CHAPTER 12

1K 55 0
                                    

Hindi ko malaman kung bakit parang sobrang init ng dugo sa akin ni Rigor. Lumala na ng lumala ang saltik niya sa ulo.

Noong isang araw lamang pinaglinis nanaman niya ako ng kwarto niya. Ang lintik na lalaki ay ginuho nanaman ang laman ng cabinet at isa-isang pinatupi sa akin. Pinaglinis din ako ng sasakyan niya. Pinagpalit ng oil ng sasakyan at kulan na lang ay ipabrush sa akin ang gulong.

Iniisip ko na lang na baka kulang siya sa buwan noong ipinanganak siya kaya naman pilit ko siyang iniintindi. Siguro may pinagdadaanan din siya kasi lagi ko na lang siyang naabutang lasing at binabanggit ang jowa niya at sinasabing tigilan na siya. Gabi-gabi ako ang nag-iintindi sa kaniya. Minsan ay ako pa ang nagpapalit ng kaniyang damit at humahagod sa likod niya kapag sumusuka siya.

Something's bothering him, I guess.

Ang alam ko lang hindi man niya sabihin sa akin ang problema niya, kailangan ko siyang tulungan kahit sa simpleng paraang ito.

Kada umaga kapag gigising siya wala siyang maalala. Hindi niya alam kung sinong nagpalit ng damit niya o nagpunas sa mga pawis niya.

Ala-una na ng umaga at narito pa rin ako, hinihintay ang pagdating ng lasing kong amo. Araw-araw ko na itong ginagawa para sa kaniya. Hindi ko naman siya obligasyon pero matutuwa akong pagsilbihan siya and one thing is because I can see his body up close. Charot.

Minsan nga pinaglalaruan ko pa ang utong niya e. Charot.

Hindi naman malaki ang katawan niya. Kumbaga, tama lang para sa 20 years na lalaking studyanteng malaki ang puwet. Never ko namang hinubaran siya ng pantalon tanging damit lang dahil basa na ng pawis at labis ang amoy ng alak nito. Ayaw ko ring makita ang babang parteng iyon dahil nakakatakot.

LoL.

Agad akong napatayo sa aking pagkakaupo nang marinig ko ang sasakyan niya. Binuksan ko agad ang pinto para salubungin siya ng halik. Charot.

Lumapit ako sa sasakyan at sinalubong ang pagbukas niya ng pinto. Nagtaka naman ako kasi hindi niya ito sasakyan. Bumukas naman ang bintana nito at dumungaw ang isang gwapong lalaki. Wow.

"He's wasted" anang lalaki.

Binuhat niya si Rigor at ipinasok sa loob ng bahay at sa kwarto nito. Sumunod naman ako bilang magiting na asawa. Charot.

"Anong nangyari?" tanong ko.

"He passed out so we decided na iuwi na lang siya." sabi ng gwapo. "Anyways, araw-araw naman na siyang lasing."

"May problema ba siya?"

"I mean, may idea ka ba kung bakit siya naglalasing ng ganito?" tanong ko na ikinagulat niya.

Nagulat din ako kasi mukha akong girlfriend na nagtatanong kung anong nangyayari sa boyfriend niya.

Napatawa naman ng bahagya ang lalaki.

Huwag mo akong akitin sa mga tawa mong iyan ginoo.

"Love life siguro." anang lalaki.

Love life? Jologs

"He never did share e. Basta magyaya siya sa bar and got himself wasted. Matalino nga ito e kasi he always make sure na may tagahatid siya." he slightly laughed.

"Ahh." wala akong masabi.

"Pero one time he mention about this girl. Lasing na lasing siya noon at hindi na iyon naulit pang muli."

"Only love can make a man wasted as he is right now."

"Siguro girlfriend niya." sabi ko

"No, Ina is just a fling for him." napatingin siya sa akin.

Sino si Ina?

"And Ina is one hella problem din." sabi niya habang kami'y parehas nang nakatingin lang sa tulog at lasinggerong si Rigor.

