This throwback is brought to you by Redhorse Beer! Ito ang tagay!
Someone's
From: Yara
Please, just leave me alone CM. I'm begging you.
To: Yara
Just this once, please. I really need to talk to you.
To: Yara
We need to talk.
It's already been weeks since Cassidy moved back to the Philippines after he recovered from the accident. He stayed at their family's ancestral house in Batanes at kamakailan lang ng umuwi na siya ng Manila para doon mag pasko.
Malamig ang hangin sa mga oras na ito. At mas lalong nagpadagdag sa lungkot ni Cassidy ang malakas na buhos ng ulan sa labas ng restaurant kung nasaan siya. Gusto niyang makausap ang nobya. Gusto niyang marinig ang paliwanag nito at higit sa lahat ay gusto niya itong makita at mayakap muli.
From: Yara
This will be the last time Cassidy, I'm not kidding
To: Yara
Yeah. I just want to see you.
Kahit labag sa loob ay sumang-ayon na rin ito sa ediya ng nobyang iyon na ang huli nilang pagkikita. Inaamin niya sa sarili na natatakot siya na baka ito na nga huli nilang pagkikita. Nasaktan na siya nang malamang hindi manlang siya dinalawa ng dalaga noong nakacomatose pa ito sa America pero mas masasaktan pa pala siya ngayon na ayaw na nitong makipag-usap sa kaniya.
Ilang minuto lang ang lumipas ay natanaw na agad niya ang dalaga sa bukana ng pinto at nililinga ang paligid. Itinaas naman niya ang kamay at nginitian niya ito. Wala siyang nakitang emosyon sa mga mata nito kaya mas lalo siyang nalungkot.
"Nakaorder na ako." pinakita pa niya ang pagkain sa lamesa. "Diba favorite mo iyan?" dagdag na tanong pa nito.
"You don't need to do this Cassidy. Hindi rin naman ako magtatagal."
Nalungkot lalo ang lalaki ngunit hindi niya lamang ito ipinapahalata.
"Talk" sabi ng babae.
"Huh?" pagtataka ng lalaki.
"Ano ba Cassidy?!" galit na si Yara. "You have something to tell me,right?" tumango si Cassidy. "Spill it!".
Matiim itong napatitig sa dalaga.
"Wala na ba talaga?"
"Don't make me answer that."
"Just answer me!"
"Cassi-------"
"Just fucking answer me!"
"You want the truth? Then I will give you the truth." maluha-luha ang mata ni Yamara dahil sa totoo lamang ay ayaw niyang nakikitang nasasaktan si Cassidy. Pero wala na siyang magagawa kasi hiningi niya ito.
"Hindi na kita mahal!"
At sa mga salitang iyon, tila napunit ang puso ng binata.
"Well, I never did love you una pa lang."
"No, stop lying"
"Nakakasakal ka. Sakal na sakal ako sa'yo. Gusto mo ikaw lagi ang nasusunod! Gusto mo ubusin ko lahat ng oras ko sa'yo." hindi na napaigilan ni Yamara ang pagluha. Naging masakit sa tanawin para kay Cassidy na makita siyang umiiyak.
"Yamara."
"Sinagot lang kita noon dahil na-excite ako sa'yo. Isang Cassidy Maxwell? sino nga bang hindi papayag na maging girlfriend mo? Sinubukan kong mahalin ka Cassidy pero mahirap. Ang hirap hirap mong mahalin!"
"Yamara. I'm so sorry."
"Sorry?" she laughed sarcastically. "Isang Cassidy Maxwell, nagsosorry? WOW?"
"Alam mo ba kung ilang gabi at araw kong ipinagdasal noon na marinig sa'yo yang punyetang sorry na 'yan. Naghintay ako na kahit isang sorry lang. kahit isa lang, Cassidy."
"I realized na mas naging masaya ako noong wala ka, honestly. Almost a whole fucking year na wala akong amo at para akong katulong na binigyan ng off."
The way she talks, it really hits him so hard. Naging masama pala siyang boyfriend sa girlfriend niya. Sobrang bait ni Yamara na kahit galit siya sa mga oras na ito ay hindi mo makikita sa maamo niyang mukha.
Fuck, look what I'd lost.
"I think it is the right time para makawalan mo na ako, Cassidy. Nagmamakaawa ako sa'yo."
She held his hands together. Nagmamakaawa ang mga mata niya sa lalaki. Bakas ang pagod at lungkot sa mga mata nito.
"Paano yung nangyari sa atin?" tanong ng lalaki na ipinagtaka naman ng babae. "Ano yun? Wala na lang ba yun?"
"What do you mean?"
"That night before the car accident?"
"Tingnan mo nga naman Cassidy. You even slept with other woman." naging mukhang sarkastiko ang pagtawa nito dahil sa narinig. " The night before the accident, tumawag ako sayo at sabi ko makikipagbreak na ako. Galit na galit ka at binabaan mo ako ng telepono."
"No way." hindi siya makapaniwala.
"Pull yourself together Cassidy."
"Yamara...."
"Naubos na luha at lakas ko sa'yo. I have to go na." paalam ng dalaga. Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis at marahang hinaplos ang pisngi ng binata.
"Magpakabait ka na. Maawa ka sa mga babae mo. You have to let me go Cassidy. Staying in a relationship with you is such a torture so don't let other girls feel that pain again. Hopefully, this could serve as a lesson for you." She even tapped his head. "I have to go."
Iniwan niya si Cassidy na hindi makapaniwala sa narinig. Hindi siya ang babaeng kasama nito nang gabing iyon.
"If it's not her then who might it be?"
Napasandal siya sa upuan.
"Fuck it!"
Napahilamos sa sariling kamay at pabagsak na sumandal sa upuan. Litong lito sa kung ano ang nangyayari sa paligid niya at sa kaniya. Nakabalik na lamang siya sa katinuan ng tumunog ang cellphone nito.
"Hello Ate." bungad niya sa kausap.
"Ano oras dating mo para mapaayus ko na tutulugan mo sa bahay?"
"I don't know." tinatamad na sagot nito dahil hindi rin niya sigurado kung anong oras siya makakauwi dahil balak niyang mag bar muna para mahimashamas ang isip.
"Okay, just text me na lang if you're on your way na ah." sabi ng kapatid.
"Okay."
"I'll not be around kasi andito ako sa Palawan ngayon kaya ikaw na bahala sa sarili mo."
"I know, I'm not a kid anymore so please don't tell me what to do."
"Okay Sungit! See you!"
"Yeah."
At in-end ang call.
Tinext naman niya ang kaibigan.
To: Dion
Bro, Octagon.
From: Dion
COOL! IM INNNN!
At tuluyan na siya lumabas sa restaurant na bagsak ang dalawang balikat.
BINABASA MO ANG
Be My Mistake
Сучасна прозаPaano nga ba masusukat ang pagiging mabuting anak? Parisein Jinri didn't expect na in just one night and one question ay magbabago ang lahat- ang pagiging mabuti niyang anak sa paningin ng magulang at pamilya. Hindi nga ba niya inaasahan ang lahat...