"Ma, Pa, andito na si Pear." sigaw ni ate nang makita akong pababa sa tricycle. Kinawayan ko sila.
"Pear! Anak!" si mama. Dali-dali siyang tumakbo para mayakap ako. Niyakap ko rin siya nang mahigpit na parang huling yakap na namin iyon. Nanlambot bigla ang puso ko sa isipin na iyon pero pinigilan ko pa ring umiyak.
"Kumusta na anak?"
"Okay lang po, ma"
"Halika na at pumasok ka muna." Yaya niya sa akin habang nakakawit pa rin ang braso sa braso ko. "Prestine, kunin mo muna ang tsinelas na panloob ng kapatid mo." utas niya may ate.
"Kumusta ang byahe mo 'nak?"
"Ok lang ma, 'to naman parang di na nasanay. Haha"
"Bunso oh ang tsinelas at malamig ang sahig." si ate Prestine.
"San ang kuya Prey, ma?" tanong ko.
"Nasa bundok nga at kasama ang papa mo. Nagsisibak na ng kahoy para bukas."
Family Reunion na namin sa isang araw at darating lahat ng aming pamilya syempre di maabsent si Tito Kiko.
"ATE PEARRRRRRR!" sigaw na ang aking pinsan na si Mandy, may pagtalon pa sabay yakap sa akin. "Namiss kita ate." Pinitik ko lang ng bahagya ang kaniyang nuo. "Namiss rin kita, baby."
"Tabi tayo mamayang gabi ah. Ayaw kong katabi si Ate Tine kasi lagi siyang umuutot kapag gabi." Napatawa naman ako sa sinabi niya. "Opo, sige na po."
"Hay naku Mandy." singit ni ate Tine. "Pear, okay na kwarto mo. Pinalitan na rin ni mama ang mga kobre at punda noong isang araw pa Haha. Excited sa pag-uwi ng bunso niyang mabantot."
"Ateeeeeee!"
"Basta ate Pear, tabi tayo." inirapan pa ni Mandy si Ate Tine.
Nagtungo ako agad sa kwarto ko. Namiss ko ito, grabe.
Pagbukas na pagbukas ko ay malilinis na malinis na nga ito. Pati ang mga beddings, kurtina, at basahan sa sahig. Napaupo ako sa dulo ng aking kama at pinasadahan ng haplos ng aking kamay ang mga ito.Tumulo na lang bigla ang aking luha.
"Mama, sorry."
Napatayo ako at naglakad patungo sa mga larawan sa dingding. Mapait akong napangiti. Mamimiss ko ito. Mamimiss ko sila. Lalong nagpabigat sa dibdib ko ang mga tawanan na naririnig ko sa labas ng pinto. Walang makakapigil ng aking pag-iyak dahil magmaka-awa man ako sa kanila na huwag akong palayasin ay hindi nila iyon gagawin. This 5 days will be the last 5 fives here. And i know for sure, the moment they ask me to leave that would be the last time I will see them all. Might as well sulitan ang nalalabi kong araw.
Sumapit ang hapunan at kagaya ng nakaugalian, sa labas ng bahay kami kumakain. Hindi rin naman kami kasya sa lamesa sa loob ng bahay dahil sa laki ng pamilya namin. Maraming pagkain sa mesa kaya madali akong makakapili ng pagkaing gusto ng panlasa ko. Para hindi sila magtaka why I'm acting wierd sa pagkain. Nasanay sila na halos hindi na matalunan ng pusa ang pagkain sa plato ko pero ngayon nakakapagtaka nga naman para sa part nila.
"Nak oh, paborito mo ito diba, adobong pusit." agad akong nilagyan ni mama sa plato ng pusit. Hindi ako makatanggi kasi alam niya na paborito ko iyon. Ngunit nagtataka na lang ako kung bakit sa lahat ng pagkain na nasa hapag ay yung pusit pa ang ayaw kong tingnan at naiisip ko pa lang na isusubo ay nasusuka na ako.
Pilit kong nginuya at lunukin ang pusit pero ayaw talaga. Pinaspasan ko ang pagkain at nagpaalam na mag-c-cr muna. Pagkadating na pagkadating ko pa lang sa inidoro ay agad kong inilabas ang naipong asim sa tiyan ko. Shit. Kailangan kong mag-ingat.
BINABASA MO ANG
Be My Mistake
General FictionPaano nga ba masusukat ang pagiging mabuting anak? Parisein Jinri didn't expect na in just one night and one question ay magbabago ang lahat- ang pagiging mabuti niyang anak sa paningin ng magulang at pamilya. Hindi nga ba niya inaasahan ang lahat...