Nagising ako sa isang silid na binabalot ng kulay puti. Pinakiramdam ko ang paligid. Base sa pamilyar na amoy ng alcohol at mga gamot ay malamang na nasa ospital ako.
Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at ginalaw ang aking kamay.
"Pear?"
"Pear?! Omayghad! Gising ka na!"
"Isabel, tumawag ka muna ng nurse sa labas!" sigaw ni Iona na agad namang sinunod nito.
Umiiyak siyang lumapit sa akin kaya naman nginitian ko na lang sila para malaman nilang okay lang ako.
"Okay ka na ba Pear? Anong nararamdaman mo? May masakit ba sa'yo?"
"I'm so sorry, Pear, I wasn't there."
Hindi naman ako tanga para hindi ko maalala kung anong nangyari sa akin. Hindi ako tanga para malimutan agad ang nangyari. Hindi ako tanga para kalimutan na lang bigla ang lahat ng iyon.
"Doc!" biglang pasok ng doctor kasama si Iona.
"I'm so glad na gising ka na." sabi ng doctor sa akin kaya naman nginitian ko na lang siya.
"Ang baby ko po?" walang anu-anong sabi ko. Kinabahan ako bigla kasi baka may masama nang nangyari sa anak dahil sa tindi ng ginawa ng bruhang Ina na iyon.
"To tell you honestly, it was a miracle na hindi nalaglag ang bata dahil sa tindi ng bleeding na nangyari sa'yo hija."
Nakahinga naman ako ng maluwag at napakapit sa aking tiyan.
I'm so proud of you baby!
Hindi ko mapigilang mapaluha dahil sa sinabi ng doctor. Naging malakas ang anak ko dahil kinaya niyang mabuhay sa kabila ng nangyari sa amin. Naging malakas siya.
"Pero hija, I can't promise na magiging normal ang natitirang buwan mo bago ka manganak so better yet, magpahinga ka na lang at alagaan ang sarili." sabi pa ng doctor.
"Pwede niyo na rin siyang iuwi by tomorrow." baling ng doctor kina Iona at Isabel. At umalis na kasama ang dalawang nurse.
"Bruha talaga ang Ina na iyon!" pagsisimula ni Iona.
"How can she even do that? For pete's sake! She almost murdered you and your son!"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Nalimutan mo ba? Sinugod ka ni Ina na.........."
"No, I mean, son?"
"Yeah, oo nga pala! IT'S A BOY! you'll be having a baby boy Pear!" masayang masaya niyang sabi sa akin na naging sanhi ng aking mag-iyak. Shit. It's a boy!
"Boy?" para akong naputukan ng confetti dahil sa narinig kaya hindi ko na napigilang hindi maiyak dahil sa tuwa. Kasi to tell you honestly, pangarap ko talaga na lalaki ang unang maging anak. Though magiging masaya rin namab ako kung babae. Naging maaga nga lang pero masaya ako kasi may lalaki na ako sa buhay.
Sa isipin pa lang na magpapalaki ako ng isang gwapong anak na lalaki ay naiiyak na ako. Hindi na ako magtataka na may itsura ang magiging anak ko dahil sa genes pa lang ng ama ay malakas na ang dugo ng magagandang lalaki.
Napatigil ang aking pagdadrama nang biglang bumukas ang pinto ng silid at pumasok si Mam Chin na may dalang prutas at bulaklak.
"PARISEIN!" sigaw ng lukaluka at agad akong niyakap ng ubod ng higpit.
"Are you okay?" malungkot na tanong niya sa akin at tumango naman ako.
"I'm so sorry about what happened anak."
BINABASA MO ANG
Be My Mistake
Художественная прозаPaano nga ba masusukat ang pagiging mabuting anak? Parisein Jinri didn't expect na in just one night and one question ay magbabago ang lahat- ang pagiging mabuti niyang anak sa paningin ng magulang at pamilya. Hindi nga ba niya inaasahan ang lahat...