CHAPTER 4

1.3K 82 4
                                    

Since hindi pa naman malaki ang tiyan ko ipinagpatuloy ko pa rin ang aking pag-aaral. Hindi naman halata na buntis ako at walang nakakapansin. Dalawang buwan na lang naman at matatapos na ang school year na ito. Kailangan kong maghahanap ng trabaho para sustentuhan ang sarili ko sa lalong madaling panahon.

Nawalan na ako ng contact kina mama at papa sa probinsiya. Sinabihan ni Tito Kiko ang mga kapatid ko at pinsan na huwag na huwag akong kokontakin. Sobrang galit na galit siya sa akin na sinunog niya lahat ng gamit ko na nasa bahay namin. At grabe ang pagmumura niya noong araw na dumating siya. Si mama raw lagi na lang tulala at hindi nakakausap.

Naging parang sementeryo ang bahay namin dahil sa sobrang katahimikan. Isang linggo na ang nakakalipas simula ng mapalayas ako sa amin. Isang linggong walang contact mula sa kanila. Pero minsan patago akong tinatawagan ni ate Tine kapag duty niya sa ospital. Tanging iyak lang ang ginagawa ko.


"Pear?" mahinang tawag sa akin ni Isabel. Narito kami sa cafeteria at kumakain. Alam na ni Iona at alam na rin nila kung anong nangyari. Sobra ang naging pagpapakalma ko sa kanila dahil sa sobra rin ang galit nila kay Cassidy dahil sa ginawa niya.

"Hmmm?"

"Tahimik ka nanaman, nag-aalala na ako sa'yo" si Iona.

"okay lang ako, no ba kayo."

Narinig ko na lang ang pagbuntong hininga ng dalawa. Ayaw ko ng ganito na nakikita nila akong mahina kaya hangga't maaari ay pipilitin kong maging normal ang lahat.

"By next month, kailangan ko na umalis sa tinitirhan ko. Hindi ko na afford magbayad sa upa at tsaka paubos na ipon ko hehe." pilit akong ngumiti at tumawa sa harapan nila. Ayaw kong magpaawa ayaw kong manlimos. Kaya ko pa naman.

"So saan ka tutuloy?"

"Maghahanap na lang ako ng trabaho na stay in para libre na pagkain at bahay."

"Parisein! Buntis ka! Makakasama iyan sa anak mo!"

"Mas makakasama sa aming parehas ang mamatay sa gutom dahil sa kaartihan ko."

"Pear?!" malungkot na sabi ni Iona.

Please huwag kang iiyak Iona.

"Kasalan ko lahat, Pear. so---- sorry." hinawakan niya ang dalawa kong kamay at pinisil-pisil iyon. "Kung hindi sana kita pinilit na sumama noong gabing iyon edi hindi sana mangyayari ito ngayon sa'yo at kung hindi sana si Reyn ang inusap ko na maghatid sa'yo."

"Wala kang kasalanan Iona, ha, tandaan mo iyan. Ginusto ko rin ang pagpunta doon kaya wala kang kasalanan." sabi ko habang pinupunasan ang luha sa pisngi niya.

"Halika nga rito." at niyakap ko siya kaya lalo lamang lumakas ang kaniyang pag-iyak.

"Pasali akoooo!?"

"Pangako Pear, magiging pinakamagandang ninang ako sa anak mo. Huhuhuhu."

"Shhh tama na ang iyak baby."

"Hayaan mo, Pear, pagbalik na pagbalik ni Cassidy dito sa Pilipinas babalatan ko talaga siya ng buhay!"

"Sagarin mo sa bandang part ng mukha para wala na siyang mabiktima ulit. Masyado kasing magwapo ang lalaking iyon kaya kusa ka talagang mapapabuka ng binti. ARAY!"

Sabay akong binatukan ng dalawa.

"Tumigil ka nga Pear nakakasulasok ang mga lumalabas sa bibig mo!"

"Pero, Pear, pangako, ako na ang hahanap ng trabaho mo. Magpapatulong ako kay daddy. Ha?!" sabi ni Iona.

"Salamat ah" at nagharutan na kaming tatlo.

Be My Mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon