FLAMES SERIES 2
LADY IN DISGUISE
"LOUISE"
BY...EMMZ
CHAPTER 7.....
Dahil sa galit ni Louise ay hindi niya nakontrol ang sarili at lumanding ang cake niyang kinakain sa mukha ni Luigi ngunit nang maglaon ay saka lang niya naramdaman ang pagkapahiya sa kanyang ginawa kaya yuko ang ulong naupo siya sa kanyang upuan..
"Pasensiya na po kayo hindi ko po nakontrol ang galit ko na kinimkim simula ng una palang naming magkita ng mayabang na lalaking iyan".....ani Louise sa mababang tono nito...
"Walang anuman iha pero sana ay magbati na kayo ni Luigi dahil walang patutunguhan ang bangayan ninyong ito sa isa't isa!....sagot ni Marie sa dalagang si Louise...
"Oo nga naman Louise total alam mo ng apo si Luigi pero hindi ibig sabihin niyon ay may kinakampihan ako sa inyong dalawa kundi nais ko lang na matapos na ang giyera sa pagitan ninyo at kalimutan ang galit sa isa't isa!...saad naman ni don Carlos
"Well sa totoong may punto ang aking asawa at si papa kaya sana ay wag na ni yong palalain pa ang sigalot sa pagitan ninyo ni Luigi dahil malalaki na kayo at sa totoong iha nakikita ko sa hitsura mo na maganda kang dilag kung babaguhin mo ang istilo mo ng pananamit,...mas may ibubuga ka pa sa mga babaeng nagkakandarapa kay Luigi kung talagang aayusin mo ang iyong sarili at hindi mo itinatago sa loob ng lawlaw mong damit!...maya maya ay turan ni Leandro ng hindi nito mapigil ang sarili dahil sa nakikita niyang hitsura ng dalaga na kahit wala sa ayos ang sarili ay nakikita niya sa aura ng mukha ng dalagang kaharap na maganda ito at dangan lamang na hindi ito maayos tingnan na gaya ng ibang mga dalaga na nakapustura....
"Salamat po sa papuri ninyo pero hindi na po kailangan at saka ayaw ko pong magpapansin sa mga lalaki dahil ayaw ko pong maranasan ang nangyari noon sa aking inay!...tanging sagot ni Louise saka yumuko ito...
"Ah ganun ba iha!..bakit ano bang nangyari sa iyong inay?...takang tanong ni Marie kay Louise..
"Sanggol palang daw akong mamatay ang aking ina sa isang karamdaman at ayon sa aking tiyuhin na nagpalaki sa akin at siyang itinuring kong ama ay tinakbuhan daw si inay ng lalaking nakabuntis sa kanya ng malamang nagdadalantao siya sa akin si inay kaya mag isang iginapang ako ng aking ina hanggang sa pumanaw ito na hindi ko man lang nasisilayan ang kanyang mukha at tanging sa larawan ko nalang nakita ang kanyang hitsura"...malungkot at halos maiyak iyak na kwento ni Louise...
"Ah ganon pala ang nangyari sa iyong inay at ikinalulungkot ko ang nangyaring iyon sa iyong inay pero hindi mo kailangang baguhin ang iyong sariling pagkatao Louise para lang sa nakaraan ng iyong inay!...wika ni Marie sa dalaga...
"Mas maganda na pong ganito para makaiwas sa anumang gulo o sa mga taong mapagsamantala!...saad ni Louise na noon ay saktong napatingin sa may pinto at nakita niyang nakatitig sa kanya si Luigi na ang mga mata nito ay parang gusto siyang lamunin sa galit nito ngunit tinaasan lang niya ng kilay ang binata na siyang mas nagpainit na naman ng ulo nito...
"Walang hiya talaga ang babaeng ito at wala man lang kinakatakutan hmp!...inis na wika ni Luigi sa isip nito saka dali daling nagtungo ng kanyang kwarto ng walang paalam sa mga nasa hapag kainan...
.....
Matapos mapermahan ni don Carlos at makausap ang kanyang anak na si Leandro ay niyaya na niyang umuwi si Louise at nagpahatid nalang kay Louise sa kanilang mansiyon at dahil sa alam niyang pagod na rin ang kasama niyang alanganing dalaga ay hindi na niya ito niyaya pang pumasok sa bahay para makauwi na ito at makapagpahinga dahil kinabukasan ay may lakad ulit sila ni Louise at medyo malayo layo ang kanilang pupuntahan dahil sa Bulacan ang kanilang destinasyon upang kausapin ang isa niyang ka business partner na nais na magbenta ng share nito sa kanilang ko panya dahil magma migrate na dawy sa Canada ang pamilya ng taong iyon.....
BINABASA MO ANG
Flames Series 2..Lady in Disguise"LOUISE"By...(completed)...
Romance...by..emzalbino Ang kwentong ito ay hango lamang sa imahinasyon ni ms.Emmz o emzalbino... At kung sakaling may pagkakapareha sa mga pangalan ng ibang kwento ay hindi po sinasadya.. ..salamat po and enjoy reading....
