From: Isabel
Parisein, pinadala ko na kay Kakai yung milk, vitamins, at prutas para KAY BABY. Ingat ka always iloveyou and HAPPY BIRTHDAY!
From: Iona
Baby, daan ako there later ah. Happy Birthday! Iloveyousomuchhh!
Nireplyan ko na lang ang dalawa at itinuloy ang pagtutupi ng bagong labang damit. Since, medyo nahihirapan na rin akong kumilos pinayuhan ako ni Mam Chin na huwag na munang gumawa ng mabibigat na trabaho kaya tanging pagtutupi na lang ng damit ang nagagawa ko.
Sa mga nakaraang araw ay naging maayus naman ang lahat dahil hindi na gaanong naglalasing si Rigor. Siguro ay pumayag na sa break-up ang nobya niya. Pero masungit pa rin siya sa akin kapag nagkakasalubong kami sa hallway ng bahay o sa kahit saan. Pero nakikita at nahuhuli ko naman siyang nasulyap sa kagandahan ko at mabilis din naman inaalis.
Adik ba siya?
Hindi ko naman siya masisisi kasi nakakaadik naman talaga ang kagandahan ko.
"Pear, kumusta naman si baby?" si Iona. Narito siya ngayon para guluhin ang buhay ko.
"Ayus naman kami." Sabi ko
"Hindi ka naman nahihirapan? Kasi yung ate ko nung buntis siya sobrang selan niya sa lahat. Pero ewan ko lang feeling ko nag-iinarte lang iyon."
"Hindi naman, siguro kapag malapit na siyang lumabas saka magiging mahirap para sa akin."
Wala naman kaming gaanong pinag-usapan dahil nangamusta lang siya. Dadalawa na lang daw ulit siya next week para sa check up namin.
Kinahapunan.
Bitbit ko ang mga bagong labang damit para ilagay sa mga cabinet nina Mam Chin sa kani-kanilang silid at para mapalitan na rin ang mga sheet ng kama.
Pakanta-kanta pa ako habang pa-akyat sa hagdan dahil maganda ang mood ko ngayon. Paano ba naman ibinigay sa akin ni Iona ang luma niyang IphoneX na matagal ko nang inaasam bilang regalo niya sa akin. Bumili kasi siyang bagong iphone, yun bang bagong labas na unit.
Magse-selfie ako ng marami dahil tunay na napakaganda ng camera ng selpon na iyon at bagay na bagay sa napakaganda kong mukha. Char.
Kailangan ko na rin sigurong gumawa ng bagong accounts sa social media. Kaya kabahan ka na Lalisa Manabon.
Amfeeeee
"What's your problem with Pear, anak?"
Napatigil ako ng marinig ko si Mam Chin mula sa isang silid na may kausap. Minabuti kong huwag gumawa ng ingay upang hindi nila malaman na nasa likod lang ako ng pinto.
"I just don't like her mom."
That's when I knew it was Rigor she was having a talk with.
"I can't just fire her dahil ayaw mo sa kaniya. Walang kwenta ang rason mo."
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa mga naririnig ko.
Ganun na lang ba niya talaga kaayaw sa akin at gusto na niya akong umalis sa pamamahay nila?Hindi naman siguro dahil sa pagtulong ko sa kaniya tuwing lasing siya dahil napakawalang kwenta ng rason na iyon.
"And she's pregnant son. Wala siyang tutuluyan."
"And that's the point here mom, She's pregnant!"
"She's freaking pregnant at anong gusto niyo ma? Kupkupin siya sa pamamahay na ito?"
Napasandal ako sa dingding dahil nahihirapan na akong huminga. Napaka-emosyonal ko pa naman kapag ako'y pinag-uusapan at masasama pa ang sinasabi tungkol sa akin. Feeling ko napakawala kong kwentang tao kahit ginagawa ko naman ang lahat para hindi ako makarinig ng kahit ano mula sa kahit kanino at lalong lalo na kay Rigor.
Hindi pa rin pala sapat.
"Ano bang sinasabi mo? I keep her here as a maid at hindi lang basta tumira ng libre sa pamamahay na ito."
"No mom. Ginawa ninyong orphanage ang bahay na ito for some girl like her na lumandi ng maaga at nagpabuntis at humihingi ng awa sa inyo!"
