CHAPTER 8

1.1K 74 6
                                    

Someone's

Masayang masaya ang lahat ng tao sa loob ng silid pati ang mga doctor at nurses dahil sa wakas ay nagising na rin ang pasyenteng matagal din ang naging paghimlay sa kama. Charot.

"Mrs Royle, we will run some test to your son before we release him." sabi ng mistisong doctor. "just to make sure that he'll be fine." dagdag pa nito.

"OhmyGod! Thank you Lord" napayakap naman ang magandang ginang sa kaniyang asawa dahil sa sobrang galak na nararamdaman. "Salamat naman at gising na ang anak natin. Hindi ko na kayang makita siyang nakahiga sa kama at hindi gumagalaw."

"Shhhh hon, he is alright na and that's the important thing right now." sabi naman ng asawa nito. At nagyakapan ang mag-asawa habang ang ginang ay iyak pa rin ng iyak. Arti.

Hindi pa sila pwedeng lumapit sa anak dahil maya-maya pa aalisin ang mga parapernalia na nakakabit dito. Hindi naman agad madidischarge ang pasyente sapagkat kailangan pa muli nitong bumawi ng lakas.

Isang araw ang lumipas at nailipat na sa private room ang pasyente kaya naman pwede na itong makita at malapitan ng nga magulang.

"Cassidy... anak? naririnig mo ba ako?" umiyak nanaman ang maarting ginang kaya naman dinaluhan muli ito ng kaniyang asawa para alalayan.

"Anak?"

Niyugyog pa ng ginang ang braso ng anak at halos malaglag na ito sa kama.

"What the F**k!" sigaw ng bagong gising pasyente at galit na galit dahil sa labis na gulat.

"Mom, natutulog yung tao oh!" sigaw muli nito.

"Ay!" napahiya ang maarting ginang kaya nagpasiya na lang siyang tumalon sa bintana. Charot.

"Sorry, anak, masaya lang si mama at gising ka na." yumakap ang ginang sa anak na maligalig. Niyakap naman ng anak pabalik ang kaniyang ina.

"Sorry mom if nasigawan kita." bulong nito sa ina. Napahilamos pa ito sa mukha.

"Okay lang anak ang mahalaga ay gising ka na at mayayakap na kitang muli." umiyak nanaman ang maarting ginang. "Mag-iingat ka na anak ha, hindi ko kayang makita kang nahihirapan at nasasaktan. Hindi ko kayaaaa."

"Yeah mom, I will. I am so sorry if i caused you pain."

"Dad?"

"Yes, anak?"

"Have you seen, Yara?" He is referring to his girlfriend. The young and famous Yamara Seri.

Nagkatinginan ang mag-asawa at hindi alam ang isasagot.

"Anak, she never been here."

And from that moment, He just hope of being dead. Arti.



Pear' s

"Nanay, aalis na po ako." paalam ko kay Nanay Asun. Ngayon kasi ang lipat ko sa bahay nina Mam Chin. Natapos na ang pasukan kaya naman mas minarapat kong mag-umpisa na ng trabaho dahil wala rin naman akong gagawin kung sakali.

"Ingat ka Pear ha! Ang lahat ng bilin ko sa iyo!" sigaw niya. Ayaw niya akong ihatid sa sasakyan ni Iona kasi raw maramin siyang ginagawa pero alam kong maiiyak lang siya kapag nakalayo na ako.

Pagkalagay ko ng aking gamit sa truck ng sasakyan ni Iona ay bumalik ako sa bahay ni Nanay Asun. Nakita ko siya sa gilid ng pinto at hihikbi-hikbi. "'Nay, naman." at niyakap ko siya.

"Mamimiss lang kita." sabi pa nito.

"Kayo rin naman po e." nagpipigil ako ng aking pagluha dahil baka pagtsismisan kami ng aming kapitbahay.

Be My Mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon