Everything seems to be different. I mean, from the way Rigor have been treating me lately. Charot.
Kung noon hindi matatapos ang araw nang hindi niya ako napagsasalitaan ng masama. Ngayon ni ang tingnan ako ay hindi na rin niya magawa. Sa tuwing lumalapit ako sa kaniya ay siyang paglayo at pag-iwas niya. Pinagbawalan niya rin akong pumasok sa kwarto niya dahil daw baka may mawala.
Pero mas nagugustuhan ko ang ginagawa niya dahil less trouble sa aming dalawa.
Narito kami ngayon sa labas ng kwarto namin nina Ate Kakai. Mayroon ditong maliit na tv kung saan kami nanunuod ng telebabad tuwing hapon. Sa mga oras na wala kaming ginagawa.
Nanunuod kami ngayon ng Tubig at Langis. Kung saan ang bida ay si Kristine Reyes at Zanjoe Marudo. Tinatawanan na lang namin ni Nay Ideng si ate Kai sa tuwing maiinis ito sa ginaganapang karakter ng kabit ni Natoy.
Paanong gigil?
Hindi naman makabisita sina Iona at Isabel dahil busy sila para sa nalalapit na balik eskwela. (Pang elemetary school yung term). Nakakalungkot man pero siguro sa mga oras na ito ay nasa palengke na rin ako at namimili ng gamit para sa pasukan.
Kasi ngayoan imbes na notebook at ballpen ang bibilhin ko ay gatas at diaper na. Dahil dalawang buwan na lamang ay manganganak na ako. Nagiging mahirap na rin sa akin ang pagkilos at paggalaw. Minsan nga ay nahihiya na ako kay Mam Chin dahil parang naging pabigat ako lalo para sa kanila imbes na kaya ako nandito para makatulong sa pamamahay na ito e ako pa inaalagaan ng lahat.
Kahit medyo matagal pa ang paglabas ng baby ay nagbigay na agad ng regalong kuna si Mam Chin. Sa sobrang galak ko ay nasuntok ko siya sa puson. Charot.
Nayakap ko siya at husto ang aking pasasalamat dahil hindi ko naman iyon inaasahan. At tuwing hapon kada uuwi siya ay may dala siyang gamit ng bata. Basta hindi siya uuwing walang dala.
Napatigil naman ako sa panunuod ng biglang tumunog ang aking cellphone. Nagtext pala si Iona.
From: Iona
Nakarecover na si Cassidy. Baka anytime bigla na lang siyang sumupot dito.
To: Iona
So?
From: Iona
Wow, attitude!
Speaking of Cassidy, wala akong balak na sirain ang pangalan niya o kung ano man sa buhay niya nang dahil lang sa kasalanan naming dalawa. Dami nang nangyari ngayon pa ba naman ako hihingi ng awa sa kaniya? Itlog niya! Bitter much.
Hindi ako hangal para hindi maisip na baka magtanong ang anak ko kung nasan ang ama niya. Hindi ko na lang pinaka-iisip-isip ang ideyang iyon dahil napakatagal pa naman bago siya magkaisip at maintindihan ang sitwasyon. Ang mahalaga ngayon ay ang ngayon.
Kinahapunan.
Maagang naghapunan ang lahat kaya naman maaga rin kaming makakapagpahinga. Inutusan ako ni Nanay Ideng na patulugin na si Cloud kaya naman pumanhik na ako paitaas sa second floor ng bahay. Dahan-dahan ang naging pagakyat ko sa hagdan dahil mahirap na at baka madisgrasya pa.
Kinatok ko ang kwarto ni Cloud pero wala siya roon nang silipin ko. Nagbaka sakali naman akong nasa silid siya ni Rigor kaya naman kumatok din ako roon. Nagdalawang isip pa ako kung kakatok dahil ayaw na niya kasi akong papasukin sa kwarton niyang ito sa hindi ko malamang dahilan.
"Sir, andiyan po ba si Cloud?"
Kahit hindi siya umimik ay rinig ko naman ang hagikhik ng biik niyang kapatid kaya naman binuksan ko na ang pinto at bahagyang sumilip. Tanging ulo ko lang ang nakadungaw sa pinto dahil baka isipin niya na magnanakaw ako.