"Watch your words Rigor!"
"What now mom? Ano bang gayuma ang pinainom sa inyo ng pulubing yun ma?"
"Hindi ako natutuwa sa pananalita mo Rigor! Hindi kita pinalaking ganiyan!"
"Basta, I want her out of this house!"
Hindi ko naman inasahan na ganun pala ang tingin niya sa akin. Isang palamunin, malanding babaeng gusto lamang ng awa at atensiyon.
Wala akong ginagawang masama para kamuhian niya ako ng ganun. Wala akong makitang dahilan para sabihin niya ako ng masasakit na salita na iyon.
Tama nga naman siya na malandi ako kaya mabuntis ng maaga. Isa nga naman akong pulubing nanlilinlang ng iba para lang mabuhay. Tama nga naman siya sa lahat.
Hindi ko na kaya pang makinig. Masakit sa tainga lalo na sa puso ang mga narinig ko. Sapat na iyong dahilan para makalaya si Rigor sa galit na nararamdaman niya sa akin. Kung kinakailangan ay lilisanin ko ang bahay na ito para sa ikaliligaya niya.
Dahil sa pagmamadali ay iniwan ko na lang ang basket ng mga damit sa sahig. Bahala na iyon doon! Wala na akong pakealam!
Kailangan ko na lamang umalis sa bahay na ito. Iyon ang unang bagay na dapat kong gawin para makahinga na siya ng maluwag. I need some air to breathe in too. I need some space kasi para akong nasisikipan sa paligid ko at hindi ako makahinga.
Sobrang labo na ng paningin ko kaya dinahan-dahan ko ang pagbaba ng hagdan. Pero ganun na lamang ang aking gulat ng biglang may humigit sa buhok ko kaya naman napaupo ako sa hagdan at higit-higit ng kung sinong kurimaw na babae ang aking bahok.
"MALANDI KA!"
"ARAYYYY!" sigaw ko dahil sobrang sakit talaga ng sabunot niya na sinabayan pa niya ng paghigit sa akin sa hagdan.
"ANO BANG PROBLEMA MO!" sigaw ko
"Ikaw ang probelma ko! Bitch!"
Sino ba ito?
"INAGAW MO SA AKIN SI RIGOR! MALANDI KA!"
"WALA AKONG INAAGAW SA'YO! ISAKSAK MO SA BAGA MO YANG RIGOR NA YAN!"
"MALANDI KAAAA! INAHAS MO SIYA SA AKIN KAYA GUSTO NA NIYANG MAKIPAGHIWALAY!" Patuloy pa rin ang paghigit niya sa buhok ko. "AT TALAGANG NAGPABUNTIS KA PA! SOBRANG KATI MO TALAGA!"
"ARAYYYY TAMA NA!"
Halos mamatay ako sa kaba nang bigla siyang sumampa sa tiyan ko at diniinan pa niya ang pagdagan.
"I HAVE TO GET RID OF YOUR BABY BAGO KA PA MAGTAGUMPAY SA PANG-AAHAS MO SA BOYFRIEND KO!"
Palahaw na ang ginawa ko para marinig ako ng ibang tao sa bahay para sumaklolo dahil sa sobrang sakit na hatid ng pagdamba niya sa tiyan ko. Impit na iyak na ang nagawa ko dahil hindi ko na rin alam ang gagawing pagpigil sa kaniya dahil sa labis na panghihina.
Ang baby ko.......
Kinakapos na ako ng hininga bago ko pa marinig ang boses na tumawag sa aking pangalan.
"PEAR!"
"INA! STOP THAT!"
Wala na akong marinig at nanlalabo na rin ang aking paningin. Nakapa ko ang basa sa sahig at doon na lamang ako nanlamig ng makita ang dugo.
Maraming dugo....
At tuluyan na nga akong nawalan ng malay.
Happy Birthday Pear!
BINABASA MO ANG
Be My Mistake
General FictionPaano nga ba masusukat ang pagiging mabuting anak? Parisein Jinri didn't expect na in just one night and one question ay magbabago ang lahat- ang pagiging mabuti niyang anak sa paningin ng magulang at pamilya. Hindi nga ba niya inaasahan ang lahat...