"He wants to end what's between him and her pero si Ina ayaw niya."

"Kaya siguro siya naglalasing dahil doon."

"Haha" syet tawa ba yun? Para siyang kumakantang anghel sa pandinig ko na humehele sa aking puso. Landi.

"There's no way in hell na magiging dahilan si Ina ng paglalasing niya. It is always 'this' girl na hindi namin kilala."

"Baka ikaw kilala mo?" tanong niya sa akin. Nabigla naman ako.

Ako pa talaga?

"Wait nga! Kaano-ano mo ba si Rigs? Pinsan mo?"

Napatungo naman ako dahil sa tanong niya.

"Ah, eh, maid ako rito." Nahihiyang sabi ko na ikinatawa niya.

Masama bang macarried away sa sitwasyong ito. Masama bang magtanong?

"I'm jealous of Rigs na tuloy." tumawa pa siya. "He got a one gorgeous woman to take care of him."

Nahiya naman ako kaya napakawit na lang ako ng buhok sa gilid ng tainga ko.

"Anyways, ikaw na ang bahala sa kaniya ha. I have to go."

"Sige." at nagpaalam na siya.

Pinalitan ko na ng damit si Rigor at pinunasan ng bahagya ang kaniyang mukha at singit. Singit sa leeg. Bago bumaba para matulog.



Kinabukasan.

Pagkatapos ko ng aking mga gawain ay tumambay muna ako sa may puno ng mangga kung saan lagi kaming tumatambay. Naga-apply ako ng lotiong galing kay Iona para raw hindi naman ako maging kutis talampakan kahit may anak na.

Speaking of anak, lumalaki na ang tiyan ko. At halata na kahit anong tago ang gawin ko. Five months na si baby. Naging normal na ang pamumuhay ko dahil wala na masyado ang mga morning sickness at etcetarang keme ng mga pregnany woman.

"Pear, bakit andami mong pasa sa katawan?" Si ate Kai.

"Ha?"

"Pasa kako, andami."

Hindi na ako nagtaka dahil sa kakatumba at hampas ko sa mga dulo ng aparador at cabinet sa tuwing lasing si Rigor ay hindi malabong magkapasa-pasa ang likod at braso ko.

"Wala iyan, kakaumpog lang." sabi ko.

"Naku Pear, nagiging malimit na rin ang pagtulog mo ng late ha. Side effect din ba yan ng pagiging buntis?"

"Po?"

"Tsk.tsk."

"Alagaan mo ang sarili mo 'nak. Gabi-gabi kitang nakikitang madaling araw na kung pumasok sa kwarto natin." sabi pa ni Nay Ideng.

"Opo nay, sorry po."

"Ano bang nangyayari sa iyo? Nagtutulak ka ba?"

"Nay naman!"

Mukha na ba akong adik?

"Biro lang. Pero alagaan mo ang sarili mo. Ilang buwan na lang at manganganak ka na."

Oo nga 'no.

It's been five months since this whole plot twist of my life happened. Para akong nananaginip na sa isang araw o sa susunod ay may tatawagin na akong anak na magmumula sa akin. Sa akin mismo.

I can't promise anything to my child kapag ipinanganak ko siya pero I will give him everything he deserves.

Nagpapasalamat na lang ako kina Iona at Isabel dahil lahat ng pagkukulang ko bilang ina ay naibibigay nila sa anak ko tulad ng vitamins nito at gatas na pang buntis. Malaking bagay na iyong bagay upang tanawing utang na loob mula sa kanila. Biyaya sila ng Diyos sa aming mag-ina lalo na si Mam Chin at sa buong pamilya niya (maliban kay Rigor GRR) na tumanggap sa akin.

Pangako ko sa aking sarili na kapag kaya ko nang bumalik sa pag-aaral ay gagawin ko. Magiging nurse ako katulad ng pangarap ko. Lalo na ngayon at mayroon na akong rason para bumangon muli. Hindi na lang para sa sarili ko ang bubuin kong desisyon kundi para sa aming dalawa ng anak ko.

Be My Mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon