CHAPTER 35

956 38 1
                                    

Isang araw na ang nakakalipas magmula nang iwan ako ni Cassidy. Walang paramdam, ni hindi manlang siya nagtext sa akin kung nakarating pa siya ng buhay sa Manila. Nakailang text at missed calls ako sa kaniya pero ni isang salita wala akong narinig sa kaniya.

Sobrang bigat ng pakiramdam ko dahil sa nangyari. Sobrang sakit ng puso ko.

Kahapon pa ng hapon bumalik sa Manila si Iona at Isabel. Napagpasyahan ko namang dito na i-celebrate ang kaarawan ni Nazi total narito na rin naman kami kasama ang pamilya ko. Hindi naman mawala ang pag-aalala ko dahil nangako ako sa kaniya noon na dadating ang ama niya. Pero paano na ngayon? Wala akong tatay na ihaharap sa kaniya.

Nasa gitna ako ng pag-iisip nang tumunog ang aking cellphone. Nakita kong si Rigor ang tumatawag kaya sinagot ko ito kaagad.

"Uy Rigs! Musta!"

"Okay lang. Mangangamusta lang ako." masaya niyang sabi. Napangiti naman ako kahit paaano dahil alam kong maayus na siya ngayon.

"I'm a bit sad nga e dahil hindi rito magbi-birthday si Nazi. Kahit si mom, first time na wala ang apo niya." tumawa pa siya.

"I'll find some time para makapunta ako riyan. I know magugulat ang anak mo kung sakali."

"Baliw." tanging nasabi ko.

"Ano bang gusto ni Nazi sa birthday niya? Diba gusto niya sa EK?"

"Dadalhin ko siya roon kahit hindi niya birthday, alam mo yan!pero iba na gusto niya e." narinig ko ang pagtawa niya. "Ang hirap lalong ibigay ng gusto niya."

Hindi naman sa nagrereklamo ako. Nalulungkot ako para sa anak ko.

"He asked for his father, right?"

"Oo."

"Then, give him what he wants, Pear. Risk it all for him. He deserves that, anyway."

"Paano nga? Naguguluhan na ako. Ako pati'y natatakot."

"Mag risk? Pear, para naman sa anak mo ah. Sometimes a greatest gift is simply risking something for someone. Try to do it for your son."

Hindi naman nagtagal ang aming pag-uusap dahil may gagawin pa raw siya. Agad naman akong nagpaalam at nagpasalamat sa kaniya.



Someone's

Parang robot na walang baterya ang ganap ni Cassidy sa sarili niyang buhay. Wala siyang kagana-gana sa trabaho at tanging pag-inom lang ng alak sa gabi ang ginagawa niya. Magmula kasi ng iwan niya si Pear sa probinsiya niya ay parang naiwan din niya ang kalahati ng pagkatao niya roon.

Hindi niya matanggap na nagsinungaling sa kaniya ang babaeng mahal niya. Kaya niyang tanggapin ang anak nito. Kaya niyang tanggapin lahat ng bagay tungkol kay Parisein pero ang hindi niya matanggap ang kung bakit nagsinungaling ito sa kaniya.

Naisip niyang hindi pa siya ganoong kamahal ng babae dahil nagawa niyang magsinungaling tungkol sa anak nito.

Mahal niya si Pear. Mahal niya ang babaeng nagparamdam sa kaniya na pwede pala siyang mahalin nang hindi iniisip na isa siyang Royle, na mayaman siya at kilala.

Nasa bar siya ngayon at hinihintay ang pagdating ni Dion at pamangking si Rigor. Inimbitahan niya ang dalawa dahil gusto niya ng kadamay ngayong gabi.

"Mukhang nagpapakamatay na iyang tiyo mo ah." sabi ni Dion kay Rigor na kapwa kararating lamang.

"Hoy! Cassidy! Anong balak mo sa balbas mo? Iparebond?" biro ni Dion dahil humahaba na rin ang balbas niya pero hindi naman kasing haba ng iniisip niyo.

Be My Mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon