Kinaumagahan
Nagising na lang ako dahil sa sinag ng araw na tumatagos mula sa bintana. Halos mapunit naman ang aking labi dahil sa labis na pagkakangiti nang maalala kung nasaan ako. Sa totoo lamang ay natakot akong matulog kagabi dahil baka paggising ko ay panaginip lang ang lahat pero nanalig akong totoo ang lahat ng ito at hindu naman ako nabigo.
Nalaman kong sinet-up lang ako ni Ate Tine para makauwi agad. Dahil ang plano pala talaga nila ay pauwiin na ako ngayong reunion para sabihing pinapatawad na nila ako. Hindi alam nila mama at papa ang planong iyon ni ate kaya naman naging labis ang pag-apaw ng luha nilang dalawa kagabi. Kahit ako, hanggang sa pagpasok ko sa loob ng bahay ay hindi ko na maalis ang yakap ko kay mama.
Samantalang si Cassidy naman ay inintindi ni kuya Prey at sa silid niya ito pinatulog. Pinilit ko siyang sa kwarto ko na lang matulog pero ayaw naman niya. Wala pa raw kaming relasyon at nasa bahay daw siya ng magulang ko kaya hangga't maaari ay ang intindihin ko raw muna ay sina mama.
Ramdam ko naman na gustong gusto na niya akong tanungin tungkol kay Nazi, kagabi pa lang. Maya't maya kasi ang pagtatanong nina ate at kuya kung nasaan daw ang pamangkin nila. Bakit daw hindi ko isinama. Nakatingin lang si Cassidy sa akin at tila gulong gulo na sa buhay niya.
Lalabas na sana ako ng pinto pero laking gulat ko nang may biglang yumakap sa akin. Amoy na amoy ko ang natural na amoy ng katawan ni Cassidy. Nakakalasing pa kaysa sa alak.
"Good morning, love." niyakap ko rin siya pabalik at nagpigil ng kilig dahil sa pagtawag niya sa akin ng 'love'.Aww
"Good morning din. Kain na ta?" tumango siya, kinalas ang pagkakayakap sa akin, hinawakan ang aking kamay at hinila papunta sa kusina.
"Oh, 'nak? Gising na pala kayo." bungad sa akin ni mama. Para namang kinikiliti ang puso dahil sa saya. Ngayon ko na lang ulit narinig ang malambing na boses ni mama. Yumakap ako sa kaniya at binati ko rin siya.
"Upo na at nang makakain na kayo." Umupo naman kami ni Cassidy at dinaluhan silang lahat. "Maya maya andito na si Mandy. Naku! Parisein, miss na miss ka ng batang iyon!"
Sinandukan ako ni Cassidy ng kanin at ulam sa plato ko. "Thank you." Para kaming batang naglalandian kaya hindi na ako nagtaka kung bakit nakatingin silang lahat sa amin.
"Ehemm." pagpapapansin ni Kuya Prey. Nahiya naman kami pareho at sabay na napayuko.
"So, hijo, kumusta naman si Parisein bilang nurse?" Nagtaka naman ako sa tanong na iyon ni papa. Paano niya nalamang nurse na ako?
"Pa?" Napatingin naman siya kay mama. Napangiti ako sa ideyang ini-stalk siguro nila ako noong wala ako. Tsk.
"Eto naman kasi si papa. Ang ingay!" asik ni ate Tine. Napaismid na lang si papa at hindi makatingin kay mama.
"Si Joy kasi...." si ate. Paano niya nakilala si Joy?
"Bakit mo kilala si Joy, ate?"
"Kapatid siya ng co-nurse ko rito sa atin. Ina-update niya kami ni papa tungkol sa'yo kapalit ng Gosurf50." panimula niya.
"Alam namin ni papa lahat ng kilos at galaw mo dahil ni Joy. Pati yung, ano...." napatigil siya at nakatungo lang siya plato niya. "Nahuli kasi nila kayong dalawa na naghahalikan, kamakailan lang. Alam mo naman ang bunganga nun, kapag sinabing 'sabihin mo lahat', ay talagang lahat ay sasabihin para lang sa Gosurf50." Kung kanina siya ang nakatungo, ngayon, kaming dalawa na ni Cassidy ang nakatungo dahil sa kahihiyan.
BINABASA MO ANG
Be My Mistake
General FictionPaano nga ba masusukat ang pagiging mabuting anak? Parisein Jinri didn't expect na in just one night and one question ay magbabago ang lahat- ang pagiging mabuti niyang anak sa paningin ng magulang at pamilya. Hindi nga ba niya inaasahan ang lahat...