kanyang cellphone at si Luigi pala galing ang mga text measages na mahigit sampo at lahat ng nakasaad doon ay tinatanong kung nasaan na siya at kung ano ang kanyang ginagawa kaya parang nakaramdam ng kaba si Louise kaya nilakasan niya ang kanyang loob para pansamantalang magpunta ng c.r.
"Ah Arnel pwede bang iwan muna kita rito dahil kailangan ko lang na magpunta ng cr!....ani Louise sa kasamang si Arnel...
"Yeeah sure!....agad na sagot ng nakangiting si Arnel kaya nagmamadaling umalis papuntang c.r. Si Louise...
"Ano ba kaya ang sasabihin ng taong iyon at kanina pa text ng text at tinatanong kung ano ang ginagawa ako at saan ako naroroon!,...hmp kung nobyo ko pang siya baka isipin kong nagseselos kay Arnel eh!....nangingiting wika ni Louise sa sarili at ng makarating ng toilet ay saka nito kinuha ang kanyang cellphone at ida dial na sana niya ang number ni Luigi ng bigla itong tumunog at agad na sinagot ni Louise dahil galing na naman ito kay Luigi...
"He.hello Luigi!.....alinlangang bati ni Louise sa binata sa kabilang linya...
"How dare you Louise!,...kanina pa kita tinatawagan at tinetext at ni hindi ka man lang nagre reply o sagutin ang tawag ko!,..why saan na ba kayo naroroon ni Arnel huh?!...ano ang ginagawa ninyong dalawa?....,galit na turan ni Luigi kay Louise...
"Andito kami sa restaurant at kumakain pa lang kami,....bakit may importante bang gagawin diyan sa opisina?....balik tanong ni Louise kay Luigi ngunit nasa boses nito ang pag aalala dahil nahihimigan niyang galit ang binata...
"Yes!,..we have many things to do but ng makita mo na si Arnel ay bigla ka na lang sumama sa kanya na kahit na tambak ang aking gawain dito ay iniwan mo akong mag isa ni hindi mo man lang inalala kung ano ang kakainin ko for dinner samantalang ikaw ay nakikipag date sa iba at ako ay heto nakatunganga sa mga papeles sa aking harapan na kumakalam ang sikmura!....pabulyaw na sabi ni Luigi saka kay lalalim ng buntong hininga dahil sa galit na pilit niyang tinitimpi...
BINABASA MO ANG
Flames Series 2..Lady in Disguise"LOUISE"By...(completed)...
Romansa...by..emzalbino Ang kwentong ito ay hango lamang sa imahinasyon ni ms.Emmz o emzalbino... At kung sakaling may pagkakapareha sa mga pangalan ng ibang kwento ay hindi po sinasadya.. ..salamat po and enjoy reading....