"YAYA!" masayang sigaw ni Cloud. Pitikin ko kaya itlog nare.
"Lika na, sleep na tayo."
"No yaya, I'll sleep with kuya tonight!"
"You wanna join us?"
No way! High way!
"Naku hindi na, lika muna palitan natin iyang damit mo." lumapit naman ako sa kaniya at hindi naman na siya nagpahabol. Kasi subukan niya lang at kukuritin ko siya sa tagiliran.
Nasa kabilang side ng kama si Rigor habang nakatingin sa amin.
Akala niya ba talaga ay magnanakaw ako kaya ganun na lamang kong makatingin siya.
Nakatingin pa rin siya hanggang sa pagpapahid ko ng pulbos sa likod ni Cloud.
Inggit ka no?
Lika, palitan ko rin brief mo.
"Sleep tight baby." at naghug pa siya sa akin.
"Can you hug kuya too? Para maganda rin ang sleep niya."
Nagulat namana ko sa sinabi ni Cloud.
"Stop that Cloud!" suway ng kapatid.
"Ayaw ng hug ni kuya mo e gusto ata'y kiss." Pabiro ko pang sabi nang hindi manlang tumitingin kay Rigor dahil alam ko na agad ang itsura niya. Tumawa naman si Cloud.
"Can you?"
"Shy type ako e." sabi ko habang nakay Cloud pa rin ang paningin.
"Bullshit!" rinig kong asik nung isa.
Huwag ako!
Stop crushing me!
"I want to sleep na ya." sabi ni Cloud na halatang antok na antok na nga dahil mabigat na ang kaniyang
pagsasalita. "Lika na." Humiga ako sa kabilang side ng kama habang si Cloud ay nasa gitna.Tinapik-tapik ko lang ang kaniyang bandang puwetan katulad ng nakasayan niya at naghuhum ako ng isang kanta.
Wala pang ilang minuto ay nakatulog na ito. Tumayo at nilagyan ng unan ang side na inalisan ko para hindi siya mahulog. Kinumutan ko rin siya.
Tahimik ang paligid ng silid na pawang walang tao kundi ako lamang ni hindi ko maramdaman ang paghinga ni Rigor.
Hay salamat, namatay na ata.
"Pwede ba bilisan mo naman kumilos para makaalis ka na!"
Ay buhay pa pala.
"Opo sir, sorry po."
"I can't stand seeing you this close nakakairita ang pagmumukha mo."sabi pa niya.
Inaano ko ba ito?
"And don't mess with my brother baka kung anu-ano na ang itinuturo mo sa kaniyang katangahan."
"Ayoko namang mahawa siya sayo sa kabobohan mo."
Tanga na bobo pa! San ka pa!?
Napatungo na lang ako dahil sa kahihiyan. Nginitian ko muna siya ng pilit at nagpaalam na para umalis. Pagsara ko ng pinto ng silid niya ay saka lumuwag ang aking paghinga. Walang magagawa ang pag-iyak kaya naman pinigilan ko ng husto ang pagtulo na aking luha.
Bumaba na ako para matulog. Pinilit kong i-divert ang nararamdaman kong lungkot para maging positive na lahat lalo na't birthday ko na sa isang araw.
Nineteen na sa isang araw. First birthday ko na wala ako sa aking pamilya. Pipilitin kong mgaing masaya sa kabila ng masasakit na salitang narinig ko mula sa kaniya. Siguro ay doon siya masaya kaya sino ba namab ako para sirain ang kasiyahang nararamdaman niya.
Kaarawan ko man ay hindi naman ako naghahangad ng kahit anong materyal na bagay. Gusto ko lang ng pagbati mula sa mga kaibigan ko at sa mga nagmamahal sa akin.
BINABASA MO ANG
Be My Mistake
General FictionPaano nga ba masusukat ang pagiging mabuting anak? Parisein Jinri didn't expect na in just one night and one question ay magbabago ang lahat- ang pagiging mabuti niyang anak sa paningin ng magulang at pamilya. Hindi nga ba niya inaasahan ang lahat...