CHAPTER 9

1K 66 1
                                    

Nag-umpisa na ang araw ng aking pagtatrabaho. Hindi naman araw-araw ay maglalaba ako kaya naman napagkasunduan na tumulong na rin lang daw ako sa gawaing bahay at pag-aalaga kay Cloud. Kahit masama sa loob ko. Charot.

Mabait na bata si Cloud at napakagiliw kaya naman nagkasundo kami agad.

Umaga ngayon at maaga talaga kaming nagigising nina Nanay Ideng para sa paghahanda ng agahan. Palaging wala ang amo kong binatang gwapo dahil lagi raw nasa barkada at minsan ay nasa nobya nito. Buti na lamang at wala siya dahil sa kada ilang beses na makakasalubong ko siya ay hindi siya nawawalan ng ikapipintas sa akin.

"Pear, dalhin mo na muna itong gatas ni Cloud sa taas." utos ni Nanay ideng. Feeling amo lang si Nanay ideng. Charot.

"Sige po" at umakyat na ako sa kwarto ni Cloud. Nakasanayan na raw kasi ang bata na kada gigising ay umiinom ng gatas kaya pala bulok ang ngipin. Joke, maganda kaya ang ngipin nila. Tinalo ang kintab ng tiles nila sa sahig.

Nasa may bukana pa lang ako ng hagdan ng makasalubong ko si Sir Rigor at wala itong saplot, sa paa. Binati ko na lang siya ng magandang umaga at agad na pumunta sa kwarto ni Cloud.

"Cloud?" tawag ko rito.

"Yaya?"

"Cloud?"

"Yaya?"

"Cloud?"

"Yaya, ano ba?" angil ng bata.

"Halika na inumin mo na itong gatas mo."

Tumayo naman agad ang bata dahil kapag hindi siya tumayo agad ay baka masakal ko siya. Charot.

"Very good talaga ang baby na ito." naubos niya ang gataas sa tabo, sa baso pala at isinuot ang sapin sa paa. "Halika na sa baba, doon taya sa garden." Yaya ko sa kaniya.

Lagi kaming nagkukwentuhan ni Cloud kahit limang taong gulang pa lamang siya ay alam kong naiintindihan niya ako. Lagi kong sinasabi sa kaniya na susundin lagi ang mommy at daddy niya para hindi siya mapagalitan. Giliw na giliw siyang hawakan ang tiyan ko na medyo malaki na rin. Palagi niyang sinasabi na may lupa raw na laman ang tummy ko kaya malaki. Sa daming pwedeng maisip na laman ay lupa pa talaga.

"Yaya?"

"Hmm?"

"Alam ko na kung bakit malaki ang tummy mo."

"Bakit?"

"Kasi hindi ka pa nagpopoop?"

Nakngtokwa ng batang are.

"Saan mo naman nakuha iyan?"

"Sabi ni Yaya Kakai, sabi niya kaya raw malaki ang tiyan mo kasi kumain ka raw ng maraming lupa tapos hindi ka pa raw tumatae."

Napairap na lamang ako sa sarili ko dahil sa isiping pinagtsitsismisan nila ako.

"Is that right?" tanong pa nito.

"No baby, kaya malaki ang tummy ni yaya is because meron ditong baby."

Napahugis 'O' ang labi niya sa sinabi ko.

"really?"

"Yes, ilang buwan na lang lalabas na ang baby dito sa tummy ko."

"is it a puppy or a kitten?"

Baka kalabaw.

"no, syempre baby girl o baby boy katulad mo."

"really, yaya?"

"yes!"

"Can we play once he gets out of your tumny?"

"oo naman. Magiging friends kayo."

"Paano ba siya napunta there?"

Paano ba ito? Sabihin ko na lang kaya na nakalunok ako ng lupang may sperm.

"It is a very long story baby. Kapag big boy ka na saka mo malalaman. " pinisil ko pa ang pisngi niya.

"Really?"

"Oo! Pero bago iyan, ikuha mo muna akong brief ni Kuya mo sa cabinet niya."

"For what, yaya?"

"Bastaaaa."

May pustahan kasi kami ni Ate Kakai na kung sino man ang makakapagdala ng brief ni Sir Rigor ay may 500 pesos. Kasi never pa raw niyang nakita ang brief nito tanging boxer lang ang pinakamalapit sa pagiging brief.

Hindi ko rin alam kung anong issue niya sa brief ni Rigor.

Kinabukasan, araw ng labada. Madali lang naman ang laundry dito dahil pagkalagay sa washing machine ay tuyo na agad at pwede na tupiin pero ang bilin ni Mam Chin ay paarawan daw ang mga damit.

"Saan ba ito isinasampay Ata Kai?" tanong ko.

"Doon sa may garahe sa may halamanan, may sampayan doon." turo niya. "Mag-ingat ka at madulas doon."

Grabe naman ang mga damit nina Sir Rigor, mamahalin ang tatak. Mahal pa sa cellphone ko e. Minsan nga naiisip kong ibenta online yung mga damit nila e para makaipon din ako ng mas malaking halaga ng pera.

"HAYYYYYY" huling damit na ini-hang ko at pagud na pagod ako kaya nag-inat ako ng katawan.

Maglalakad na sana ako pabalik sa Maid's quarter ng bigla kong mabangga si Sir Rigor na naglilinis ng sasakyan niya.

"Naku, sorry po sir."

Masamang masama ang tingin niya sa akin kahit humingi na nga ako ng paumanhin.

"Tatanga-tanga kasi. Hindi ka ba talaga marunong mag-ingat?"

"Nag sorry naman na po----"

"At sumasagot ka pa? Baka nakakalimutan mo, amo mo ako! Wala kang karapatang magsalita hangga't hindi ko sinasabi!"

"Hindi ko naman po kinakalimutan iyon sir."

"Tumabi ka nga diyan! Ang sama ng mukha mo!"

Ang sakit naman niyang magsalita. Nanlumo ako dahil sa mga sinabi niya kaya kahit ang pag-abot ng laundry basket ay naging mabagal para sa akin dahil malapit na akong umiyak.

Bakit siya ganiyan?

"I TOLD YOU TO LEAVE, RIGHT?"

Nanginginig na ako sa kaba kasi baka kung anong gawin niya sa akin. Baka mapahamak ang anak ko mahirap na. Kahit mahirap ay binilisan ko ang paghakbang.

"YAYA! I ALREADY GOT KUYA'S BRIEF!"

Nanlaki ang mata ko. Shit.

"YAYA! NASAN NA BA IYON!"

Anakngtokwatbaboyyyyy!

Humarap ako kay Rigor na nakatingin sa gawi ni Cloud. Nasa likod ako ni Rigor kaya hindi niya kita ang naging ekspresyon ko.

"YAYA!" tawag pa ni Cloud habang bukang buka ang brief at ipinapakita sa akin. Sininyasan ko siya na ibaba ang brief pero hindi niya ako naintindihan. Lalo naman akong hindi magkaintindihan ng hinarap ako ni Rigor. Kung masama na ang tingin niya sa akin kanina ay mas masama ngayon.

"Ah....eh." nag-aalanganin akong magsalita baka kasi masapak ako.

"F**k this!" mariin niyan bulong sa pagmumukha ko sabay alis. Lumapit siya kay Cloud at basta na lang hinigit ang brief sa kamay nito.

"KUYAAA! GIVE ME BACK THE BRIEF!" sigaw ni Cloud at tuluyan nang lumayo ang dalawa. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makaalis ang dalawa. Punyeta.

Be My Mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon