CHAPTER 19

878 45 2
                                    

After 3 months

"Happy Birthday Nazi!"

"Happy Birthday baby!"

"Shhhhh" suway ko sa kanila dahil masyadong malakas ang kanila mga boses. Karga ni Rigor si Nazi habang ako naman ay iniintindi ang dalawa kong bisita. Si Iona at si Isabel. "Huwag kayong masyadong maingay baka mabingi ang bata." dagdag pa ni Rigor.

"Opo Sir!" biro ni Isabel.

"Rigs ang OA mo! Sana okay ka lang." si Iona.

Three months old na si Nazi kaya naman mayroong kaunting salu-salo rito sa garden area ng bahay.

Narito pa rin ako sa bahay nila pero lumipat na ako sa kwarto namin nina Nay Ideng para hindi naman masyadong nakakahiya dahil sobrang laki na ng naitulong nila sa akin. Mula pa lamang sa gastusin ko sa panganganak at pati na rin sa gamit ng bata ay sinagot na ni Mam Chin.

Naging mahirap ang paga-adjust ko sa araw-araw lalo na't may binabantayan na akong anak. Lagi akong puyat at nalilipasan ng gutom dahil tunay na napakaligalig ng baby ko. Kapag araw ng labada ay binabantayan naman siya ni Nay Ideng at minsan ay si Ate Kai.

"Wait lang, Rigor, palitan ko lang ng damit si Nazi." umupo naman siya sa bench habang karga pa rin si Nazi. Dahan-dahan ko naman siyang pinalitan ng damit at nilagyan ng unting baby powder sa likod.

"Ayan, okay na."

"Ang galing-galing naman ng mommy na iyan!" hindi bagay kay Rigor mag baby talk dahil sobrang manly ng boses niya. Mas bagay pag naging baby ko siya

Lalong nakakatakot pakinggan.

"Tse!" at hinampas ko pa siya sa braso. Kiri ko.

"WOW NAMAN! FAMILY IS LOVE!" sigaw ni Iona kaya inirapan ko nalang siya. Sira ang ulo.

"Bat hindi nalang kayong dalawa ang magpakasal total bagay naman kayo." dagdag pa nito na sinangayunan pa ng isa ko pang kaibigang may tileleng at kalahati. "Oo nga!"

"Ayaw mo nun, may daddy na si Nazi."

"Tumigil nga kayong dalawa!"

Matagal natapos ang biruang iyon at tumigil lamang sila ng umiyak na si baby kaya naman kinuha ko na siya kay Rigor.

"Patulugin ko lang. Pagod na ata." at hinele siya hanggang sa makatulog.

Hindi na ako nagtataka kung bakit kahit baby pa lang at maliit pa lang ay masasabi ko na agad na magandang lalaki ang anak ko dahil unang una, hindi naman ako pangit at ikalawa ay ang kaniyang amang mukhang bayag.

I found a peace in him.

I mean, sa baby. Kay Rame Noah Cazil.

Noah dahil si Noah Centineo ang ama niya at Cazil na mula sa Cassidy (para naman kahit paano ay magiging part siya kahit sa pangalan lang), Zil mula sa pangalan ni mama at Rame na ang ibig sabihin ay 'chaotic but joyful at the same time'.

Mula kasi noong dumating siya sa mundo at sa buhay ko ay tila naging kaguluhan sa akin. Para akong nasa gitna ng giyera, masayang giyera ng buhay na kung saan siya ang nagbigay.

Para akong nakatitig sa isang anghel na natutulog. Matangos ang ilong at hindi naman gaanong kaputian dahil wala namang makukutkot na puti sa aking katawan kahit ang ama nito ay hindi rin naman kaputian. Kumbaga, tama lang ang puti. Perfect para maging endorser ng Pampers at baby powder. Charot.

Be My Mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon