Christmas Eve
Wala pa mang alas dose ay naghanda na agad sila Mam Chin ng isang salu-salo sa labas ng bahay. Alas-nuebe pa lamang nang gabi ay nag-iinuman na ang buong pamilya nila habang kaming tatlo nina Nay Ideng ay naghahanda na para sa noche buena mamaya.
"Buti nakatulog na agad si Nazi." sabi ko nang makapasok na ako sa kusina para maghiwa ng mga gulay at karne.
"Baka magligalig iyon doon."
"Tatakbuhin ko na lang po 'nay, haha, sa lakas ng palahaw niya ay talagang gising pati kapitbahay. " biro ko.
Marami kaming niluluto ngayon. Lahat ng paborito ni Cloud ay niluluto namin at hindi mawawala ang paborito niyang adobo.
"'Nay, hindi niyo po ba namimiss ang pamilya niyo?" bigla ko na lang naitanong ang bagay na iyan. Kasi ako, miss na miss ko na ang pamilya ko sa probinsiya.
"Syempre, namimiss din. Lalo na ngayon at pasko."
"Bakit hindi po kayo umuwi e pinayagan naman po kayo ni Mam Chin."
Patuloy pa rin ang pagkukwentuhan namin ni Nanay Ideng kahit pareho kaming may ginagawa. Siya nag hahalo ng niluluto niya at ako naman naghihiwa pa rin.
"Hindi rin naman nila ako gustong naroon sa bahay namin. Ang mahal lang nila sa akin ay ang mga perang pinapadala ko." mahina niyang sabi.
Nalungkot ako sa sinabi niya. Sana pala ay hindi na lang ako nagtanong pa.
Naglakad ako papunta sa gawi niya at niyakap ko siya patalikod.
"Huwag po kayong mag-alala. Narito po kami, ako, si Ate Kai, si Mam Chin, si Sir Dan, si Rigor, si Ca...ssidy at ang apo niyo."
Humarap siya sa akin at nginitian ako.
"Merry Christmas Nanay. Salamat sa pagmamahal mo sa amin ni Nazi." at yumakap pa siya sa akin.
"Uy! PASALI!" biglang dating ni Ate Kai at nakiyakap na rin sa amin.
"Ako na magbabantay kay Nazi. Makisaya na kayo roon." sabi ni Nay Ideng sa amin ni ate Kai.
Katatapos lang naming maghanda sa hapag para mamayang alas dose nang tawagin kami ni Mam Chin para dumalo sa sayahan nila.
"Paano kayo 'nay?" tanong ko.
"Matanda na ako para magparty pa. Mahabagin!"
"Sige 'nay, sigawan niyo lang po ako kapag nagliligalig si Nazi." at tuluyan na kaming lumabas sa loob ng bahay para maki-saya sa kanila.
BINABASA MO ANG
Be My Mistake
General FictionPaano nga ba masusukat ang pagiging mabuting anak? Parisein Jinri didn't expect na in just one night and one question ay magbabago ang lahat- ang pagiging mabuti niyang anak sa paningin ng magulang at pamilya. Hindi nga ba niya inaasahan ang lahat...